Voice Recognition (Pagkilala ng Boses)
Ang voice recognition o pagkilala ng boses ay nagbibigay ng hands-free na alternatibo upang mapagana ang maraming function ng Boom! Box. Ang mga command na sinasabi sa mikropono ng headset ay maaaring mag-atas sa system na mag-play ng media file, magsagawa ng tawag sa telepono, mag-navigate papunta sa isang destinasyon, mag-tune sa isang frequency o magsagawa ng iba pang mga feature. Ang mga voice command ay maaaring gamitin para mag-access ng mga function na naka-lock kapag umaandar ang motorsiklo.
Upang mapakinabangan nang husto ang system at mabawasan ang pagkagambala habang nagmomotor, paglaanan ng panahon na matutunan ang mga voice command para sa mga feature na karaniwan mong ginagamit.
TALA
Ang ilang sasakyan ay walang konektor ng headset. Dapat may naka-install na P&A headset connection kit o Wireless Headset Interface Module (WHIM) kit sa sasakyan upang magamit ang mga function ng voice command.
Pag-activate ng Voice Recognition o Pagkilala ng Boses
1. Pindutin ang switch ng kontrol ng kamay ng Pagkilala ng Boses. Ang system ay magbi-beep at magpa-prompt para sa isang command. Ipinapakita ng system ang isang listahan ng mga command (teleprompter). Lilitaw sa status bar ang icon ng pagkilala ng boses.
2. Pagkatapos ng beep, magsabi ng command sa mikropono ng headset.
3. Tumugon sa system gamit ang karagdagang impormasyon kung kinakailangan.
a. Mga Prompt: Magpa-prompt ang system kung kinakailangan ang karagdagang impormasyon upang kumpletuhin ang isang command.
b. Maramihang pagpipilian: Kung mayroong maramihang pagpipilian para sa iyong command, ipapakita ng system ang nakanumerong listahan ng mga pagpipilian. Sabihin ang naaangkop na numero ng linya, tulad ngLINE TWO.
c. Pagsabad: Upang ihinto ang prompt, pindutin ang switch ng Voice Recognition (Pagkilala ng Boses) sa panahon ng prompt at sabihin ang gustong command pagkatapos ng beep.
Pagkansela ng Voice Recognition o Pagkilala ng Boses
Kontrol sa kamay: Pindutin nang matagal ang switch ng Voice Recognition o Pagkilala ng Boses.
Voice command: Sa anumang oras, sabihin ang Kanselahin upang matapos ang kasalukuyang sesyon.
Walang balidong input: Kung hindi nakikilala ng system ang voice command, ang tugon sa isang prompt, o kapag lumipas na ang mahabang oras bago masabi ang isang command, awtomatikong nagkakansela ang sesyon.
Teleprompter
Tingnan ang Figure 1. Ang teleprompter ay ipinapakita kapag ang switch ng Voice Recognition ay pinindot. Ang screen ng teleprompter ay nagpapakita ng mga karaniwang ginagamit na command, kasama ang isang line item upang magpakita ng higit pang mga command.
Ang switch ng Cursor/Select (Cursor/Pumili) ay maaaring gamitin upang pumili ng command. Ang pagsasabi o pagpili ng MORE COMMANDS (HIGIT PANG MGA COMMAND) ay nagpapakita ng isang listahan ng lahat ng command.
Figure 1. Teleprompter (tipikal)
Listahan ng mga Command
Kung ang command ay hindi sinabi o nakilala habang ipinapakita ang teleprompter, ipinapakita ng system ang isang listahan ng mga kategorya ng command. Sabihin ang isa sa mga kategorya sa mikropono o gamitin ang switch ng Cursor/Select (Cursor/Pumili) upang ipakita ang lahat ng command na nauugnay sa napiling kategorya.
Piliin ang Listahan
Tingnan ang Figure 2. Ang pagpili ng mga listahan ay ipinapakita sa mga sumusunod na mga sitwasyon.
Kapag ipinakita ang isang listahang pamimilian, sabihin ang gustong line item sa mikropono tulad ng LINE THREE.
