TALA
Gagana ang backlight ng instrumento matapos ang bahagyang pagkaantala. Maaaring sandaling mabago ang backlighting ng mga pagbabago sa pumapaligid na ilaw, tulad ng pagpasok sa isang tunnel.
Tachometer
Tingnan ang Figure 1. Ipinahihiwatig ng sweep needle ng tachometer (1) ang bilis ng makina sa revolutions per minute (rpm).
Speedometer
BABALA
Maglakbay sa bilis na naaangkop para sa kalsada at mga kondisyon at huwag kailanman maglakbay nang mas mabilis sa nakatakdang limitasyon ng bilis. Ang sobrang bilis ay maaaring magdulot ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00008a)
Tingnan ang Figure 1. Ipinakikita ng speedometer (2) ang milya kada oras (para sa mga U.S. na modelo) o kilometro kada oras (mga modelong internasyonal). Maaaring palitan ang display mula mph tungong km/h. Tingnan ang Pagpapatakbo → Mga Display sa Window ng Odometer.
Pagpili ng Gear
Tingnan ang Figure 1. Ipinakikita ang kasalukuyang piniling numero ng gear (3) kapag tumatakbo ang motorsiklo. Kapag nakanyutral ang kambyo o nakahila papasok ang clutch lever, magiging blangko ang numero ng gear.
Odometer
Tingnan ang Figure 1. Ang odometer (5) ay matatagpuan sa mukha ng speedometer.
De-susing ignisyon: Ang switch ng ignisyon ay dapat nasa posisyong ACC o IGNITION.
Walang susing ignisyon: Habang nasa saklaw ang fob, ipihit ang switch ng OFF/RUN sa RUN.
Mga Trip Odometer na A at B
Tingnan ang Figure 1. Upang tingnan ang milyahe, pindutin at bitawan ang trip switch para ipakita ang A o B na trip odometer sa window ng odometer. Tinutukoy ng A o B (4) ang trip odometer.
Upang i-reset ang mga trip odometer, piliin ang A o B. Pindutin ang trip switch at hawakan nang humigit-kumulang sa tatlong segundo. Ang trip odometer ay mag-rereset sa zero.
Orasan
Tingnan ang Figure 1. Pindutin at bitawan ang trip switch para ipakita ang orasan (6) sa window ng odometer.
1Tachometer
2Speedometer
3Pagpili ng gear
4Mga trip odometer A at B
5Odometer
6Orasan
Figure 1. Mga Instrumento: XL1200CX