Nakatigil, Nakapatay ang Makina
Dahan-dahang hilahin ang hand lever nang sagad sa handlebar grip para lubos na ma-disengage ang clutch. Hindi nag-e-engage ang mga gear dahil hindi umiikot ang mga transmission shaft at hindi nakahanay ang mga bahagi ng shifter. Ang kundisyong ito ay karaniwang tinutukoy bilang pagtanggi sa pagkambiyo na dulot ng gear abutment. Ugain ang motorsiklo nang paatras at pasulong habang bahagyang pinipindot ang shift lever o kambyo.
Pagsisimula mula sa Pagkakahinto
TALA
Laging i-start ang makina habang nasa neutral ang transmisyon. Laging simulan ang pag-abante sa unang gear.
Ang pagtanggi sa pagkambiyo o gear abutment ay maaari ring mangyari kapag tumatakbo ang sasakyan at huminto sa pag-ikot ang mga transmission shaft. Mas karaniwan kapag ang clutch lever ay hawak sa loob ng mahabang panahon bago subukang kumambiyo sa unang gear. Ang mga temperatura ng gear lube ay maaari ring makaapekto sa dalas ng kundisyong ito. Nangyayari nang mas madalas kapag malamig ang temperatura at mas lumalaban sa paggalaw ang pampadulas. Kung nangyari ang kundisyong ito habang tumatakbo ang makina at nakahinto ang sasakyan, siguraduhing nasa neutral ka, pagkatapos ay bitawan ang clutch lever upang magsimulang umikot ang mga shaft. Hilahin pabalik ang clutch lever at agad na subukang kumambiyo sa unang gear.
Habang umaandar ang makina at nakabalikwas na ang jiffy stand, hilahin ang hand lever ng clutch sa handlebar grip para i-disengage ang clutch.
Pindutin ang gear shift lever hanggang sa dulo ng kayang abutin nito at bitiwan ito. Nasa unang gear na ang transmisyon ngayon.
Bitiwan nang kaunti ang clutch lever at kasabay nito, unti-unting buksan ang throttle.
Upshift (Pagpapabilis)
Tingnan ang
Figure 1 . I-engage ang susunod na mas mataas na gear kapag naabot ng motorsiklo ang bilis ng pag-shift. Sumangguni sa
Talahanayan 1.
Talahanayan 1. Inirerekomendang Mga Bilis bago Mag-upshift
PAGBABAGO NG GEAR | mph | km/h |
---|
Una hanggang ikalawa | 15 | 25 |
Ikalawa hanggang ikatlo | 25 | 40 |
Ikatlo hanggang ikaapat | 35 | 55 |
Ikaapat hanggang ika-lima | 45 | 70 |
Ika-lima hanggang ikaanim | 55 | 85 |
Isara ang throttle.
Dahan-dahang hilahin ang hand lever nang sagad sa handlebar grip para lubos na ma-disengage ang clutch.
I-angat ang gear shift lever hanggang sa dulo ng kayang abutin nito at bitiwan ito.
Bitiwan nang kaunti ang clutch lever at unti-unting buksan ang throttle.
Ulitin ang mga naunang hakbang upang i-engage ang mga natitirang gear.
TALA
Figure 1. Sequence ng pag-shift: Upshift
Downshift (Pagpapabagal)

BABALA
Huwag mag-downshift sa mga bilis na mas mataas kaysa sa mga nakalista. Ang pag-shift sa mas mababang gears kapag masyadong mabilis ang takbo ay maaaring maging sanhi para mawalan ng traksyon ang likurang gulong at humantong sa pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00045b)
Tingnan ang
Figure 2. Kapag bumagal ang tulin, tulad ng pag-akyat sa isang burol o pagbagal para lumiko, mag-shift sa susunod na mas mababang gear. Sumangguni sa
Talahanayan 2.
Talahanayan 2. Mga Irerekomendang Bilis Bago Mag-downshift
PAGBABAGO NG GEAR | mph | km/h |
---|
Ikaanim hanggang ika-lima | 50 | 80 |
Ikalima hanggang ikaapat | 40 | 65 |
Ikaapat hanggang ikatlo | 30 | 50 |
Ikatlo hanggang ikalawa | 20 | 30 |
Ikalawa hanggang una | 10 | 15 |
TALA
Ang mga punto ng pag-shift na ipinapakita sa talahanayan ay mga rekomendasyon. Maaaring maiba sa talahanayan ang mga indibidwal na punto ng pag-shift.
Isara ang throttle.
Dahan-dahang hilahin ang hand lever nang sagad sa handlebar grip para lubos na ma-disengage ang clutch.
Pindutin ang gear shift lever hanggang sa dulo ng kayang abutin nito at bitiwan ito.
Bitiwan nang kaunti ang clutch lever at unti-unting buksan ang throttle.
Ulitin ang mga naunang hakbang upang i-engage ang mga natitirang gear.
TALA
PAUNAWA
Mag-shift muna sa neutral bago pahintuin ang makina. Ang mekanismo ng pag-shift ay maaaring mapinsala kapag nagpalit ng gear habang nakahinto ang makina. (00183a)
Pinahihintulutan ng mekanismo ng gear shifter ang pag-shift ng transmisyon sa neutral mula sa una o ikalawang gear.
Figure 2. Sequence ng Shifting: Pag-downshift