Ang motorsiklong ito ay mayroong Electronic Throttle Control (ETC). Sa halip na gumamit ng mekanikal na koneksyon ng kable sa throttle body, ang teknolohiyang ito ay gumagamit ng mga redundant grip sensor upang ipahiwatig na hiniling ng nagmamaneho ang posisyon ng throttle sa Electronic Control Module (ECM). Tapos, kinokontrol ng ECM ng tamang intake ng gasolina/hangin at timing ng ignisyon batay sa mga aksyon ng nagmamaneho.
Sinusubaybayan ng Electronic Control Module (ECM) ang status ng mga grip sensor, throttle plate actuation at airflow. Kapag may naatukoy na mga Trouble Code, dini-disable ng ECM ang cruise control, pinaiilaw nito ang check engine lamp at lilipat ito sa isa sa mga sumusunod na mode.
ETC Limited Performance Mode
Makakaranas ng halos normal na operasyon ang nagmamaneho. Ang motorsiklo ay umaandar nang mayroong mga probisyon upang bantayan laban sa hindi sinasadyang pagpapabilis.
ETC Power Management Mode
Bumabalik ang throttle plate actuator sa posisyong "idle detent" o "limp-home", na nagbibigay ng sapat na torque para makamit ang bilis na humigit-kumulang 40 km/h (25 mph) . Nababawasan ang pagtugon ng motorsiklo sa input sa grip sensor.
ETC Forced Idle Mode
Ang throttle plate actuator ay sapilitang inilalagay sa posisyong "fast idle", na nagbibigay ng sapat na torque para gumapang, ngunit hindi sapat na torque upang gumana sa mga bilis ng trapiko.
ETC Forced Shut Down Mode
Ang makina ay sapilitang papatayin.