Pagdiskonekta at Pagtatanggal
1. Alisin ang upuan.
2. Tingnan ang Figure 1 . Tanggalin ang ECM (1) mula sa top caddy. Itabi.
3. Kung mayroon, i-abante ang purge solenoid (2) para matanggal mula sa top caddy.
4. Mga modelong may security system: Tanggalin ang HFSM antenna (3) mula sa top caddy at itabi.
5. Tanggalin ang mga connector (7) mula sa mga angkla sa top caddy.
6. Tanggalin ang mga fastener (5).
7. Putulin ang mga strap ng cable (4). Itabi ang mga harness upang magkaroon ng mas malaking espasyo para sa top caddy.
8. Itulak paabante ang top caddy upang i-disengage ang harap ng caddy mula sa hold-down bracket sa harap. Tanggalin ang top caddy.
9. Upang maiwasan ang pagkasira ng mga elektrikal na bahagi, gamitin ang sumusunod na pamamaraan upang i-deactivate ang elektrikal na sistema bago idiskonekta ang kuryente.
a. Siguraduhing malapit ang hands-free na fob.
b. Ilagay ang switch ng ignisyon sa ON.
c. Alisin ang takip sa kaliwang bahagi.
d. Tanggallin ang pangunahing fuse sa connector nito.
BABALA
Tanggalin muna ang pagkakakonekta ng negatibong (-) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00049a)
10. Tingnan ang Figure 2 . Idiskonekta ang parehong kable ng baterya, mauuna ang negatibong kable ng baterya.
11. Hatakin pataas ang strap ng baterya upang i-angat ang baterya. Kapag sapat nang nailayo ang baterya para mahawakan ito nang mabuti, hawakang mahigpit at ganap na tanggalin ang baterya.
Pagkakabit at Pagkonekta
1. Ipihit ang switch ng ignisyon sa OFF.
2. Itali ang strap ng baterya sa ilalim ng tray ng baterya, pagkatapos, pataas at papunta sa kabilang panig ng frame crossmember.
3. Tingnan ang Figure 2 . Ilagay ang baterya sa tray ng baterya, nang nakaharap ang side ng terminal.
BABALA
Ikonekta muna ang positibong (+) kable ng baterya. Kapag napadikit ang positibong (+) kable sa ground habang nakakonekta ang negatibong (-) kable, maaaring maging sanhi ng pagsabog ng baterya ang mga magreresultang pagsiklab, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00068a)
PAUNAWA
Ikonekta ang mga kable sa mga tamang terminal ng baterya. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng sistemang elektrikal ng motorsiklo. (00215a)
PAUNAWA
Huwag masyadong higpitan ang mga bolt sa mga terminal ng baterya. Gumamit ng mga inirerekomendang torque value. Ang labis na paghihigpit ng pagkakabit ng mga bolt ng terminal ng baterya ay maaaring magresulta sa pagkapinsala ng mga terminal ng baterya. (00216a)
4. Ikonekta ang parehong kable ng baterya, mauuna ang positibong kable ng baterya. Higpitan.
Torque: 6,8–7,9 N·m (60–70 in-lbs) Bolt ng Terminal ng Baterya
PAUNAWA
Panatilihing malinis at banayad na balutin ang mga terminal ng petroleum jelly upang maiwasan ang pangangalawang. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkapinsala ng mga terminal ng baterya. (00217a)
5. Pahiran ng manipis na petroleum jelly o ELECTRICAL CONTACT LUBRICANT ang parehong terminal ng baterya.
6. Tupiin ang strap ng baterya paharap, sa ibabaw ng baterya.
7. Tingnan ang Figure 1 . Ilagay ang top caddy sa posisyon at i-engage ang latch sa hold-down bracket.
8. Ikabit ang top caddy sa frame crossmember gamit ang mga fastener (5). Higpitan.
Torque: 8,1–10,9 N·m (72–96 in-lbs) Mga turnilyo ng top caddy
9. Ilagay ang HFSM antenna (3) at purge solenoid (2) sa top caddy. Tiyakin na ang lahat ng connector at harness ay idinaan sa ibaba ng purge solenoid mounting tongue.
10. Ikabit nang mabuti ang mga connector (7) sa mga angkla sa top caddy.
11. Ikabit ang ECM (1) gamit ang latch para hindi gumalaw sa top caddy.
12. Ikabit nang mabuti ang mga harness sa frame gamit ang mga strap ng kable (4).
13. Ikabit ang upuan. Pagkatapos na ikabit ang upuan, hatakin pataas ang upuan upang matiyak na nakakabit ito nang mabuti.
14. Ikabit ang pangunahing fuse.
15. Ikabit ang takip ng kaliwang bahagi.
1ECM
2Purge solenoid
3HFSM antenna
4Mga strap ng cable
5Mga turnilyo (2)
6Hold-down (hindi nakikita)
7Mga connector (2)
Figure 1. Top Caddy
1Pang-angat na Strap
2Positibong terminal
3Negatibong terminal
Figure 2. Compartment ng Baterya