Mga Indicator na Ilaw para sa Senyas ng Pagliko
Tingnan ang Figure 1. Ang mga indicator ng pagliko (1,5) ay kikislap kapag pinagana ang senyas ng pagliko. Kapag gumagana ang mga 4-way hazard flasher, sabay na kikislap ang mga indicator ng pagliko.
Ilaw ng High Beam ng Headlamp
Tingnan ang Figure 1. Iilaw ang indicator na ilaw ng high beam ng headlamp (2) kapag pinagana ang switch ng high beam o flash to pass.
Ilaw ng Nyutral
Tingnan ang Figure 1. Ang indicator na ilaw ng nyutral (3) ay iilaw kapag naka-nyutral ang transmisyon.
Ilaw ng Presyon ng Langis
PAUNAWA
Kapag nananatiling nakailaw ang oil pressure indicator lamp, palaging suriin muna ang supply ng langis. Kung ang supply ng langis ay normal at ang lampara ay nakailaw pa rin, ihinto agad ang makina at huwag munang patakbuhin hanggang matukoy ang problema at maisagawa ang mga kinakailangang pag-aayos. Kapag hindi ito ginawa, maaari itong magresulta sa pagkasira ng makina. (00157a)
Tingnan ang Figure 1. Ang indicator na ilaw ng presyon ng langis (4) ay iilaw kapag may sapat na langis na umiikot sa buong makina.
Bubukas ang ilaw kapag binuksan ang ignisyon bago paandarin ang makina. Habang tumatakbo ang makina, dapat ay nakapatay ang ilaw kapag ang bilis ng makina ay mas mataas sa idle.
Mga sitwasyon na maaaring maging dahilan ng pag-ilaw ng indicator na ilaw ng langis:
Check Engine Lamp (Ilaw na Nagpapahiwatig na Suriin ang Makina)
Tingnan ang Figure 2 o Figure 3. Ipinahihiwatig ng check engine lamp (1) kung ang makina/engine management system ay normal na gumagana. Kulay amber/kahel ang ilaw ng makina.
Kapag naka-ON ang ignisyon, iilaw ang check engine at mananatiling naka-ilaw hanggang na-start ang makina.
Kapag hindi namatay ang ilaw ng makina pagkatapos paandarin ang makina o kapag umilaw ito sa ibang pagkakataon, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Kaunting Gasolina
Tingnan ang Figure 2 o Figure 3. Ipinahihiwatig ng ilaw ng kaunting gasolina (2) kapag bumaba sa sukat ng reserba ang gasolina sa tangke ng gasolina. Sumangguni sa Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Kapasidad: Mga Modelong XL883 o Mga Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon → Mga Kapasidad: Mga Modelong XL1200. Hindi mamamatay ang ilaw ng kaunting gasolina hangga’t walang sapat na gasolina sa tangke, hindi pinapatay at muling binubuksan ang switch ng ignisyon, at hindi nagsisimulang umabante ang sasakyan. Kapag tuluy-tuloy ang pagkislap ng ilaw ng kaunting gas, magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng Pagkadiskarga ng Baterya
Tingnan ang Figure 2 o Figure 3. Ipinahihiwatig ng ilaw ng pagkadiskarga ng baterya (3) ang labis na pag-charge o kakulangan sa pag-charge ng baterya. Sumangguni sa Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagpapanatili ng Baterya.
Ilaw ng Seguridad
Tingnan ang Figure 2 o Figure 3. Ipinahihiwatig ng pulang ilaw ng seguridad (4) na nakabukas ang system ng seguridad. Sumangguni sa SISTEMA NG SEGURIDAD para sa pagpapagana ng system ng seguridad.
Kapag hindi namatay ang ilaw, pumunta sa isang dealer ng Harley-Davidson.
Ilaw ng ABS
BABALA
Kung patuloy na kumikislap ang ilaw ng ABS nang mas mabilis sa 5 km/h (3 mph) o nananatiling naka-on, hindi gumagana ang ABS. Gumagana ang standard na sistema ng preno, ngunit maaaring mag-lock up ang gulong. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para ipaayos ang ABS. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00361b)
Kumikislap: Tingnan ang Figure 2 o Figure 3. Sa mga sasakyang may ABS, magsisimulang kumislap ang ilaw ng ABS kapag pinaandar ang sasakyan. Ipinahihiwatig ng kumikislap na ilaw na nasa mode ng self-diagnosis ang system. Patuloy itong kikislap hanggang lumampas ang bilis ng motorsiklo sa 5 km/h (3 mph). Hindi gumagana ang ABS hangga’t hindi namamatay ang lamp. Sumangguni sa Pagpapatakbo → Brake System.
Solid o Hindi Kumikislap: Ang patuloy na pag-ilaw ng lamp ay nagpapahiwatig ng sirang ABS. Hindi gumagana ang ABS at gumagana ang mga preno bilang mga prenong hindi ABS. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
1Pagliko sa kaliwa
2High beam
3Nyutral
4Presyon ng langis
5Pagliko sa kanan
Figure 1. Bar ng Indicator Lamp
1Suriin ang makina
2Kaunti ang gasolina
3Baterya
4System ng seguridad
5ABS (ipinapakita rin ang lamp na icon ng km/h ABS)
Figure 2. Mga Ilaw ng Instrumento: Lahat maliban sa XL1200CX
1Suriin ang makina
2Kaunti ang gasolina
3Baterya
4System ng seguridad
5ABS (ipinapakita rin ang lamp na icon ng km/h ABS)
Figure 3. Mga Ilaw ng Instrumento: XL1200CX