Hand Lever ng Clutch

BABALA
Huwag ilagay ang mga daliri sa pagitan ng hand control lever at handlebar grip. Ang hindi tamang posisyon ng kamay ay maaaring makasira sa paggana ng lever ng control at maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00032a)
Tingnan ang . Ang hand lever ng clutch (1) ay pinagagana gamit ang mga daliri ng kaliwang kamay. Tingnan ang .
Gear Shift Lever
Tingnan ang Unresolved graphic link . Ang gear shift lever o kambyo ay pinagagana gamit ang kaliwang paa. Ang nyutral ay matatagpuan sa pagitan ng una at ikalawang gear sa six speed shift pattern. Tingnan ang .
Modyul para sa Kontrol ng Kaliwang Kamay
Tingnan ang . Paganahin ang mga switch sa modyul para sa kontrol ng kaliwang kamay (2) gamit ang hinlalaki ng kaliwang kamay. Tingnan ang .
Speedometer/Odometer
Tingnan ang . Ang kasalukuyang bilis ng pag-andar ay makikita sa speedometer(3). Ang naipon na milyahe at milyahe ng indibidwal na biyahe ay makikita sa odometer window sa panel ng speedometer. Tingnan ang .
Modyul para sa Kontrol ng Kanang Kamay
Tingnan ang . Paganahin ang mga switch sa modyul ng kontrol ng kanang kamay (4) gamit ang hinlalaki ng kanang kamay. Tingnan ang .
Mga Preno

BABALA
Huwag ilagay ang mga daliri sa pagitan ng hand control lever at handlebar grip. Ang hindi tamang posisyon ng kamay ay maaaring makasira sa paggana ng lever ng control at maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00032a)
Lever ng preno sa harap: Tingnan ang . Ang lever ng preno sa harap (5) ang kumokontrol sa preno sa harap. Paganahin ang lever ng kamay gamit ang mga daliri ng kanang kamay.
Pedal ng preno sa likod: Tingnan ang . Pinapagana ng pedal ng brake sa likod (6) ang brake ng rewedasa likod. Paganahin ang pedal ng preno sa likod gamit ang kanang paa.

BABALA
Huwag ilapat ang preno nang sobra sa puntong magla-lock ang gulong. Kapag nag-lock ang gulong, dudulas ito at maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00053a)
Pantay na ilapat ang mga preno upang maiwasan ang pagla-lock ng mga gulong. Pinakamainam ang pagkakaroon ng balanse sa pagitan ng preno sa likod at harap.
Twist Grip ng Throttle
Pabilisin:Tingnan ang . Dahan-dahang pihitin ang twist grip ng throttle (6) paatras (papunta sa likod ng motorsiklo), upang buksan ang throttle.
Pabagalin: Dahan-dahang pihitin ang throttle control grip paabante (patungo sa harap) para isara ang throttle.
Switch ng Ignisyon
TALA
Gumagana ang headlamp at mga tail lamp kapag ang switch ay nasa posisyong IGNITION.
Tingnan ang . I-unlock ang switch ng ignisyon (7) gamit ang susi ng ignisyon. Ikutin ang switch papunta sa gustong posisyon. Sumangguni sa Unresolved table link.
Upang paandarin ang makina, tingnan ang .
Fork Lock
PAUNAWA
Ilagay ang switch ng ignisyon sa posisyong OFF bago i-lock ang motorsiklo. Kapag iniwan ang switch sa posisyong ACC, mananatiling nakabukas ang mga ilaw ng instrumento at magreresulta sa pagkadiskarga ng baterya. (00492b)
PAUNAWA
Protektahan ang iyong sasakyan laban sa pagnanakaw. Pagkatapos iparada ang iyong motorsiklo, i-lock ang steering head at switch ng ignisyon. Ang hindi pagla-lock ng motorsiklo ay maaaring magresulta sa pagnanakaw at/o pinsala sa kagamitan. (00491c)
Tingnan ang Unresolved graphic link . Iparada ang iyong motorsiklo. Gamitin ang fork lock upang pigilan ang pagnanakaw o hindi awtorisadong paggamit. Sumangguni sa Unresolved table link.
Pihitin ang fork nang ganap na pakaliwa.
Ipasok ang susi sa switch.
Ipasok ang susi at ipihit papunta sa LOCK.
Alisin ang susi.
Upang i-unlock ang fork, ipasok ang susi, itulak at ipihit sa posisyong OFF. Alisin ang susi.
Suriin kung gumagana nang maayos ang steering sa pamamagitan ng pagpihit sa mga handlebar hanggang sa ganap na kakayanan nito. Dapat napipihit nang suwabe ang manibela nang hindi kumakapit.