KUNG MAYROON

BABALA
Siguraduhing ang mga gulong ay wastong napahanginan, balansyado, walang sira, at hindi pa pudpod ang tread. Regular na suriin ang iyong mga gulong at magtungo sa isang dealer ng Harley-Davidson para sa mga kapalit. Ang pagsakay sa masyadong pudpod, hindi balansyado, hindi wastong napahanginan, labis ang karga o sirang mga gulong ay maaaring humantong sa pagkasira ng gulong at nakakaapekto sa katatagan at pagmamaneho, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00014b)
Tingnan ang
Figure 1 . Ang ibang sasakyan ay mayroong tire pressure monitoring system (TPMS).
Figure 1. Tire Pressure Monitoring System (TPMS)
Mga gulong sa harap at likod: Ang bawat gulong ay ipinakikita bilang puti (upang ipahiwatig na normal ang presyon ng gulong) o kulay kahel (upang ipahiwatig na mababa ang presyon ng gulong).
Datos ng presyon ng gulong: Ipinakikita ang presyon ng gulong bilang psi o kPa, ayon sa mga setting ng yunit para sa radyo. Ipinahihiwatig ng mga gitling (--) na walang kasalukuyang datos para sa presyon ng gulong.
Icon ng mahinang baterya ng sensor: Mahina na ang baterya ng TPMS sensor para sa tinukoy na gulong. Magpunta sa isang dealer ng Harley-Davidson para magpaserbisyo.
Icon ng mababang presyon ng gulong: Nadedetekta ng system ang mababang presyon para sa tinukoy na gulong. Maingat na ihinto ang sasakyan at gumamit ng panukat ng presyon ng gulong upang malaman ang presyon ng bawat apektadong gulong. Pahanginan ang mga gulong ayon sa mga ispesipikasyon sa manwal ng may-ari ng sasakyan o gaya ng tinukoy sa label sa frame downtube.
Icon ng mataas na presyon ng gulong: Ipinapakita ng system ang HIGH para sa nauukol na presyon ng gulong sa screen ng TPMS sa halip na isang numeric pressure value. Maingat na ihinto ang sasakyan at gumamit ng panukat ng presyon ng gulong upang malaman ang presyon ng bawat apektadong gulong. Bawasan ng hangin ang gulong ayon sa mga ispesipikasyon sa manwal ng may-ari ng sasakyan o gaya ng tinukoy sa label sa frame downtube.
Alerto ng Mababang Presyon ng Gulong
Tingnan ang
Figure 2 . Magpapakita ng isang alerto kapag may natukoy na mababang presyon ng gulong.
Maghanap ng gasolinahan: Para sa mga sasakyang may nabigasyon, magpa-prompt ang radyo na pumunta sa malapit na gasolinahan. Piliin ang Oo para ipakita ang listahan ng malalapit na gasolinahan.
Mga Detalye: Ipinapakita ang screen ng TPMS.
Isang beses lamang magpapakita ng alerto para sa bawat gulong. I-off at i-start muli ang motorsiklo upang i-set muli ang feature na alerto.
Figure 2. Alerto ng Mababang Presyon ng Gulong