Ang Engine Idle Temperature Management System (EITMS) ay maaaring magbigay ng limitadong pagpapalamig ng cylinder sa likod para sa mga rider na madalas na nakakaranas ng matagal na paghinto o matinding trapiko. Pwedeng paganahin o di-paganahin ng mga rider ang EITMS upang bumagay sa kanilang estilo ng pagmamaneho.
Pagpapagana
Kapag aktibo ang EITMS, ang pagbitiw sa clutch lever papunta sa clutch engagement zone ay magpapahinto sa EITMS at magpapasimula ng paggana ng cylinder sa likod. Habang nakahinto ang sasakyan, maaaring makinabang ang rider sa pagpaparebolusyon (throttle)/bahagyang pagpapabilis ng makina bago umandar, na magpapahinto sa EITMS at agad na magpapaandar sa likurang cylinder anuman ang posisyon ng clutch lever.
Ang warm idle speed ng makina ng 2017 at ng mga sumunod na modelo ng Milwaukee Eight ay nasa 850 RPM, ngunit maaaring mag-iba ang idle speed depende sa iba pang mga salik kabilang ang karga ng kuryente sa sasakyan. Kapag aktibo ang EITMS sa makinang ito, aakyat ang idle speed sa 950-1000 RPM hanggang sa pahintuin ang EITMS.
Pag-activate
TALA
Hindi gagana ang EITMS sa loob ng unang 30 segundo matapos paandarin ang makina.
Papatayin ng EITMS ang cylinder fuel injector sa likod kapag ang lahat ng sumusunod na preset parameter ay natugunan na:
Nasa idle ang posisyon ng throttle.
Ang bilis ng motorsiklo ay wala pang 1.2 mph (2 km/h)
Ang bilis ng makina ay mas mababa sa 1200 RPM
Ang input reading ng sensor ng Engine Temperature (ET) ay mas mataas sa naka-preset na antas.
Ang reading ng sensor ng Ambient Air Temperature (AAT) ay mas mataas sa naka-preset na antas (para lang sa mga modelong may radyo)
Pag-deactivate
Hihinto ang EITMS at magpapatuloy sa paggana ang fuel injector ng cylinder sa likod kapag naganap ang alinman sa mga sumusunod na kondisyon:
Ang reading ng sensor ng Ambient Air Temperature (AAT) ay bumagsak nang mas mababa sa mga naka-preset na antas (para lang sa mga modelong may radyo)
Ang reading ng sensor ng Engine Temperature (ET) ay bumagsak nang mas mababa sa naka-preset na antas
Mas mataas sa idle ang posisyon ng throttle (ni-roll ng rider ang throttle)
Lampas ang bilis ng motorsiklo sa 1.9 mph (3 km/h)
Lampas ang bilis ng makina sa 1350 RPM
Binitiwan ang clutch habang nakakambiyo ang motorsiklo
Pagpapagana / Pagpapahinto sa EITMS
TALA
Maaaring paganahin o pahintuin ang EITMS habang umaandar o nakapatay ang makina.
Sa mga sasakyang may radyo, ang pag-activate ng EITMS at ang pagpapagana / pagpapahinto ay maaaring makita sa Screen ng Impormasyon.
Naka-enable: Awtomatikong gumagana ang feature ng pagpapalamig ng makina ng EITMS sa tuwing ganap na hihinto ang sasakyan at naka-idle sa mga kondisyong mataas ang temperatura. Kapag naka-enable ang feature, maaaring hindi ito gumana kapag nagmamaneho nang malamig.
Naka-disable: Hindi aktibo ang EITMS feature sa ilalim ng anumang kondisyon.
Maaaring i-enable o i-disable ang EITMS sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga sumusunod na hakbang.
Ilagay ang switch ng ignisyon sa ON. Pindutin ang switch ng OFF/RUN ng makina sa kanang handlebar sa posisyong RUN.
Itulak ang throttle sa posisyong roll-off at diinan.