Figure 2. Listahan ng Pagpipilian sa Pagkilala ng Boses
Tutugon ang Prompter ng “Pardon?”
Mikropono: Sabihin ang mga voice command sa mikropono ng headset. Ang tamang pagkakalagay ng mikropono ay kritikal sa pagiging epektibo ng mga voice command.
Speech: Magsalita nang natural sa mikropono ng headset. Bigkasin nang maliwanag ang bawat salita sa isang voice command. Huwag mag-pause sa pagitan ng mga salita. Hindi makikilala ng system ang mabilis na pagsasalita o kapag nakataas ang tono ng pananalita.
Mga Numero: Bigkasin ang mga numero bilang indibidwal na mga numero/pamilang. Sabihin ang numero na 88 bilang “eight, eight (walo, walo)” sa halip na “eighty-eight (walumpu’t walo)”. Sabihin ang mga zero bilang “zero” o “oh”. Bigkasin ang mga decimal point sa mga numero ng frequency bilang “point”.
Mga Voice Recognition (Pagkilala ng Boses) na mga Command
Talahanayan 1. Pagkilala ng Boses: Mga Pangkalahatang Command
COMMAND
PAGLALARAWAN
LAHAT NG COMMAND
Ilista ang lahat ng available na command para sa pagkilala ng boses.
KANSELAHIN
Kanselahin ang sesyon ng pagkilala ng boses.
LINYA <NUMERO>
Piliin ang numero ng linya mula sa listahan.
LISTAHAN
Ipakita ang listahan ng mga pagpipilian.
OO
Tanggapin o magpatuloy.
HINDI
Tanggihan o tapusin.
Talahanayan 2. Pagkilala ng Boses: Mga Command sa Tuner
COMMAND (ATAS)
PAGLALARAWAN
A M
Ilagay ang tuner sa AM band.
F M
Ilagay ang tuner sa FM band.
WEATHER BAND
Ilagay ang tuner sa weather band.
MEDIUM WAVE
Ilagay ang tuner sa MW band.
LONG WAVE
Ilagay ang tuner sa LW band.
MAG-TUNE SA <FREQUENCY>>
Nagtu-tune sa tinukoy na frequency. Ang radyo ay awtomatikong mapapalitan ng naaangkop na banda para sa napiling frequency.
Halimbawa: Kapag sinasabi ang MAG-TUNE SA NINETY-EIGHT POINT SEVEN, ang tuner ay lilipat sa FM band at pupunta sa 98.7 MHz.
SEEK UP/SEEK DOWN
Hahanapin ang susunod na istasyon pataas o pababa.
NEXT PRESET/PREVIOUS PRESET
Pipiliin ang susunod/nakaraang naka-preset.
ISTASYON <PANGALAN>
Pupunta sa isang napiling istasyon (Para sa European na rehiyon lamang)
Talahanayan 3. Pagkilala ng Boses: Mga Command sa Media
COMMAND
PAGLALARAWAN
MEDIA
Papasok sa media mode.
PLAY <ARTIST, ALBUM o KANTA>
Patutugtugin ang mga kanta mula sa napiling artist.
ARTIST <PANGALAN>
Patutugtugin ang mga kanta mula sa napiling artist.
ALBUM <PANGALAN>
Patutugtugin ang napiling album.
PATUGTUGIN ANG LAHAT NG KANTA
Patutugtugin ang lahat ng kanta sa media device.
GENRE <PANGALAN o ILISTA LAHAT>
Patutugtugin ang mga kanta mula sa napiling genre o inililista ang lahat ng available na genre.
SUSUNOD NA TRACK
Patutugtugin ang susunod na track sa media device.
PATUGTUGIN ANG PLAYLIST <PANGALAN>
Patutugtugin ang napiling playlist.
NAKARAANG TRACK
Patutugtugin ang nakaraang track sa media device.
KANTA <PANGALAN>
Patutugtugin ang napiling kanta.
MAGHANAP NG TUGTOG
Maghanap ng kanta o ilista ang lahat ng kanta sa device.
