BABALA
Ang mga bagay sa mga salamin ay mas malapit kaysa sa paglitaw ng mga ito. Mag-ingat kapag tinatantiya ang distansya ng mga bagay na nasa mga salamin. Ang hindi pagtatantiya sa tamang distansya ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00033a)
Mayroong dalawang convex na rear view mirror ang iyong motorsiklo.
Ang ganitong uri ng salamin ay dinisenyo upang makapagbigay ng mas malapad na pagtanaw sa likod kaysa sa flat na salamin. Gayunpaman, ang mga kotse at iba pang bagay na nakikita sa ganitong uri ng salamin ay nagmumukhang mas maliit at mas malayo kaysa sa aktwal na kinalalagyan ng mga ito.
TALA
I-adjust ang mga salamin nang sa gayon ay nakikita mo ang maliit na bahagi ng iyong balikat sa bawat salamin. Matutulungan ka nitong matantiya ang kaukulang distansya ng mga sasakyan sa likod ng iyong motorsiklo.