1. Motorsiklo na hindi nakargahan nang tama. Ang hindi standard na kagamitan tulad ng mga mabibigat na radio receiver, karagdagang lighting equipment, sobra o hindi nakaayos na bagahe ay maaaring magdulot ng hindi matatag na pagpapatakbo
  2. Ang kargada ay lampas sa pinakamabigat na tinukoy sa GVWR (nagmamaneho, pasahero at kagamitan).
  3. Mga may sirang gulong o hindi tamang kumbinasyon ng harap at likod na gulong. Magpunta sa dealer.
  4. Mali at hindi tinukoy na gulong na naka-mount sa harap o likod na gulong/reweda. Magpunta sa dealer.
  5. Maling presyon sa gulong.
  6. Hindi regular o labis na pagkapudpod ng gulong sa harap. Magpunta sa dealer.
  7. Hindi balansyado ang gulong at goma ng gulong. Magpunta sa dealer.
  8. Ang shock absorber ay hindi gumagana nang normal. Magpunta sa dealer.
  9. Hindi tama na pag-adjust ng suspension.
  10. Maluwang na mga axle nut ng gulong. Higpitan sa inirerekomendang ispesipikasyon ng torque. Magpunta sa dealer.
  11. Sobrang luwag ng bearing sa gulong. Magpunta sa dealer.
  12. Wala sa ispesipikasyon ang swing-back (pag-adjust ng steering head bearing). I-adjust at palitan ang mga butas o pudpod na bearing at race. Magpunta sa dealer.
  13. Hindi tama ang pagkakahigpit o pagkaka-assemble ng fork pivot assembly sa likod, o maluwag/butas o sira ang mga bearing ng pivot. Magpunta sa dealer.
  14. Maluwag, pudpod o sira ang mga mount ng makina at/o mga stabilizer link. Magpunta sa dealer.