XL1200C, XL1200CX, XL1200X, XL1200XS Models
1. I-set ang pahalang na pag-adjust:
a. Tingnan ang Figure 1. Luwagan ang turnilyo para sa pag-a-adjust nang pahalang (3).
b. Iliko ang headlamp nang pakanan o pakaliwa kung kinakailangan para maitutok ang sinag ng ilaw nang diretsong paharap.
c. Higpitan ang turnilyo para sa pag-a-adjust nang pahalang sa:
Torque: 40,7–47,5 N·m (30–35 ft-lbs) Pag-a-adjust ng headlamp nang pahalang: XL1200C, XL1200CX, XL1200X, XL1200XS
2. I-set ang patayong pag-adjust:
a. Luwagan ang locknut (1) para sa bolt ng patayong pag-adjust.
b. Ikiling ang headlamp pataas o pababa para maasinta ito sa pahalang na linya sa pader.
c. Higpitan ang locknut ng headlamp:
Torque: 40,7–47,5 N·m (30–35 ft-lbs) Pag-a-adjust ng headlamp nang patayo: XL1200C, XL1200CX, XL1200X, XL1200XS
1Locknut
2Bolt para sa pag-a-adjust nang patayo
3Turnilyo para sa pag-a-adjust nang pahalang
Figure 1. Pag-a-adjust ng Headlamp XL1200C, XL1200CX, XL1200X, XL1200XS
XL883L, XL883N, XL1200T Models
1. Tingnan ang Figure 2. Tanggalin ang snap plug (1) sa taas ng bracket ng headlamp (2).
2. Luwagan ang clamp nut ng headlamp (3).
3. Ikiling ang headlamp pataas o pababa para i-asinta ito sa pahalang na linya. Kasabay nito, ipihit ito pakanan o pakaliwa para idirekta ang sinag nang diretsong paharap.
4. Pagkatapos na maposisyon nang maayos ang ilaw, higpitan ang clamp nut ng headlamp.
Torque: 13,6–27,1 N·m (120–240 in-lbs) Clamp nut ng headlamp: XL883L, XL883N, XL1200T
5. Ikabit ang snap plug.
1Snap plug
2Bracket ng headlamp
3Clamp nut
Figure 2. Pag-a-adjust ng Headlamp: XL883L, XL883N, XL1200T
XL1200NS
1. Tingnan ang Figure 3. Tanggalin ang mga turnilyo ng visor (7) at mga washer (6).
2. Tanggalin ang visor ng headlamp (1) mula sa bracket ng visor ng headlamp (2).
3. Tanggalin ang turnilyo (3) at washer (4).
4. Luwagan ang clamp nut (5) ng headlamp.
5. Ikiling ang headlamp pataas o pababa para asintahin ang pahalang na linya. Kasabay nito, ipihit ito pakanan o pakaliwa para idirekta ang sinag nang diretsong paharap.
6. Pagkatapos na maposisyon nang maayos ang ilaw, higpitan ang clamp nut ng headlamp.
Torque: 13,6–27,1 N·m (120–240 in-lbs) Clamp nut ng headlamp: XL1200NS
7. Ikabit ang washer (4) at turnilyo (3). Higpitan.
Torque: 4,5 N·m (40 in-lbs) Turnilyo ng headlamp
8. Ikabit ang visor ng headlamp.
a. Ihanay ang visor sa bracket.
b. Ikabit ang mga washer (6) at mga turnilyo (7). Higpitan.
Torque: 4,5 N·m (40 in-lbs) Mga turnilyo ng visor
1Visor ng headlamp
2Visor bracket ng headlamp
3Turnilyo
4Washer
5Clamp nut ng headlamp
6Washer ng visor (3)
7Turnilyo ng visor (3)
Figure 3. Pag-adjust ng Headlamp: XL1200NS