| Paglalarawan | Numero ng Parte | Dami |
|---|---|---|
| FLARE NUT SOCKET | FRX181 | 1 |
| 1. | Ipuwesto ang sasakyan nang nakaharap sa isang target na pader gaya ng inilalarawan sa Mga Pamamaraan ng Serbisyo → Pagkakahanay ng Headlamp. TALA Bahagyang nadidiinan ng timbang ng rider ang suspension. Paupuin sa motorsiklo ang isang taong halos kapareho ng rider ng timbang. | |
| 2. | Habang nakapatayo nang diretso ang sasakyan at may nakaupong rider, sukatin ang distansya mula sa sahig hanggang sa gitnang linya ng bawat auxiliary/fog lamp. | |
| 3. | Sukatin ang pahalang na distansya mula sa patayong gitnang linya ng headlamp, papunta sa patayong gitnang linya ng bawat auxiliar/fog lamp. | |
| 4. | Tingnan ang Figure 1. Imarka ang mga pahalang at patayong gitnang linya ng auxiliary/fog lamp (2,3) sa pader. | |
| 5. | Alisin ang ilaw ng senyas ng pagliko sa pang-mount na bracket. | |
| 6. | Gamit ang FLARE NUT SOCKET (Numero ng Parte:FRX181), luwagan ang flange nut ng auxiliary/fog lamp nang sapat lang para makagalaw ang ilaw. | |
| 7. | Buksan ang low beam ng headlamp at takpan ang kapwa headlamp at ang kanang auxiliary/fog lamp. I-adjust ang kaliwang auxiliary/fog lamp nang maging mas mababa ang buong high intensity zone (4) sa gitnang linya gaya ng ipinapakita sa Figure 1. | |
| 8. | Ulitin ang proseso sa kanang ilaw. | |
| 9. | Higpitan ang auxiliary/fog lamp nut sa 27,1–32,5 N·m (20–24 ft-lbs). | |
| 10. | Ikabit ang senyas ng pagliko. Siguraduhing nakakabit nang mabuti ang ilaw ng senyas ng pagliko sa pang-mount na bracket. Higpitan sa 10,9–13,5 N·m (96–120 in-lbs). |
| 1 | Centerline ng headlamp |
| 2 | Centerline ng kaliwang auxiliary/fog lamp |
| 3 | Centerline ng kanang auxiliary/fog lamp |
| 4 | Beam area ng kaliwang auxiliary/fog lamp |
| 5 | Beam area ng kanang auxiliary/fog lamp |
| 6 | Low beam area ng headlamp |