Hindi Gumagana ang Starter o Hindi Umaandar ang Makina
- Ang switch ng run ng makina ay nasa posisyong OFF. 
- Nadiskarga ang baterya o maluwag o kinakalawang ang mga koneksyon (nag-iingay ang solenoid). 
- Ang clutch lever ay hindi nakalapat nang mabuti sa manibela (handlebar) o wala sa nyutral ang transmisyon. 
- Hindi nakaangat ang jiffy stand (kailangan para sa mga internasyonal na modelo). 
- Sumabog na fuse. 
Umaandar ang Makina ngunit Ayaw Mag-start
- Walang laman ang tangke ng gasolina. 
- Nadiskarga ang baterya o maluwag o sira ang mga koneksyon ng terminal ng baterya. 
- Sirang mga spark plug. 
- Maluwag o hindi na maganda ang koneksyon at nagsho-short ang mga kable ng spark plug at nagsho-short. 
- Maluwag o kinalawang na koneksyon ng kawad o kable sa coil o baterya. 
- Hindi gumagana ang pump ng gasolina. 
- Sumabog na fuse. 
Hirap Mag-start
- Hindi gumagana nang maayos ang Automatic Compression Release (ACR). 
- Hindi na maganda ang mga spark plug, mali ang agwat, o bahagyang may-sira. 
- Masama na ang kondisyon at may singaw ang mga kable ng spark plug. 
- Malapit nang madiskarga ang baterya. 
- Maluwag na (mga) koneksyon ng wire o kable sa isa sa mga terminal ng baterya o sa coil. 
- Masyadong mabigat ang langis ng makina (pagpapatakbo tuwing taglamig). 
- Barado o may nakaharang sa vent ng tangke ng gasolina, o sarado ang dinadaanan ng gasolina, na pumipigil sa pagdaloy ng gasolina. 
- May tubig o dumi sa sistema ng langis. 
- Hindi gumagana ang pump ng gasolina. 
Nagsa-start ngunit Hindi Regular ang Pagtakbo o Pumapalya
- Hindi na maganda o bahagyang may-sira ang mga spark plug. 
- Masama na ang kondisyon at may singaw ang mga kable ng spark plug. 
- Ang puwang ng spark plug ay masyadong malapit o masyadong malayo. 
- Malapit nang madiskarga ang baterya. 
- Sirang kawad o maluwag na koneksyon sa mga terminal ng baterya o sa mga coil. 
- Pasulpot-sulpot na short circuit dahil sa sirang wire insulation. 
- May tubig o dumi sa system ng gasolina. 
- Barado ang vent system ng gasolina. Magpunta sa dealer. 
- Sira ang isa o higit pang injector. 
Paulit-ulit na Nasisira ang Isang Spark Plug
- Maling spark plug. 
Pre-ignition o Detonasyon (Kumakatok o Nagpi-ping)
- Maling langis. 
- Maling spark plug para sa uri ng serbisyo. 
Nag-o-overheat
- Hindi sapat ang langis o hindi dumadaloy ang langis. 
- Mabigat na deposito ng karbon mula sa bumabagal na makina. Magpunta sa dealer. 
- Hindi sapat ang daloy ng hangin sa ibabaw ng mga cylinder head sa mahabang panahon ng pag-idle o parade duty. 
Labis na Panginginig
- Maluwag ang mga fork pivot shaft nut sa likod. Magpunta sa dealer. 
- Maluwag ang mga pang-mount na bolt ng makina sa harap. Magpunta sa dealer. 
- Maluwag ang mga pang-mount na bolt ng makina hanggang sa transmission. Magpunta sa dealer. 
- Sirang frame. Magpunta sa dealer. 
- Mahigpit ang chain o mga link sa harap bilang resulta ng hindi sapat na pag-lubricate o lubhang pudpod na belt. 
- Sira ang mga gulong at/o goma ng gulong. Magpunta sa dealer. 
- Hindi nakahanay nang maayos ang sasakyan. Magpunta sa dealer. 
Hindi Dumadaloy ang Langis ng Makina (Nakabukas ang Ilaw ng Presyon ng Langis)
- Hindi sapat o malabnaw na langis. 
- Barado ng yelo at putik ang daluyan ng langis sa panahon ng taglamig. 
- Grounded ang wire ng switch ng signal ng langis o sirang switch ng signal. Magpunta sa dealer. 
- Sira o hindi naikabit nang tama na check valve. Magpunta sa dealer. 
- Problema sa pump ng langis. Magpunta sa dealer.