
BABALA
Ang automatic-on na headlamp feature ay nagpapahintulot sa ibang motoristang mas mahusay na makita ang nagmamaneho. Siguraduhing nakabukas ang headlamp sa lahat ng oras. Kapag hindi gaanong makita ng ibang motorista ang nagmamaneho, maaari itong magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00030b)
Tingnan ang seksyon ng IYONG MANWAL NG MAY-ARI. Siguraduhing itala ang lahat ng iyong mahahalagang numero sa espasyong inilaan sa harap ng librong ito.
Tingnan ang Unresolved graphic link. Kinokontrol ng switch ng ignisyon ang mga elektrikal na function ng motorsiklo.

BABALA
Huwag paandarin ang sasakyan habang naka-lock ang mga fork. Ang pag-lock ng mga fork ay pumipigil sa kakayahan ng sasakyang lumiko, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00035a)
PAUNAWA
Protektahan ang iyong sasakyan laban sa pagnanakaw. Ang hindi pagla-lock ng motorsiklo matapos itong iparada ay maaaring magresulta sa pagnanakaw at/o pinsala sa kagamitan. (00151b)
PAUNAWA
Huwag i-lubricate ang mga lock ng barrel gamit ang lubricant na may petrolyo o graphite. Maaari itong magresulta sa mga lock na hindi gumagana. (00152a)
TALA
Inirerekomenda ng Harley-Davidson na tanggalin ang susi mula sa ignisyon/fork lock (lock ng tinidor) bago patakbuhin ang sasakyan. Kapag hindi mo tinanggal ang susi, maaari itong malaglag habang pinapatakbo.
ACCESSORY - Maaaring i-on ang mga accessory at hazard warning flasher (flasher ng babala sa panganib). Naka-on ang mga ilaw ng instrumento. Maaaring i-activate ang ilaw ng preno at busina. Maaaring tanggalin ang susi.
Gumagana ang ilaw kapag nasa posisyong IGNITION ang switch, gaya ng iniaatas ng batas sa ilang lokalidad.