Mga Kulay
1. Mag-navigate: Home > Setup > Display > Colors (Mga Kulay).
2. Tingnan ang Figure 1. Pindutin ang Colors (Mga Kulay) na icon na maramihang pagpili hanggang sa ipakita ang nais na mode ng kulay.
a. Mga Kulay na Pang-araw: Nagpapakita ang screen ng mas maliwanag na mga kulay.
b. Mga Kulay na Panggabi: Nagpapakita ang screen ng mas madidilim na mga kulay. Ang mapa ng nabigasyon ay ipinapakita rin sa scheme ng kulay na panggabi. Walang ibang kulay ng background ang maaaring mapili habang nasa mode ng kulay na panggabi.
c. Mga Awtomatikong Kulay: Awtomatikong ina-adjust ng screen ang mga mode ng kulay na pang-araw/panggabi ayon sa pumapaligid na ilaw na sinusukat ng sensor sa speedometer.
Figure 1. Mga Kulay
Tema
1. Mag-navigate: Home > Setup > Display > Colors (Mga Kulay) > Theme Color (Tema na Kulay).
2. Mag-scroll sa listahan hanggang makapili ng nais na kulay.
a. Piliin: Default, Kahel, Asul, Berde, Pula, Lila.
High Contrast (Mataas na Contrast/Pagkakaiba)
Maaaring i-activate ang mga kulay na may mataas na contrast na pang-araw upang mapahusay ang bisibilidad ng screen sa ilalim ng maliwanag na sikat ng araw.
Ang feature na ito ay napapagana sa pamamagitan ng mga setting ng kulay o pagpindot sa Back switch nang limang segundo sa kontrol ng kanang kamay. Ang feature ay hindi maaaring mapagana habang nagpapakita ang display ng mga kulay na panggabi.
1. Mag-navigate: Home > Setup > Display > Colors (Mga Kulay).
2. Habang may napiling Day Colors (Kulay na Pang-araw) o Automatic Colors (Mga Awtomatikong Kulay), lagyan ng tsek ang checkbox ng High Contrast Colors (Mga Kulay na Mataas ang Contrast).