Talahanayan 4. Pagkilala ng Boses: Mga Command sa Telepono
COMMAND
PAGLALARAWAN
TAWAG <PANGALAN NG CONTACT>
Sisimulan ang pagtawag sa telepono sa isang contact sa phone book o contact na naka-save nang lokal. Magbibigay ng hudyat ang system kung ang contact ay mayroong higit sa isang numero ng telepono (bahay, mobile, trabaho o iba pa).
I-DIAL <NUMERO NG TELEPONO>
Ida-dial ang napiling numero ng telepono.
I-DIAL MULI
Ida-dial ang nakaraang numero ng telepono.
Talahanayan 5. Pagkilala ng Boses: Mga SiriusXM na Command
COMMAND
PAGLALARAWAN
X M
I-play ang SiriusXM na radyo.
CHANNEL <NUMERO o PANGALAN>
Inililipat sa napiling channel. Awtomatikong magpapalit sa SiriusXM ang system kapag ginamit ang mga channel command.
CHANNEL PATAAS
Lilipat sa susunod na channel pataas.
CHANNEL PABABA
Lilipat sa susunod na channel pababa.
I-SCAN ANG MGA CHANNEL
Inii-scan ang mga channel ng SiriusXM.
Talahanayan 6. Pagkilala ng Boses: Mga Command sa Nabigasyon
COMMAND
PAGLALARAWAN
DESTINASYON <ADDRESS>
Magpapasimula ng ruta papunta sa piniling address. Wala ang "one-shot destination" command na ito sa ilang rehiyon. Kung hindi sinusuportahan, hihilingin ng system ang mga elemento ng address (lungsod, estado at iba pa) sa pamamagitan ng isang serye ng mga hakbang.
Halimbawa: Inirerekomenda na sabihin ang destinasyon bilang isang string, tulad ng DESTINATION 400 WEST CANAL STREET MILWAUKEE WISCONSIN.
Tandaan: Ang mga kumplikadong address na may mga titik at numero (tulad ng "N23W2345 River Run Road") ay maaaring hindi kilalanin ng system ng pagkilala ng boses. Kung hindi nakikilala ang destinasyon, ipasok ang address gamit ang menu ng nabigasyon.
PABORITO <NAKA-SAVE>
Magpapasimula ng ruta papunta sa kamakailang nai-save na destinasyon.
HANAPIN ANG SUSUNOD <POI>
Nagbibigay ng listahan ng mga tindahan o tatak na tumutugma sa hiniling na POI. Pumili ng isang item sa listahan ng pagpipilian upang simulan ang nabigasyon papunta sa POI.
Tandaan: Ang mga uri ng POI (tulad ng HANAPIN ANG SUSUNOD NA GASOLINAHAN) at mga pangalan ng tatak (tulad ng HANAPIN ANG SUSUNOD NA SHELL) ay binabasa mula sa database ng nabigasyon. Hindi lahat ng pangalan ng POI ay isinasalin ng Boom! Box software sa mga nakikilalang salitang command. Ang pagtutugma ng pagkilala ng boses ay maaaring maging mas mahirap kapag ang mga pangalan ay binubuo ng maraming mga salita o pantig. Kung ang isang partikular na pangalan ay hindi nagbibigay ng mga nakikilalang resulta, subukan ang mga kasingkahulugan o iba pang mga pagkakaiba-iba ng isang POI command.
IPAKITA ANG MAPA
Ipinakikita ang mapa ng nabigasyon.
KANSELAHIN ANG PAGGABAY SA RUTA
Kinakansela ang kasalukuyang ruta.
ULITIN ANG MGA TAGUBILIN
Inuulit ang mga tagubilin sa nabigasyon para sa susunod na pagliko.
IPASOK ANG <BANSA, ESTADO, LUNGSOD, ZIP CODE, KALYE, NUMERO NG BAHAY>
Sisimulang ipasok ang impormasyon tungkol sa destinasyon sa screen ng address.
Halimbawa: Kapag sinabing IPASOK ANG ESTADO, tutugon ang prompter ng "Sabihin ang Pangalan ng Estado". Pagkatapos ibigay ang pangalan ng estado, patuloy na hihilingin ng system ang mga natitirang patlang para sa address sa screen.