Lever ng Preno sa Harapan
BABALA
Huwag ilagay ang mga daliri sa pagitan ng hand control lever at handlebar grip. Ang hindi tamang posisyon ng kamay ay maaaring makasira sa paggana ng lever ng control at maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00032a)
Tingnan ang Figure 1. Kinokontrol ng hand lever ng preno sa harapan (1) ang preno ng gulong sa harap. Ang lever ay nasa kanang handlebar. Paganahin ang hand lever gamit ang mga daliri ng kanang kamay.
Pedal ng Preno sa Likod
Tingnan ang Figure 1. Kinokontrol ng pedal ng preno sa likod (2) ang preno ng gulong sa likod. Ang pedal ay nasa kanang bahagi. Paganahin ang pedal ng preno a likod gamit ang kanang paa.
1Lever ng preno sa harap
2Pedal ng preno sa likod
Figure 1. Mga Kontrol ng Preno
Anti-lock Brake System (ABS)
Tinutulungan ng anti-lock brake system ng Harley-Davidson ang nagmamaneho sa pagpapanatili ng kontrol kapag pumepreno sa diretsong linya sa panahon ng emerhensya. Hiwalay na gumagana ang ABS sa mga preno sa harap at likod upang panatilihing umiikot ang mga gulong at pigilan ang mga hindi makokontrol na pag-lock ng gulong sa tuyong semento o madudulas na surface tulad ng graba, mga dahon o kapag nagmamaneho sa mga basang kondisyon.
Paano Gumagana ang ABS
Sinusubaybayan ng ABS ang mga sensor sa harapan at likurang gulong upang tukuyin ang bilis ng gulong. Kapag natukoy ng system na ang isa o parehong gulong ay bumabagal nang napakabilis, na nagpapahiwatig na malapit nang mag-lock ang mga ito, o kapag hindi tumutugma pagbagal sa pamantayang naka-store sa memory, nagre-react ang ABS. Mabilis na binubuksan at sinasara ng system ang mga balbula upang isaayos ang presyur ng brake. Kapag gumana na ang ABS, ibinibigay ng system ang electronikong katumbas ng mano-manong pagtapak sa brake. Kayang gawin ito ng system ng hanggang pitong beses kada segundo.
Mapapansin ng rider ang paggana ng ABS sa pamamagitan ng banayad na pitik na mararamdaman sa hand lever o sa pedal ng brake sa likod. Makakarinig din ng pag-click mula sa modyul ng ABS. Ang dalawa ay resulta ng normal na paggana. Sumangguni sa Talahanayan 1.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.harley-davidson.com/abs.
Paano Gamitin ang ABS
Bagama’t mapakikinabangan ito sa pang-emerhensyang pagpreno, ang ABS ay hindi pamalit sa ligtas na pagmamaneho. Ang pinakaligtas na paraan upang mapahinto ang motorsiklo ay nakatayo habang nakadiretso ang parehong gulong.
Ang Harley-Davidson ABS ay isang manual assist system. Sa panahon ng pang-emerhensiyang paghinto, patuloy na diinan ang mga preno habang gumagana ang ABS. Huwag kontrolin o “i-pump” ang mga kontrol ng preno. Hindi magla-lock ang mga gulong hanggang sa katapusan ng paghinto kapag umabot na ang bilis ng motorsiklo sa humigit-kumulang 6 km/h (4 mph) at hindi na kinakailangan ang ABS.
BABALA
Hindi maaaring pigilan ng ABS ang pag-lockup ng likurang gulong dahil sa pag-engine brake. Hindi makatutulong ang ABS sa mga pagliko sa kanto o sa maluluwag/o hindi pantay na kalsada. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00362a)
ABS: Mga Gulong at Goma ng Gulong
Ang mga motorsiklong may ABS ay dapat palaging gumamit ng mga gulong at goma ng gulong ng Harley-Davidson. Sinusubaybayan ng ABS ang bilis ng pag-ikot ng mga gulong sa pamamagitan ng mga indibidwal na sensor ng bilis ng gulong. Kapag nagpalit sa ibang dyametrong gulong o ibang sukat ng mga gulong, maaaring maiba ang bilis ng pag-ikot. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang sukat ng mga goma ng gulong at gulong ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa pag-calibrate ng ABS, at maaaring hindi maganda ang maging epekto nito sa kakayahang matukoy at mapigilan ang di-kontraladong pag-lock ng gulong. Ang pagpapatakbo ng gulong sa presyong iba sa mga tinukoy na presyon ay maaaring magpahina sa paggana ng ABS. Sumangguni sa Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Tinukoy na Gulong.
Talahanayan 1. Mga Sintomas at Kondisyon ng ABS
SINTOMAS
KONDISYON
Patuloy na umiilaw ang ABS lamp
May natukoy na hindi paggana ng ABS. Pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Kumikislap ang ABS lamp
Ipinapahiwatig nito ang isang normal na proseso sa pag-dayagnos sa sarili kapag unang pinaandar ang motorsiklo at ang bilis ay mas mababa sa 5 km/h (3 mph). Hindi gumagana ang ABS hanggang sa mamatay ang ilaw. Kung ang lamp ay patuloy na kumikislap sa tulin na mas mabilis sa 5 km/h (3 mph), magtungo sa isang Harley-Davidson dealer para magpaserbisyo.
Tumitibok na lever ng preno o pedal sa panahon ng ABS event
Normal na kondisyon.
Tunog na pag-click sa panahon ng ABS event
Normal na kondisyon.
"Umaalon" na sensasyon habang nagpepreno
Normal na kondisyon. Ito ay pinaka-kapansin-pansin kapag nagpepreno gamit ang isang preno (harap o likod lamang). Resulta ng pagbabawas ng pagpapabagal na maaaring idulot ng mga bitak o umbok sa daan, engine braking (mataas na RPM ng makina na nagiging sanhi ng pagbagal ng hulihang gulong), mahirap na pagpepreno sa mababagal na tulin, at iba pang mga kondisyon. Ito ay dahil sa ABS modulating caliper brake pressure upang maiwasan ang hindi kontroladong pag-lock ng gulong.
Pansamantalang matigas ang pedal ng preno sa likod
Normal na kondisyon. Maaaring gumana ang ABS dahil sa engine braking (mataas na RPM ng makina na nagiging sanhi ng pagbagal ng hulihang gulong) o pag-down shift. Kapag inilalapat ang preno sa likod nang magkasabay o kaagad pagkatapos, maaaring magsara ng valve ang ABS upang maiwasan ang presyon sa preno sa likod. Ito ay dahil sa ABS modulating caliper brake pressure upang maiwasan ang hindi kontroladong pag-lock ng gulong.
Paghuni ng gulong
Normal na kondisyon. Depende sa surface, ang gulong ay maaaring humuni nang hindi naka-lock ang gulong.
Itim na marka sa kalye
Normal na kondisyon. Depende sa surface, ang gulong ay maaaring mag-iwan ng itim na marka nang hindi naka-lock ang gulong.
Pag-lock ng gulong sa mababang tulin
Normal na kondisyon. Hindi aktibo ang ABS sa harapang gulong nang mas mababa sa 5 km/h (3 mph) o sa likurang gulong nang mas mababa sa 8 km/h (5 mph).