BABALA
Huwag pumili ng isang antas ng volume na nakapangingibabaw sa ingay ng trapiko o makagagambala sa konsentrasyon na kinakailangan para sa ligtas na pagpapatakbo ng motorsiklo. Ang mga pagkagambala o lakas ng tunog na nakakapangibabaw sa ingay ng trapiko, ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol na nagreresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00539b)
PAUNAWA
Huwag hilahin ang kurdon upang alisin ang headset mula sa socket. Hilahin ang headset jack upang idiskonekta ang headset mula sa socket. (00174a)
Tingnan ang Figure 1 at Figure 2. Ang ilang sasakyan ay may konektor ng headset ng rider sa panel ng tangke ng gasolina at isang konektor ng headset ng pasahero sa kaliwang speaker pod. Ang mga headset ay ginagamit upang paganahin ang CB, intercom, mga command sa voice recognition o pagkilala ng boses at iba pang mga feature sa mga modelong kinabitan nito.
Gamitin ang 7-pin DIN headset ng Harley-Davidson na ibinibigay kasama ng mga modelo na kinabitan ng mga ito o binili mula sa isang dealer ng Harley-Davidson. Hindi compatible ang ibang mikropono ng headet. Tingnan ang mga tagubilin na kasama ng headset upang maikabit sa isang helmet. Ikonekta ang headset sa pamamagitan ng pagpapantay ng ridge sa headset sa siwang sa connector tulad ng ipinapakita sa Figure 1. Gumagana lamang ang headset kapag maayos na nakakabit ang konektor.
Kapag gumagamit ng mga headset, ilagay ang volume sa antas kung saan maririnig pa rin ang trapiko at mga tunog mula sa paligid.
Ang mga takip ng socket ay mananatiling nakasara kapag hindi ginagamit upang maiwasan ang pagpasok ng dumi at tubig sa socket. Isara ang parehong takip ng socket bago hugasan ng motorsiklo.
1Index ng headset connector
2Index ng console
Figure 1. Konektor ng Rider Headset (karaniwan)
Figure 2. Konektor ng Headset ng Pasahero
Pagpoposisyon ng Mikropono
TALA
Ang mga sablay o hindi wastong pagkakapuwesto ng mikropono ay maaring magresulta sa mga problema sa setting ng VOX.
Mga helmet na para sa buong mukha: Tingnan ang Figure 3. Iruta ang boom sa ibaba ng helmet, nang nakaposisyon ang mikropono nang patayo sa loob ng helmet, nang sa gayon ay hindi tumama ang boom sa baba (chin).
Mga helmet na hindi nakatakip o kalahati lang ang natatakpang mukha: Tingnan ang Figure 3 at Figure 4. Iposisyon ang mikropono nang bahagyang tumatama o nang nakadirekta sa kaliwa ng bibig.
Figure 3. Pagpoposisyon ng Mikropono
Figure 4. Pagpoposisyon ng Headset at Mikropono