Laging gamitin ang iyong mga senyas sa pagliko at mag-ingat kapag nilalampasan ang ibang mga sasakyan sa patungo sa parehong direksyon. Huwag kailanman mag-overtake sa mga interseksyon ng kalye, sa mga kurbada o kapag paakyat o pababa ng burol.
Magbigay ng right-of-way sa mga interseksyon ng kalye. Huwag ipagpalagay na ikaw ang may right-of-way, sapagkat maaaring hindi alam ng ibang nagmamaneho na ikaw na ang susunod.
Laging sumenyas tuwing naghahandang tumigil, lumiko o lumampas/mag-overtake.
Agad na sundin ang lahat ng sign ng trapiko, kabilang ang mga sign para sa pamamahala ng trapiko sa mga interseksyon. Laging sumunod sa mga sign ng trapiko na malapit sa mga paaralan at tawiran ng tren.
Kapag nagbabalak na lumiko, sumenyas nang hindi bababa sa
30,5 m (100 ft)
bago makarating sa lilikuan.
Kung liliko sa isang interseksyon, lumipat sa gitna ng kalsada (maliban kung iba ang hinihingi ng mga lokal na patakaran). Bagalan ang andar kapag pumapasok sa interseksyon at maingat na lumiko.
Huwag unahan ang ilaw trapiko. Kapag nagpapahiwatig ng pagbabago mula GO patungong STOP (o STOP patungong GO), bagalan ang andar at hintaying magpalit ang ilaw. Huwag piliting lumampas sa dilaw o pulang ilaw trapiko.
Kapag lumiliko, tingnan kung may mga taong tumatawid, mga hayop, gayundin mga sasakyan.
Huwag umalis sa gilid ng bangketa o paradahan nang hindi sumesenyas. Siguraduhing bukas ang iyong dadaanan pagpasok sa gumagalaw na trapiko. Palaging nasa gumagalaw na linya ng trapiko ang right-of-way.
Siguraduhing nakakabit ang iyong plaka ng lisensya sa posisyong tinutukoy ng batas. Siguraduhing palaging malinaw na nakikita ang iyong plaka ng lisensya. Laging panatilihing malinis ang plaka ng lisensya.
Tumakbo sa ligtas na bilis na naaayon sa uri ng highway na dinadaanan mo. Pansinin nang mabuti kung ang tuyo, malangis/madulas, nagyeyelo, o basa ang daan.
Mag-ingat sa mga labi tulad ng mga dahon o nakakalat na graba/bato.
Ang mga kondisyon ng panahon at trapiko sa highway ang magdidikta ng naaayong pag-a-adjust ng iyong bilis at gawi sa pagmamaneho.