| 1. | TALA Dapat na naka-enable ang Bluetooth bago i-pair o ikonekta sa mga Bluetooth device. | |
| 2. | Piliin: Bluetooth Setup. | |
| 3. | Tingnan ang Figure 1. Piliin: Bluetooth to enable. (I-enable ang Bluetooth.) May lalabas na tsek sa kahon. |
| 1. | TALA Maaaring humiling ng pahintulot ang mga telepono na magbahagi ng impormasyon sa "Boom! Box GTS" (tulad ng mga contact sa phone book at mga text message). Ang mga kahilingang ito ay maaaring mangyari sa panahon ng proseso ng pagpe-pair o sa iba pang okasyon kung kailan kumokonekta ang telepono sa radyo. | |
| 2. | Mag-navigate: Home > Setup. | |
| 3. | Piliin: Bluetooth setup. (Setup ng Bluetooth.) | |
| 4. | Piliin: List paired devices. (Ilista ang naka-pair na mga device.) | |
| 5. | Piliin: Add new device. (Magdagdag ng bagong device.) Lahat ng mahahanap na device na nasa loob ng saklaw ay lalabas sa listahan ng mga nakitang device. | |
| 6. | Pumili ng device na ipe-pair. | |
| 7. | Ipapakita ng device ang isang PIN code (auto-generated) at magpa-prompt ng pahintulot na mag-pair sa "Boom! Box GTS". Pahintulutan na mag-pair sa device. | |
| 8. | Piliin: Yes. (Oo.) Susubukan ng radyo na mag-pair at kumonekta sa device. | |
| 9. | Ang sistema ay magpa-prompt para sa isang numero ng telepono na pang-emerhensiya kung wala pang ganitong naka-save sa system. Magpasok ng numero ng teleponong tatawagan sa oras ng isang emerhensiya (tulad ng 911 sa US). | |
| 10. | Piliin: Save. (I-save.) Matatagpuan sa ibabang kanang bahagi ng screen. | |
| 11. | Magsisimula ang system na mag-download ng phone book mula sa device. Ang icon ng Phone Book ay ipapakita sa status bar sa panahon ng proseso ng pag-download. Sa panahon ng prosesong ito, maaaring humingi ang telepono ng pahintulot na ibahagi ang phone book. |
| 1. | Tingnan ang Figure 2. Mag-navigate: Home > Audio. | |
| 2. | Piliin: Source field. | |
| 3. | Ipinapakita ang nakakonektang device sa pamamagitan ng simbolo ng Bluetooth. | |
| 4. | Piliin ang device. | |
| 5. | Tingnan ang Figure 3. Kapag nakakonekta, magsisimulang tumugtog ang napiling kanta sa device. |
| 1 | Filter ng media |
| 2 | Impormasyon sa device |
| 3 | Icon ng Menu |
| 4 | Pamagat ng tugtog |
| 5 | Artist |
| 6 | Album |
| 7 | Natitirang oras |
| 8 | Pagkakasunud-sunod ng file (device/playlist/album) |
| 9 | Lumipas na oras |
| 1. | Mag-navigate: Home > Setup. | |
| 2. | Piliin: Bluetooth setup. (Setup ng Bluetooth.) | |
| 3. | Piliin: List Paired Devices. (Ilista ang Naka-Pair na mga Device.) Ang isang device na may naka-highlight na icon ng telepono ay nakakonekta para sa serbisyo ng telepono. Ang isang device na may naka-highlight na icon ng media ay nakakonekta para sa media. | |
| 4. | Pumili ng isang device mula sa listahan na ikokonekta o ididiskonekta. a. Piliin ang icon upang ikonekta o idiskonekta ang serbisyo ng telepono. b. Piliin ang icon upang ikonekta o idiskonekta ang musika. |
| 1. | Mag-navigate: Home > Setup. | |
| 2. | Piliin: Bluetooth setup. (Setup ng Bluetooth.) | |
| 3. | Piliin: List Paired Devices. (Ilista ang Naka-Pair na mga Device.) | |
| 4. | Pumili ng device mula sa listahan. | |
| 5. | Piliin: Delete pairing. (Burahin ang pag-pair.) | |
| 6. | Piliin: OK para kumpirmahin. |