Pangkalahatang Impormasyon
BABALA
Itugma ang mga gulong, tubo, rim strip o seal, air valve at cap sa tamang gulong. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson. Ang mismatching o maling pagpapares ay maaaring humantong sa pagkapinsala ng gulong, magpahintulot ng pagdulas ng goma ng gulong mula sa gulong o maging sanhi ng pagkasira ng gulong, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00023c)
BABALA
Inirerekomenda ng Harley-Davidson ang paggamit ng mga tinukoy na gulong nito. Ang mga sasakyang Harley-Davidson ay hindi idinisenyo para patakbuhin sa mga hindi tinukoy na gulong, kabilang ang mga gulong para sa snow, moped at iba pang espesyal na gulong. Ang paggamit ng hindi tinukoy na mga gulong ay maaaring makaapekto sa katatagan, pagmamaneho o pagpepreno at humantong sa pagkawala ng kontrol ng sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00024d)
BABALA
Ang mga gulong sa harap at likod ng Harley-Davidson ay hindi magkapareho. Ang pagpapalit ng harap at hulihang gulong ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng gulong, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00026a)
Para sa Malamig na Gulong na may Pumapaligid na Temperaturang 20 °C (68 °F) o mas mababa: Sumagguni sa Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Gulong at Presyon ng Gulong para sa impormasyon at mga presyon ng gulong.
Para sa Malamig na Gulong na may Ambient Temp na mas mataas sa 20 °C (68 °F): Sumangguni sa Talahanayan 1 upang malaman ang mga itinamang presyon.
Para sa Mainit na Gulong na may Pumapaligid na Temperaturang mas mataas sa 20 °C (68 °F): Sumangguni sa Talahanayan 2 upang malaman ang mga itinamang presyon.
Ang Harley-Davidson ay hindi nagsasagawa ng anumang pagsubok kung saan nitrogen lang ang gagamitin sa mga gulong. Hindi inirerekomenda ni pinipigilan ng Harley-Davidson ang paggamit ng purong nitrogen upang pahanginan ang mga gulong.
Pahayag ng Pagsunod ukol sa Gulong sa India: Ipinahahayag ng Harley-Davidson Motor Company na ang mga gulong na nakalista sa seksyon ng mga ispesipikasyon (India lang) ay tumutugon sa kahingian ng Indian Standard 15627 ng Bureau of Indian Standards (na binabago sa pana-panahon) na kinakailangan para sa pagrerehistro ng mga sasakyang binuo/ginawa sa India. Ang mga gulong na ito ay sumusunod din sa mga kahingian ng Central Motor Vehicle Rules ng 1989.
Talahanayan 1. Pag-a-adjust ng Presyon ng Gulong - Malamig na Gulong
Kinakailangan ang pagbabago ng presyon (psi)
Temperatura ng Pumapaligid na Hangin (Ambient Temperature) °F
Talahanayan 2. Pag-a-adjust ng Presyon ng Gulong - Mainit na Gulong
Kinakailangan ang pagbabago ng presyon (psi)
Temperatura ng Pumapaligid na Hangin (Ambient Temperature) °F
Pagsisiyasat ng mga Gulong
Ang mga gulong ng Harley-Davidson ay may mga bar ng pagkapudpod (wear bar) na makikita nang pahalang sa buong tread.
Ang gulong ay itinuturing na pudpod na kapag nakikita na ang wear bars o kapag 0,8 mm (0,031 in) na lang ang tread depth na natitira. Ang pudpod na gulong ay maaaring:
Tingnan ang Figure 3 o Figure 4. Palaging palitan ang mga gulong bago lumitaw ang mga wear bar ng tread.
1Indicator
2Bar ng pagkapudpod ng tread
Figure 3. Indicator ng Pagkapudpod ng Tread: Michelin Tires
1Indicator
2Bar ng pagkapudpod ng tread
Figure 4. Indicator ng Pagkapudpod ng Tread: Mga MRF na Gulong
Pagpapalit ng Mga Gulong
BABALA
Ang mga gulong ay kritikal na bahagi ng kaligtasan. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa pagpapaayos o pagpapalit ng gulong. Ang hindi wastong pag-aayos ng gulong ay maaaring makaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00057a)
BABALA
Palitan ang mga butas o sirang gulong. Sa ilang kaso, ang maliliit na butas sa bahagi ng tread ay maaaring ayusin mula sa loob ng inalis na gulong ng isang dealer ng Harley-Davidson. HINDI dapat lumampas ang tulin sa 80 km/h (50 mph) para sa unang 24 na oras pagkatapos ng pag-aayos, at ang gulong na inayos ay HINDI dapat gamitin nang lampas ng 129 km/h (80 mph) . Ang hindi pagsunod sa babalang ito ay maaaring humantong sa pagkasira ng gulong at magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00015b)
BABALA
Palitan agad ang gulong gamit ang tinukoy na gulong ng Harley-Davidson kapag nakikita ang mga wear bar o kapag 1 mm (1/32 in) na tread depth na lang ang natitira. Ang pagmamaneho nang may pudpod na gulong ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00090c)
Kailangan ng mga bagong gulong kung umiiral ang alinman sa mga sumusunod na kondisyon (sumangguni sa Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Gulong at Presyon ng Gulong para sa mga tinukoy na pamalit na gulong):
Kapag ikinakabit ang mga gulong sa rim, huwag umasa sa disenyo ng tread upang malaman ang direksyon ng pag-ikot. Palaging tiyakin na ang mga umiikot na arrow na nakahulma sa mga sidewall ay nakaturo sa direksyon ng pag-ikot kapag umaabante ang sasakyan.