Naiiba ang mga motorsiklo sa iba pang mga sasakyan. Naiiba ang pagpapaandar, pagpapaliko, pagmamaneho at pagpepreno sa mga ito. Ang walang kasanayan at maling paggamit ay maaaring magresulta sa pagkawala ng kontrol, kamatayan o malubhang pinsala.
Kumuha ng kursong pagsasanay sa pagpapatakbo ng motorsiklo.
Basahin ang Manwal ng May-ari bago sumakay, magdagdag ng mga accessory o magpaserbisyo.
Magsuot ng helmet, proteksyon sa mata at pangproteksyong kasuotan.
Huwag kailanman maghatak ng trailer.
(00556d)
Ang Mga Motorsiklong Harley-Davidson ay Para Lamang sa Paggamit sa Kalsada (On-Road)
Ang motorsiklong ito ay walang spark arrester. Ang motorsiklong ito ay dinisenyo para gamitin lamang sa kalsada. Maaaring ilegal sa ibang lugar ang pagpapatakbo o off-road na paggamit. Sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon.
Pangkalahatan
BABALA
Kumonsulta sa isang dealer ng Harley-Davidson kaugnay ng anumang mga katanungan o problema na nagaganap sa pagpapatakbo ng iyong motorsiklo. Ang hindi paggawa nito ay maaaring magpalala ng isang naunang problema, maging sanhi ng mamahaling pagpapaayos, magdulot ng isang aksidente at maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00020a)
Siguraduhing lahat ng kagamitang iniaatas ng pederal, pang-estado at lokal na batas ay nakakabit at nasa maayos na kondisyon ng paggana.
Alamin at igalang ang mga alituntunin ng kalsada. Basahin ang impormasyong pangkaligtasan na ibinibigay ng iyong pang-estado o panrehiyong awtoridad sa trapiko.
Sa Estados Unidos, basahin ang booklet na RIDING TIPS (MGA TIP SA PAGMAMANEHO) na kasama sa manwal ng may-ari na ito. Basahin ang MOTORCYCLE HANDBOOK na ibinibigay ng inyong pang-estado o panrehiyong awtoridad sa trapiko.
Protektahan ang iyong motorsiklo laban sa pagnanakaw. I-lock ang fork sa harap. Tanggalin ang susi kapag ipinaparada ang iyong sasakyan.
BABALA
Huwag magdagdag ng sidecar sa motorsiklong ito. Ang pagpapaandar ng motorsiklo nang may sidecar ay pwedeng maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00590d)
Pagpapagana
Bago patakbuhin ang iyong motorsiklo, responsibilidad mong basahin at sundin ang mga tagubilin sa pagpapatakbo at pagmementina na nakasaad sa manwal na ito, at sundin ang mga alituntuning ito para sa iyong personal na kaligtasan.
Ang pagbangga sa isang bagay, tulad ng isang bangketa o imburnal ay maaaring maging sanhi ng sira sa loob ng gulong. Kung bumangga sa isang bagay, agad na patingnan ang loob at labas ng gulong sa isang dealer ng Harley-Davidson. Maaaring hindi umandar ang sirang gulong habang tumatakbo at makaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00058b)
BABALA
Maglakbay sa bilis na naaangkop para sa kalsada at mga kondisyon at huwag kailanman maglakbay nang mas mabilis sa nakatakdang limitasyon ng bilis. Ang sobrang bilis ay maaaring magdulot ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00008a)
Huwag lumampas sa legal na limitasyon ng bilis, o huwag magmaneho nang napakabilis para sa mga umiiral na kondisyon. Palaging bagalan ang takbo kapag hindi maganda ang mga kondisyon ng pagmamaneho. Kapag napakabilis ng takbo, lumalaki ang epektong iba pang kondisyong may kinalaman sa katatagan at dinaragdagan ang posibilidad ng pagkawala ng kontrol.
