Tingnan ang Figure 1. Ang system ng nabigasyon ay makakapagbigay ng impormasyong pantrapiko kapag mayroong RDS Traffic (TMC) o SiriusXM Traffic sa sasakyan at available ito sa rehiyon. Kapag naka-enable ang trapiko, ipapakita ng mapa ang daloy at mga kaganapan ng trapiko sa kasalukuyang napiling ruta. Talahanayan 1 at Talahanayan 2 para sa mga paglalarawan ng icon ng trapiko.
Inii-store din ng system ang listahan ng lahat ng kaganapan sa trapiko na malapit o nasa aktibong ruta. Kapag ang isang kaganapan (tulad ng isang aksidente o pagsasara ng lane) ay natuklasan sa kasalukuyang ruta, magbibigay ang system ng nabigasyon ng notipikasyon tungkol sa kaganapan at maaari nitong subukang magkalkula ng alternatibong ruta. Magpa-prompt ang system na gawin ang pagbabago o awtomatiko nitong i-a-adjust ang ruta, ayon sa mga setting ng system.
1Gabay sa lane
2Kaganapan sa trapiko
3Karatula sa daan
4Daloy ng trapiko
5POI (point of interest)
Figure 1. Trapiko
Talahanayan 1. Mga Kondisyon ng Trapiko
KULAY
ICON
PAGLALARAWAN
Berdeng overlay
Manipis na linya
Maluwag na daloy ng trapiko
Dilaw na overlay
Manipis na linya
Mabagal umusad na trapiko
Pulang overlay
Manipis na linya
Nakahinto
Magenta na overlay
Makapal na linya
Aktibong ruta
Teal na overlay
Makapal na linya
Naka-rekord na daan
Talahanayan 2. Mga Kondisyon ng Trapiko
ICON (NA)
ICON (EU)
PAGLALARAWAN
Aksidente
Konstruksyon
Babala
Makitid na kalye
Tsekpoint ng seguridad
Panahon
Hamog na nagyelo
Harang
Madulas
Trapiko
Matinding trapiko
Impormasyon
Hangin
Pag-on/off ng Trapiko
Sa mga sasakyang mayroon nito, awtomatikong nag-o-on ang trapiko kasama ang feature na RDS traffic o kapag pinipili ang feature na SiriusXM traffic.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Piliin: SXM traffic o TMC traffic.
4. Piliin: Settings. (Mga Setting.)
5. I-tsek (i-enable) o alisin ang pagkaka-tsek (i-disable) ang checkbox ng Traffic.
Mga Setting ng Notipikasyon sa Trapiko
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Piliin: SXM traffic o TMC traffic.
4. Piliin: Settings. (Mga Setting.)
5. Piliin: Notification. (Notipikasyon.)
6. Ipinapakita ang mga Pagpipilian:
a. Beep ng Popup: Magbi-beep kapag ipinapakita ang popup ng trapiko.
b. Filter ng Mensahe: Piliin ang maximum na distansya ng mga kaganapan sa trapiko na ipapakita sa listahan ng mga kaganapan.
Pag-reroute
Ang system ay maaaring i-configure upang manu-mano o awtomatikong piliin ang bagong ruta batay sa data ng trapiko. Magbibigay lamang ang system ng bagong ruta kapag nakalkulang mas mabilis ito nang kahit 5 minuto kaysa sa kasalukuyang ruta.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Piliin: SXM traffic o TMC traffic.
4. Piliin: Settings. (Mga Setting.)
5. Piliin: I-reroute sa Off o Auto.
a. Auto: Awtomatikong i-a-adjust ng system ang ruta ayon sa data ng trapiko.
b. Off: Hindi magpa-prompt ang system ng anumang mga bagong ruta batay sa data ng trapiko.
