ITEM | PIYESA BLG. 94000634 | PAGLALARAWAN | LOKASYON | TEXT |
---|---|---|---|---|
1 | 14000396 | Mga pangkalahatang babala | Tuktok ng takip ng air cleaner | BABALA: Ang mga motorsiklong tatlo ang gulong ay iba sa mga motorsiklong dalawa ang gulong at sa iba pang mga sasakyan. Naiiba ang pagpapaandar, pagpapaliko, pagmamaneho at pagpepreno ng mga ito. Ang walang kasanayan at maling paggamit ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol, kamatayan o malubhang pinsala.
Para makakuha ng manwal, hanapin ang pinakamalapit na dealer sa 1-414-343-4056 o sa www.harley-davidson.com |
2 | 15368-01A | Babala sa baterya | Sa ilalim ng upuan, sa likod ng tangke ng gasolina sa main harness trough | BABALA: Ang nakakonektang baterya ay maaaring magdulot ng pagsiklab o pag-andar ng motorsiklo habang inaayos/kinukumpuni. Maaaring humantong sa kamatayan o magdulot ng malubhang pinsala.
|
3 | 14148-86 | Label ng proteksyon ng makina (FLHTCUTG) | Sa harap ng engine guard sa ibaba ng mount sa gitna | Maaaring limitado ang proteksyong maibigay ng proteksyong ito sa binti at sa anyo ng sasakyan sa mga natatanging sitwasyon (natumba habang nakahinto, pagdausdos sa napakabagal na takbo). Hindi ito ginawa o sinadya upang magbigay ng proteksyon mula sa pinsala sa katawan mula sa pagkakabangga sa isa pang sasakyan o anumang iba pang mga bagay. |
4 | 83446-09 | Mga limitasyon ng pagkakarga sa trunk | Sa loob ng pinto ng trunk | BABALA: Maaaring magdulot ng kawalan ng kontrol ang labis na bigat sa Trunk. Maaaring humantong sa kamatayan o magdulot ng malubhang pinsala.
|
5 | 90821-74C | Mga limitasyon ng pagkakarga sa Tour-Pak (FLHTCUTG) | Sa loob ng takip ng Tour-Pak | BABALA: Maaaring magdulot ng kawalan ng kontrol ang labis na bigat sa Tour-Pak®. Maaaring humantong sa kamatayan o magdulot ng malubhang pinsala.
|
6 | 83563-10 | Label ng gulong (FLHTCUTG) | Ilalim ng takip sa kanang bahagi | IMPORMASYON SA GULONG AT PAGKAKARGA KAPASIDAD NG UPUAN, KABUUANG 2, HARAP 1, LIKOD 1 Ang pinagsamang timbang ng mga nakasakay at kargamento ay hindi dapat lumampas sa mga tinukoy na timbang.
Tingnan ang
Bago Sumakay → Pagtsetsek ng Presyon ng Gulong at Pagsisiyasat ng Mga Gulong
para sa datos ng gulong at tingnan ang
Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon
para sa maximum na timbang na pinapayagan.
|
7 | 14000781 | Label ng gulong (FLRT) | Ilalim ng takip sa kanang bahagi | IMPORMASYON SA GULONG AT PAGKAKARGA KAPASIDAD NG UPUAN, KABUUANG 2, HARAP 1, LIKOD 1 Ang pinagsamang timbang ng mga nakasakay at kargamento ay hindi dapat lumampas sa mga tinukoy na timbang.
Tingnan ang
Bago Sumakay → Pagtsetsek ng Presyon ng Gulong at Pagsisiyasat ng Mga Gulong
para sa datos ng gulong at tingnan ang
Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon
para sa maximum na timbang na pinapayagan.
|