Pagtuunan ng pansin ang mga kalsada at kondisyon ng hangin, at panatilihing nakahawak ang parehong kamay sa manibela sa lahat ng oras kapag pinapatakbo ang motorsiklo. Ang anumang sasakyang dalawa ang gulong ay maaaring sumailalim sa mga nakakapinsalang puwersa gaya ng napakalakas na paspas ng hangin mula sa mga dumadaan na trak, mga butas sa lupa, malulubak na daan, pagkakamali sa kontrol ng rider, atbp. Ang mga puwersang ito ay maaaring makaimpluwensya sa mga katangian ng pagmamaneho ng iyong motorsiklo. Kapag nangyari ito, bagalan ang takbo at gabayan ang motorsiklo nang may magaan na paghawak hanggang maging kontrolado ang kondisyon. Huwag agad-agad na magpreno o puwersahin ang manibela. Maaari nitong palalain ang di-matatag na kondisyon.
Dapat magkaroon ng karanasan sa iba’t ibang kondisyon ang mga bagong rider habang nagpapatakbo sa katamtamang bilis.
Imaneho ang iyong motorsiklo sa defensive na paraan. Sa isang aksidente, ang motorsiklo ay walang proteksyon gaya ng kotse.
Pananagutan ng rider na ituro sa mga pasahero ang tamang paraan ng pagsakay.
Huwag pahintulutan ang ibang mga indibidwal na imaneho ang motorsiklo maliban kung sila ay mga sanay, lisensyadong rider, at alam na alam patakbuhin ang motorsiklo.
BABALA
Kung nakakabit: Ang harapan at/o likurang mga guard ay hindi inilaan upang magbigay ng proteksyon mula sa pagka-pinsala ng katawan kapag nabangga sa ibang sasakyan o sa anumang bagay. (00022d)
Pagmamaneho at Pangangasiwa
BABALA
Huwag paandarin ang sasakyan habang naka-lock ang mga fork. Ang pag-lock ng mga fork ay pumipigil sa kakayahan ng sasakyang lumiko, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00035a)
BABALA
Regular na suriin ang mga shock absorber at front fork. Palitan ang may tagas, sira o pudpod na mga bahaging maaaring makaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00012a)
BABALA
Huwag magpatakbo ng motorsiklo nang may maluluwag, pudpod o sirang steering o suspension system. Bumisita sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa pagpapaayos. Ang maluluwag, pudpod o sirang bahagi ng steering o suspension ay maaaring makaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00011a)
BABALA
Huwag buksan ang mga storage compartment habang nakasakay. Ang mga pagkalingat habang nagmamaneho ay maaaring humantong sa pagkawala ng kontrol, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00082a)
BABALA
Kapag bumibiyahe sa mga basang kalsada, nababawasan ang kahusayan at traksyon ng preno. Ang hindi pag-iingat kapag pumepreno, pinabibilis ang takbo o lumiliko sa mga basang daan ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00041a)
Mga Accessory at Kargamento
BABALA
Huwag lumampas sa Gross Vehicle Weight Rating (GVWR) o Gross Axle Weight Rating (GAWR) ng motorsiklo. Ang paglampas sa mga rating na ito ng timbang ay maaaring humantong sa pagkasira ng bahagi at masamang makaapekto sa katatagan, pagmamaneho at pagganap, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00016f)
Ang GVWR ay ang kabuuang timbang ng motorsiklo, mga accessory at ang maximum na timbang ng nagmamaneho, pasahero at kargamentong ligtas na maikakarga.
Ipinakikita ang GVWR sa label ng impormasyon na matatagpuan sa frame steering head o sa frame downtube.
Ang GAWR ay ang maximum na timbang na maikakarga nang ligtas sa magkabilang dulo ng motorsiklo.
Ituon ang bigat ng kargada nang malapit sa motorsiklo at mababa hangga’t maaari.
Pantay na ipamahagi ang timbang sa magkabilang panig ng sasakyan.
Huwag magkarga ng mga napakalaking bagay nang masyadong malayo sa likod ng mga nagmamaneho o magdagdag ng timbang sa mga handlebar o front fork.
Huwag lampasan ang maximum na bigat na tinukoy sa bawat saddlebag (kung mayroon).
Ang mga rack ng bagahe (kung mayroon) ay dinisenyo para sa magagaang bagay. Huwag sobrahan ang karga ng mga rack.
Tiyaking nakaayos nang husto ang kargada. Tiyaking hindi gagalaw ang kargada habang umaandar at pana-panahong silipin ang kargada. Ang mga accessory na nag-iiba sa posisyon ng pagsakay ng nagmamaneho ay maaaring makapagpabagal ng reaksyon at makakaapekto sa pangangasiwa ng motorsiklo.