Listahan ng mga Kaganapan sa Trapiko: RDS Traffic
Kung aktibo ang isang ruta, ipapakita ng system ang mga kaganapan sa trapiko sa rutang iyon. Kung hindi aktibo ang isang ruta, ipapakita ng system ang lahat ng malalapit na kaganapan sa trapiko.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Piliin: SXM traffic o TMC traffic.
4. Tingnan ang Figure 2. Piliin ang mensahe ng trapiko (1) mula sa listahan.
1Piliin ang mensahe ng trapiko
Figure 2. Listahan ng Trapiko
5. Tingnan ang Figure 3. Ipinapakita ang mensahe ng trapiko (2). Piliin ang mensahe sa screen upang marinig ang voice recognition o pagkilala ng boses.
6. Piliin: Map. (Mapa.) Ipapakita nito ang lokasyon ng kaganapan sa mapa.
2Mensahe sa trapiko
3Icon ng mapa
Figure 3. Mensahe sa Trapiko
Pagmamaniobra: Mga Tagubilin sa Bawat Pagliko
Habang aktibo ang isang ruta, ipapakita ang isang listahan ng mga pagliko papunta sa iyong destinasyon.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2.
TALA
Piliin ang susunod na lilikuan na ipinapakita sa ibaba ng mapa bilang shortcut upang laktawan ang Hakbang 2 at 3.
Piliin: Menu. Dapat itong gawin sa isang aktibong ruta.
3. Piliin: Maneuvers. (Mga Pagmamaneobra.) Ipapakita ang isang listahan ng lahat ng lilikuan sa ruta.
4. Ang pagpili ng susunod na lilikuan mula sa listahan ng mga pagmamaniobra ay magpapakita ng mga sumusunod na opsyon:
a. Avoid (Iwasan): Kakalkulahin ng system ang mga bagong direksyon upang iwasan ang napiling kalsada.
b. Zoom: Ipapakita ng mapa ang napiling pagmamaniobra sa mapa.
c. OK: Babalik sa listahan ng mga pagmamaniobra.
Pagmamaniobra: Umiwas sa isang Kalsada
TALA
Dapat itong gawin sa isang aktibong ruta.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2.
TALA
Piliin ang susunod na lilikuan na ipinapakita sa ibaba ng mapa bilang shortcut upang laktawan ang Hakbang 2 at 3.
Piliin: Menu.
3. Piliin: Maneuvers. (Mga Pamamaniobra.) Ipapakita ang isang listahan ng lahat ng lilikuan sa ruta.
4. Mula sa ipinapakitang listahan, mag-scroll at piliin ang pagliko na nais mong i-detour.
5. Piliin: Avoid. (Iwasan.) Kakalkulahin ng system ang mga bagong direksyon upang iwasan ang napiling kalsada.
6. Piliin: Yes. (Oo.) Kakalkulahin ng system ang bagong ruta ng detour at ipapakita sa listahan.
7. Piliin: Back. (Bumalik.) Ibabalik ka nito sa aktibong screen ng mapa.
Pagmamaniobra: Zoom
TALA
Dapat itong gawin sa isang aktibong ruta.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2.
TALA
Piliin ang susunod na lilikuan na ipinapakita sa ibaba ng mapa bilang shortcut upang laktawan ang Hakbang 2 at 3.
Piliin: Menu. Dapat itong gawin sa isang aktibong ruta.
3. Piliin: Maneuvers. (Mga Pagmamaniobra.) Ipapakita ang isang listahan ng lahat ng lilikuan sa ruta.
4. Mula sa ipinapakitang listahan, mag-scroll at piliin ang lilikuan na nais mong i-zoom.
5. Piliin: Zoom. Ipapakita ng mapa ang pagmamaniobra nang may mga detalye sa ibaba ng screen.
6. Piliin: Nakaraan/Susunod na arrow ng Pagmamaniobra. Ipapakita nito ang nakaraan o susunod na lilikuan mula sa listahan.
