Ang trail ay isang partikular na landas na naitala sa panahon ng iyong biyahe. Habang itinatala ang trail/landas, nag-iimbak ang system ng patuloy na mga punto ng lokasyon habang bumabiyahe. Naiiba ito sa pagse-save ng isang destinasyon o biyahe, na nag-iimbak lamang ng ilang lokasyon sa halip na isang partikular na landas.
Ang isang trail/landas ay maaaring gamitin upang ulitin ang pagbiyahe sa kahabaan ng parehong landas sa hinaharap o upang bumalik sa simula ng trail/landas gamit ang parehong landas.
Maaaring magtala ng trail/landas anumang oras. Hindi kinakailangang maging aktibo ang isang ruta upang simulan ang pagtatala ng isang trail/landas.
Ang maximum na dami ng Mga Trail/Landas na maaaring itala ng radyo ay 20. Kapag naabot na ng bilang ng Mga Trail/Landas ang kaya nitong iimbak, mae-enable ang Start Recording (Simulan ang Pagtatala) na icon at ipapakita ang sumusunod na mensahe Maximum number of trails reached (Naabot na ang maximum na bilang ng trail na maaari). Mangyaring magbura muna ng trail/landas. .
Magtala ng Trail/Landas
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Search. (Maghanap.)
3. Piliin: Trails (Mga Trail/Landas.)
4. Piliiin: Start recording (Umpisahang magtala.) Magsisimula ang pagtatala ng trail/landas.
5.
TALA
Kapag pinatay ang sasakyan, hindi hihinto ang pagre-record ng isang landas (trail). Kailangang manu-manong ihinto ang pagre-record upang makagawa ng file ng landas.
Piliin: Ihinto ang pagre-record. Titigil ang pagtatala ng trail/landas at maiimbak sa listahan ng mga trail/landas.
Palitan ng pangalan ang isang Trail/Landas
1. I-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Search. (Maghanap).
3. Piliin: Trails (Mga Landas).
4. Piliin:Trail from list. (Landas mula sa listahan).
5. Piliin:Rename. (Palitan ng pangalan).
6. Gamitin ang keyboard para ipasok ang bagong pangalan at piliin ang OK.
Pag-navigate ng Trail/Landas
Maaaring gamitin ang isang trail/landas upang gamitin ang orihinal na naitalang ruta (mula sa simula hanggang katapusan) o isang pabalik na ruta (mula sa dulo hanggang simula). Kapag pumipili ng isang trail/landas, kasama sa ruta ang nabigasyon mula sa iyong kasalukuyang lokasyon hanggang sa simula ng trail/landas.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Search. (Maghanap.)
3. Piliin: Trails (Mga Landas).
4. Piliin:Trail from list. (Landas mula sa listahan).
5. Piliin:
a. Ruta Papunta sa Umpisa: Gamitin ang ruta pabalik (dulo hanggang sa umpisa).
b. Ruta Papunta sa Dulo: Gamitin ang orihinal na ruta (umpisa hanggang sa dulo).
Pagbubura ng Trail
1. I-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Search. (Maghanap.)
3. Piliin: Trails (Mga Landas).
4. Piliin:Trail from list. (Landas mula sa listahan).
5. Piliin: Burahin.