Ang malalaking surface gaya ng mga fairing, windshield, sandalan at rack ng bagahe (kung mayroon) ay maaaring makaapekto sa katatagan at pangangasiwa.
Mga Gulong
BABALA
Siguraduhing ang mga gulong ay wastong napahanginan, balansyado, walang sira, at hindi pa pudpod ang tread. Regular na suriin ang iyong mga gulong at magtungo sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa mga kapalit. Ang pagsakay sa masyadong pudpod, hindi balansyado, hindi wastong napahanginan, labis ang karga o sirang mga gulong ay maaaring humantong sa pagkasira ng gulong at nakakaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00014b)
BABALA
Palitan ang mga butas o sirang gulong. Sa ilang kaso, ang maliliit na butas sa bahagi ng tread ay maaaring ayusin mula sa loob ng inalis na gulong ng isang dealer ng Harley-Davidson. HINDI dapat lumampas ang tulin sa 80 km/h (50 mph) para sa unang 24 na oras pagkatapos ng pag-aayos, at ang gulong na inayos ay HINDI dapat gamitin nang lampas ng 129 km/h (80 mph) . Ang hindi pagsunod sa babalang ito ay maaaring humantong sa pagkasira ng gulong at magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00015b)
BABALA
Huwag gumamit ng likidong balancer ng gulong o mga sealant sa mga gulong na aluminyo. Ang paggamit ng mga likidong balancer ng gulong o mga sealant ay maaaring maging sanhi ng mabilis na pagkasira ng surface ng rim, na maaaring maging sanhi ng pagkaubos ng hangin ng gulong. Ang mabilis na pagkaubos ng hangin ng gulong ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00631b)
Mag-iiba ang presyon ng gulong alinsunod sa pumapaligid na temperatura at temperatura ng gulong.
Palaging panatilihin ang tamang presyon ng gulong gaya ng tinutukoy sa
Mga Ispesipikasyon
.
Huwag kargahan ang mga gulong nang lampas sa GAWR na tinukoy sa Mga Ispesipikasyon . Maaaring pumalya ang mga gulong na kulang sa hangin o sobra sa hangin.
Paghatak at Paghila ng Trailer
BABALA
Huwag humila ng trailer gamit ang motorsiklo. Ang paghila ng trailer ay maaaring magdulot ng pag-overload ng gulong, pagkasira at hindi paggana, paghina ng preno, at masamang makaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00018c)
BABALA
Huwag hatakin ang isang sirang motorsiklo. Ang paghatak ay maaaring makaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00017a)
Huwag kailanman maghatak ng trailer.
Gasolina at Exhaust
BABALA
Itigil ang makina kapag nagpapagasolina o kinukumpuni ang sistema ng gasolina. Huwag manigarilyo o magpahintulot ng apoy o mga kislap ng apoy malapit sa gasolina. Ang gasolina ay napakadaling lumiyab at lubhang sumasabog, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00002a)
BABALA
Iwasan ang mga tapon. Dahan-dahang buksan ang takip ng filler ng gasolina. Huwag punuin nang lampas sa ibabaw ng bottom filler neck insert, upang magtira ng espasyong hangin para sa pag-expand ng gasolina. Siguraduhing nakasara nang maayos ang filler cap pagkatapos ng pagpapagasolina. Ang gasolina ay napakadaling lumiyab at lubhang sumasabog, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00028b)
Magpagasolina sa isang lugar na mahangin habang nakapatay ang makina.
Dahan-dahang tanggalin ang takip ng fuel filler.
Huwag kargahan ang tangke ng gasolina nang lampas sa ibabang bahagi ng filler neck insert. Mag-iwan ng espasyo para sa hangin upang makaalsa ang gasolina.
Kung ganap na nasaid ang tangke ng gasolina, magdagdag ng kahit na 1 gal (3.79 L) ng gasolina.