Pagmamaniobra: Pagpapanumbalik sa Iniwasang Kalsada
TALA
Dapat itong gawin sa isang aktibong ruta.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2.
TALA
Piliin ang susunod na lilikuan na ipinapakita sa ibaba ng mapa bilang shortcut upang laktawan ang Hakbang 2 at 3.
Piliin: Menu. Dapat itong gawin sa isang aktibong ruta.
3. Piliin: Maneuvers. (Mga Pagmamaniobra.) Ipapakita ang isang listahan ng lahat ng lilikuan sa ruta.
4. Tingnan ang Figure 4. Piliin: Avoid road. (Iwasan ang kalsada.)
1Iniiwasang kalsada
Figure 4. Iniiwasang Kalsada
5. Piliin ang iniwasang kalsada. Ito ang seleksyong Avoid a Road (Iwasan ang Isang Kalsada) na ginawa sa nakaraang paksa ng seksyong ito.
6. Tingnan ang Figure 5. Piliin: Detour.
2Icon ng pag-detour
Figure 5. Icon ng Pag-detour
7. Piliin: Yes. (Oo.) Kapag tinanong ng Ipagpanumbalik ang Pagmamaniobrang ito?
8. Piliin:
a. Back Once (Bumalik nang Isang Beses): Ibabalik nito ang nagmamaneho sa listahan ng pagmamaniobra.
b. Back Twice (Bumalik nang Dalawang Beses): Ibabalik nito ang nagmamaneho sa mapa.
Gabay sa Lane
Tingnan ang Figure 6. Kapag kinakailangan ang isang paparating na pagliko o paagsanga ng kalsada sa isang highway na may maraming lane, ipapakita ng mapa ang mga arrow ng gabay sa lane upang magmungkahi ng tamang lane na gagamitin. Ligtas na lumipat sa iminumungkahing lane at sundan ang direksyon ng mga puting arrow.
Kapag nalalapit na sa lilikuan, ipapakita ng system ang representasyon ng mga signpost at ang paparating na pagsasanga ng kalsada. Patuloy na sundan ang gabay ng mga puting arrow.
1Mga lane na kinakailangan para sa susunod na pagliko (mga puting arrow)
2Iba pang mga lane (naka-gray)
3Gabay sa susunod na pagliko
4Direksyon at impormasyon sa highway
Figure 6. Gabay sa Lane
Buod ng Biyahe
TALA
Dapat itong gawin sa isang aktibong ruta.
Maaaring ipakita ang isang buod ng kasalukuyang ruta sa anumang punto habang umaandar. Ipinapakita ng buod ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, impormasyon sa milyahe at iba pang data.
1. Piliin: Info. (Impormasyon.) Ito ay nasa faceplate ng radyo.
2. Tingnan ang Figure 7. Piliin: Trip Summary. (Buod ng Biyahe.)
1Karaniwang bilis/MPG
2Distansyang nilakbay
3Ginamit na gasolina/mga paghinto para magpagasolina
4Petsa ng pagdating sa destinasyon
5Oras na iginugol sa paglalakbay
6Petsa ng pagsisimula sa destinasyon
Figure 7. Screen ng Buod ng Biyahe
Hudyat ng Mababang Gasolina
Kapag natukoy ng sasakyang mababa na ang gasolina, ipapakita ng radyo ang isang alerto at magpa-prompt itong maghanap ng malalapit na gasolinahan. Awtomatikong ipinapakita ang alerto ng mababang gasolina kahit na nakapatay ang radyo.
Figure 8. Hudyat ng Mababang Gasolina
Impormasyon sa GPS
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Piliin: Location. (Lokasyon.) Ipapakita ng system ang coordinates ng GPS at address para sa kasalukuyang lokasyon (kung mayroon).
4. Piliin: GPS. Ipapakita ng system ang mga impormasyon sa coordinates, elevation, signal at posisyon. Tingnan ang Figure 1.
Figure 9. Impormasyon ng GPS