Tingnan ang Figure 1. Ang ilang sasakyan ay may mga kontrol ng pasahero sa kanang bahagi ng Tour-Pak. Pinahihintulutan ng mga kontrol na ito na paganahin ng pasahero ang mga function ng radyo.
MODE/UP/DN na Switch
MODE: Pindutin nang diretso ang switch upang piliin ang susunod na available na pagmumulan ng audio.
UP/DN: Pindutin ang switch nang pataas/pababa upang piliin ang nakaraan/susunod na istasyon ng radyo o media file.
Push-To-Talk (PTT)/Volume (VOL) Switch
PTT: Pindutin ang switch upang mag-transmit sa CB o intercom.
VOL+/VOL-: Pindutin ang switch patatas (o pababa) upang taasan (o babaan) ang volume sa headset ng pasahero. Ang swtich na ito hindi nakakaapekto sa volume ng headset ng nagmamaneho o volume ng speaker.
Pag-enable ng mga Kontrol sa Likod
Laging naka-enable ang PTT/VOL switch. Gayunpaman, ang MODE/UP/DN switch ay maaaring ma-enable o ma-disable sa pamamagitan ng mga screen ng setup. Tingnan ang Setup → Mga Kontrol sa Likod upang i-enable ang mga kontrol sa likod na ito.
1Switch ng MODE/TAAS/BABA
2Push-To-Talk (PTT)/Volume (VOL±) Switch
Figure 1. Mga Kontrol ng Pasahero
Talahanayan 1. Mga Function ng Kontrol ng Audio sa Likod (Pasahero)
ITEM
ICON
PANGALAN
FUNCTION
1
Mode
Lilipat sa susunod na available na pagmumulan ng audio.
Susunod/Maghanap Pataas
Tuner: Maghanap pataas.
Media: Susunod na file.
Nakaraan /Maghanap Pababa
Tuner: Maghanap pababa.
Media: Nakaraang file.
2
CB Push-to-Talk
Kung Mayroon: Pindutin nang matagal upang mag-transmit sa CB/intercom.
Itaas ang Volume
Magpapalakas ng volume.
Ibaba ang Volume
Magpapahina ng volume.