BABALA
Iwasan ang pagdikit sa exhaust system at magsuot ng pangprotektang damit na ganap na sumasakop sa mga binti habang nakasakay. Lubhang umiinit ang mga tubo at muffler kapag tumatakbo ang makina at mananatiling masyadong mainit ang mga ito para hawakan, kahit na ang makina ay matagal nang naka-off. Ang hindi pagsusuot ng pangprotektang damit ay maaaring magresulta sa pagkapaso o iba pang seryosong pinsala. (00009a)
BABALA
Huwag magpatakbo ng motorsiklo sa isang saradong garahe o nakakulong na lugar. Ang paglanghap ng exhaust ng motorsiklo, na naglalaman ng nakakalason na carbon monoxide gas, ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00005a)
BABALA
Ang tambutso ng makina mula sa produktong ito ay naglalaman ng mga kemikal na kilala sa Estado ng California bilang sanhi ng kanser, at mga depekto ng kapanganakan o iba pang pinsala sa pag-aanak. (00004f)
Mga Preno
BABALA
Ang mga preno ay kritikal na bahagi ng kaligtasan. Makipag-ugnayan sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaayos o magpapalit ng preno. Ang mga prenong hindi wastong inayos ay pwedeng masamang makaapekto sa pagganap ng preno, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00054a)
BABALA
Ilapat nang pantay mga preno sa harap at likod. Ang pagpabor sa isang preno ay nagpapabilis ng pagkapudpod at nagpapahina sa paggana ng pagpepreno. Ang pagpapatakbo nang may sobrang pudpod na preno ay maaaring humantong sa pagpalya ng preno, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00135a)
BABALA
Ang DOT 4 brake fluid ay nag-a-absorb ng moisture mula sa kapaligiran sa paglipas ng panahon, na bumabago sa mga katangian ng fluid. Suriin ang moisture content ng brake fluid sa bawat agwat ng pagpapaserbisyo o taun-taon (alinman ang mauna). I-flush at palitan ang brake fluid kada dalawang taon, o mas maaga kung ang moisture content ay 3% o higit pa. Ang kabiguang i-flush at palitan ang fluid ay maaaring makaapekto nang masama sa pagpepreno, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (06304b)
BABALA
Ang pagkakadikit sa DOT 4 break fluid ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto sa kalusugan. Ang hindi pagsusuot ng tamang proteksyon sa balat at mata ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala.
Kapag nasinghot: Manatiling kalmado, umalis patungo sa sariwang hangin, humingi ng medikal na tulong.
Kapag sa balat: Alisin ang mga kontaminadong damit. Banlawan agad ang balat gamit ang maraming tubig sa loob ng 15-20 minuto. Kapag nagkakaroon ng pagkairita, humingi ng medikal na tulong.
Kapag sa mata: Hugasan ang mga apektadong mata nang hindi bababa sa 15 minuto sa ilalim ng dumadaloy na tubig habang nakabukas ang mga talukap ng mata. Kapag nagkakaroon ng pagkairita, humingi ng medikal na tulong.
Kapag nalunok: Magmumog at pagkatapos ay uminom ng maraming tubig. Huwag piliting sumuka. Tawagan ang Poison Control. Kinakailangan ang agarang medikal na atensiyon.
Tingnan ang Safety Data Sheet (SDS) para sa higit pang mga detalye na makukuha sa sds.harley-davidson.com
(00240e)
Upang matiyak na gumagana ang brake system ayon sa pagkakadisenyo, suriin ang moisture content ng brake fluid sa bawat agwat ng pagpapaserbisyo o taun-taon man lang gamit ang DOT 4 brake fluid moisture tester (piyesa bilang HD-48497-A o katumbas) habang sinusunod ang mga tagubilin na kasama ng kasangkapan. Mag-flush ng DOT 4 fluid kada 2 taon o mas maaga kung ang brake system fluid test ay nagpapakita ng moisture content na 3% o higit pa.
Inirerekomenda ng Harley-Davidson ang paggamit ng Harley-Davidson Platinum Label DOT 4 Brake Fluid dahil sa superyor nitong katangiang pigilan ang pagkakaroon ng moisture at pangangalawang.
