| 1. | I-set ang pahalang na pag-adjust: a. Tingnan ang Figure 1. Luwagan ang turnilyo para sa pag-a-adjust nang pahalang (3). b. Iliko ang headlamp nang pakanan o pakaliwa kung kinakailangan para maitutok ang sinag ng ilaw nang diretsong paharap. c. Higpitan ang turnilyo para sa pag-a-adjust nang pahalang sa: Torque: 40,7–47,5 N·m (30–35 ft-lbs) Pag-a-adjust ng headlamp nang pahalang: 1200 Custom (XL1200C), 1200 Roadster (XL1200CX), Forty-Eight (XL1200X), Forty-Eight Special (XL1200XS) | |
| 2. | I-set ang patayong pag-adjust: a. Luwagan ang locknut (1) para sa bolt ng patayong pag-adjust. b. Ikiling ang headlamp pataas o pababa para maasinta ito sa pahalang na linya sa pader. c. Higpitan ang locknut ng headlamp: Torque: 40,7–47,5 N·m (30–35 ft-lbs) Pag-a-adjust ng headlamp nang patayo: 1200 Custom (XL1200C), 1200 Roadster (XL1200CX), Forty-Eight (XL1200X), Forty-Eight Special (XL1200XS) |
| 1 | Locknut |
| 2 | Bolt para sa pag-a-adjust nang patayo |
| 3 | Turnilyo para sa pag-a-adjust nang pahalang |
| 1. | Tingnan ang Figure 2. Tanggalin ang snap plug (1) sa taas ng bracket ng headlamp (2). | |
| 2. | Luwagan ang clamp nut ng headlamp (3). | |
| 3. | Ikiling ang headlamp pataas o pababa para i-asinta ito sa pahalang na linya. Kasabay nito, ipihit ito pakanan o pakaliwa para idirekta ang sinag nang diretsong paharap. | |
| 4. | Pagkatapos na maposisyon nang maayos ang ilaw, higpitan ang clamp nut ng headlamp. Torque: 13,6–27,1 N·m (120–240 in-lbs) Clamp nut ng headlamp: SuperLow (XL883L), Iron 883 (XL883N), SuperLow 1200T (XL1200T) | |
| 5. | Ikabit ang snap plug. |
| 1 | Snap plug |
| 2 | Bracket ng headlamp |
| 3 | Clamp nut |
| 1. | Tingnan ang Figure 3. Tanggalin ang mga turnilyo ng visor (7) at mga washer (6). | |
| 2. | Tanggalin ang visor ng headlamp (1) mula sa bracket ng visor ng headlamp (2). | |
| 3. | Tanggalin ang turnilyo (3) at washer (4). | |
| 4. | Luwagan ang clamp nut (5) ng headlamp. | |
| 5. | Ikiling ang headlamp pataas o pababa para asintahin ang pahalang na linya. Kasabay nito, ipihit ito pakanan o pakaliwa para idirekta ang sinag nang diretsong paharap. | |
| 6. | Pagkatapos na maposisyon nang maayos ang ilaw, higpitan ang clamp nut ng headlamp. Torque: 13,6–27,1 N·m (120–240 in-lbs) Clamp nut ng headlamp: Iron 1200 (XL1200NS) | |
| 7. | Ikabit ang washer (4) at turnilyo (3). Higpitan. Torque: 4,5 N·m (40 in-lbs) Turnilyo ng headlamp | |
| 8. | Ikabit ang visor ng headlamp. a. Ihanay ang visor sa bracket. b. Ikabit ang mga washer (6) at mga turnilyo (7). Higpitan. Torque: 4,5 N·m (40 in-lbs) Mga turnilyo ng visor |
| 1 | Visor ng headlamp |
| 2 | Visor bracket ng headlamp |
| 3 | Turnilyo |
| 4 | Washer |
| 5 | Clamp nut ng headlamp |
| 6 | Washer ng visor (3) |
| 7 | Turnilyo ng visor (3) |