PAUNAWA
Dapat ganap na naka-disengage ang clutch bago subukang magpalit ng gear. Ang hindi ganap na pag-disengage sa clutch ay maaaring magresulta sa pinsala sa kagamitan. (00182a)
Nakatigil, Nakapatay ang Makina
Dahan-dahang hilahin ang hand lever ng clutch nang sagad sa handlebar grip upang ganap na ma-disengage ang clutch. Hindi nag-e-engage ang mga gear dahil hindi umiikot ang mga transmission shaft at hindi nakahanay ang mga bahagi ng shifter. Ugain ang motorsiklo nang paatras at pasulong habang bahagyang pinipindot ang shift lever o kambyo.
Pagsisimula mula sa Pagkakahinto
TALA
Laging i-start ang makina habang nasa neutral ang transmisyon. Laging simulan ang pag-abante sa unang gear.
  1. Habang umaandar ang makina at nakabalikwas na ang jiffy stand, hilahin ang hand lever ng clutch sa handlebar grip para i-disengage ang clutch.
  2. Ibaba ang gear shift lever hanggang sa dulo at bitawan ito. Nasa unang gear o primera na ngayon ang transmisyon.
  3. Bitawan nang kaunti ang clutch lever, at kasabay nito, unti-unting buksan ang throttle.
Upshift (Pagpapabilis)
Tingnan ang Figure 1. Ikambyo sa susunod na mas mataas na gear kapag naabot ng motorsiklo ang bilis na kinakailangan para mag-shift. Sumangguni sa Talahanayan 1.
Talahanayan 1. Inirerekomendang Mga Bilis bago Mag-upshift
PAGBABAGO NG GEAR
mph
km/h
Una hanggang ikalawa
15
25
Ikalawa hanggang ikatlo
25
40
Ikatlo hanggang ikaapat
35
55
Ikaapat hanggang ika-lima
45
70
Ika-lima hanggang ikaanim
55
85
  1. Isara ang throttle.
  2. Dahan-dahang hilahin ang hand lever ng clutch nang sagad sa handlebar grip upang ganap na ma-disengage ang clutch.
  3. Hilahin ang gear shift lever o kambyo hanggang sa dulo at bitiwan ito.
  4. Bitawan nang dahan-dahan ang clutch lever at unti-unting buksan ang throttle.
  5. Ulitin ang mga nakaraang hakbang upang magkambyo sa mga natitirang gear.
TALA
  • Ganap na i-disengage ang clutch bago magpalit ng gear.
  • Bahagyang buksan ang throttle upang hindi mag-drag ang makina kapag binitiwan ang lever ng clutch.
Figure 1. Sequence ng pag-shift: Upshift
Downshift (Pagpapabagal)
BABALA
Huwag mag-downshift sa mga bilis na mas mataas kaysa sa mga nakalista. Ang pag-shift sa mas mababang gears kapag masyadong mabilis ang takbo ay maaaring maging sanhi para mawalan ng traksyon ang likurang gulong at humantong sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00045b)
Tingnan ang Figure 2. Kapag bumagal ang tulin, tulad ng pag-akyat sa isang burol o pagbagal para lumiko, mag-shift sa susunod na mas mababang gear. Sumangguni sa Talahanayan 2.
Talahanayan 2. Mga Irerekomendang Bilis Bago Mag-downshift
PAGBABAGO NG GEAR
mph
km/h
Ikaanim hanggang ika-lima
50
80
Ikalima hanggang ikaapat
40
65
Ikaapat hanggang ikatlo
30
50
Ikatlo hanggang ikalawa
20
30
Ikalawa hanggang una
10
15
TALA
Ang mga punto ng pag-shift na ipinapakita sa talahanayan ay mga rekomendasyon. Maaaring maiba sa talahanayan ang mga indibidwal na punto ng pag-shift.
  1. Isara ang throttle.
  2. Dahan-dahang hilahin ang hand lever ng clutch nang sagad sa handlebar grip upang ganap na ma-disengage ang clutch.
  3. Ibaba ang gear shift lever hanggang sa dulo at bitawan ito.
  4. Bitawan nang dahan-dahan ang clutch lever at unti-unting buksan ang throttle.
  5. Ulitin ang mga nakaraang hakbang upang magkambyo sa mga natitirang gear.
TALA
  • Ganap na i-disengage ang clutch bago magpalit ng gear.
  • Bahagyang buksan ang throttle upang hindi mag-drag ang makina kapag binitiwan ang clutch lever.
PAUNAWA
Mag-shift muna sa neutral bago pahintuin ang makina. Ang mekanismo ng pag-shift ay maaaring mapinsala kapag nagpalit ng gear habang nakahinto ang makina. (00183a)
Pinahihintulutan ng mekanismo ng gear shifter o kambyo ang pag-shift o pagkambyo ng transmisyon sa nyutral mula sa una o ikalawang gear.
Figure 2. Sequence ng Shifting: Pag-downshift