Baterya
BABALA
Ang mga baterya, mga poste ng baterya, mga terminal at kaugnay na mga accessory ay naglalaman ng lead at lead compounds, at iba pang mga kemikal na kilala sa Estado ng California na nagdudulot ng kanser, at mga depekto ng kapanganakan o iba pang pinsala sa pag-aanak. Maghugas ng kamay pagkaraang hawakan ito. (00019e)
BABALA
Ang baterya ay naglalaman ng sulfuric acid, na maaaring magdulot ng malubhang pagkapaso ng mga mata at balat. Magsuot ng pangprotektang panangga sa mukha, gomang guwantes at pangprotektang damit kapag inaayos ang mga baterya. ILAYO ANG MGA BATERYA SA MGA BATA. (00063a)
PAUNAWA
Posibleng ma-overload ang charging system ng iyong sasakyan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng napakaraming de-kuryenteng accessory. Kung ang pinagsamang de-koryenteng accessory na gumagana nang sabay-sabay ay kumokonsumo ng higit pa sa kuryenteng kayang likhain ng charging system ng sasakyan, maaaring madiskarga ng pagkonsumo ng kuryente ang baterya at magdulot ng pinsala sa sistemang elektrikal ng sasakyan. (00211d)
Mga Mapanganib na Materyales
MAG-INGAT
Ang matagal o paulit-ulit na paghawak ng gamit na langis ng motor ay maaaring makapinsala sa balat at maaaring magdulot ng kanser sa balat. Agad na hugasan ang mga apektadong lugar gamit ang sabon at tubig. (00358b)
Pagmementina
BABALA
Isagawa ang mga operasyon ng serbisyo at pagpapanatili tulad ng ipinahiwatig sa talahanayan ng regular na agwat na pagpapaserbisyo. Ang kakulangan sa regular na pagpapanatili sa mga inirekomendang agwat ay maaaring makaapekto sa ligtas na pag-andar ng iyong motorsiklo, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00010a)
PAUNAWA
Kapag inaangat ang motorsiklo gamit ang isang jack, siguraduhing nakadikit ang jack sa parehong lower frame tube kung saan nagtatagpo ang mga down tube at lower frame tube. Huwag kailanman i-angat sa pamamagitan ng pag-jack sa mga cross-member, oil pan, mounting bracket, mga bahagi o mga housing. Ang hindi pagsunod ay maaaring maging sanhi ng malubhang pagkasira na nagreresulta sa pangangailangang magsagawa ng mayor gawain ng pagkukumpuni. (00586d)
Ang tamang pangangalaga at pagmementina, kabilang na ang presyon ng gulong, kondisyon ng gulong, lalim ng tread at tamang pag-a-adjust ng mga bearing ng steering head ay mahalaga para sa katatagan at ligtas na pagpapaandar ng motorsiklo. Tingnan ang Mga Pagitan ng Serbisyo at Rekord → Mga Tala ng Serbisyo .
Mga Piyesa at Accessory
BABALA
Ang mga piyesa at accessory ng Harley-Davidson ay dinisenyo para sa mga motorsiklo ng Harley-Davidson. Ang paggamit ng mga di-Harley-Davidson na piyesa o accessory ay maaaring makaapekto sa pagganap, katatagan o pagpapaandar, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00001b)
Gumamit lang ng mga naaprubahang piyesa at accessory ng Harley-Davidson. Ang paggamit ng mga piyesa ng ibang manufacturer ay magpapawalang-bisa sa garantiya ng iyong bagong motorsiklo. Magpunta sa iyong dealer ng Harley-Davidson para sa mga detalye.
BABALA
Gamitin ang mga pamalit na fastener ng Harley-Davidson. Ang mga fastener na aftermarket ay maaaring makaapekto sa pagganap, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00013a)
Tingnan ang iyong manwal ng serbisyo ng Harley-Davidson para sa tamang torque values.
Ang mga aftermarket fastener ay maaaring hindi magtaglay ng mga partikular na kahingian ng sasakyan upang gumana nang maayos.
BABALA
Tingnan ang seksyong MGA ACCESSORY AT CARGO sa loob ng seksyong KALIGTASAN MUNA sa iyong manwal ng may-ari. Ang maling pagkakarga o pagkakabit ng accessory ay maaaring humantong sa pagkasira ng bahagi at masamang makaapekto sa katatagan, pagmamaneho at pagganap, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00021c)
Hindi masusubukan at makapagbibigay ng partikular na mga rekomendasyon ang Harley-Davidson Motor Company hinggil sa bawat accessory o kombinasyon ng mga accessory na ibinebenta. Samakatuwid, dapat maging responsable ang rider sa ligtas na pagpapatakbo ng motorsiklo kapag nagkakabit ng mga accessory o nagdadala ng dagdag na timbang.
Maaaring ma-overload ng dagdag na electrical equipment ang electrical system na pwedeng humantong sa pagpalya ng electrical system at/o mga bahagi.