Pinahihintulutan ng intercom ang nagmamaneho at pasahero na makipag-usap sa isa't isa sa pamamagitan ng mga headset. Maaaring paganahin ang intercom sa pamamagitan ng pagpindot sa PTT switch o paggamit ng voice operated transmission (VOX). Kapag napick-up ng mikropono ng nagmamaneho o pasahero ang input ng boses, awtomatikong maa-activate ang intercom. Ang prosesong ito ay kilala bilang "breaking VOX o pagbasag ng VOX".
Maaaring magpasimula ang nagmamaneho o pasahero ng komunikasyon sa intercom. Kapag aktibo ang intercom, awtomatikong mababawasan ang volume ng tuner at media upang marinig ang intercom sa mga headset.
Para sa pagkapribado, maririnig lang ang intercom sa mga headset ng nagmamaneho at ng pasahero. Hindi ito maririnig sa mga speaker.
Maaaring i-adjust ang sensitivity ng mikropono at volume ng headset. Ang sensitivity ng mikropono (VOX) ay nalalapat sa parehong mikropono ng nagmamaneho at pasahero. Ang volume ng mga headset ng nagmamaneho at pasahero ay magkahiwalay na naa-adjust.
TALA
Ipinagbabawal o nililimitahan ng ilang lokal na pamahalaan ang paggamit ng mga speaker sa headset (nakakabit sa helmet). Mangyaring alamin sa mga lokal na awtoridad at sundin ang lahat ng naaangkop na batas at regulasyon.
Figure 1. Screen ng Intercom
Pag-On/Off ng Intercom
TALA
Kapag naka-disable ang Intercom, hindi magkukulay-abo at maaaring piliin ang button ng pagpipilian.
| 1. | Mag-navigate: Home > Communications > Intercom. | |
| 2. | Piliin ang Intercom on/off para pihitin ang intercom sa On o Off. Kapag naka-on, magagamit ang intercom at ipapakita ang icon ng intercom sa status bar. Maaaring gamitin ang intercom habang nasa anumang screen. | |
Pag-a-adjust ng Sensitivity ng Mikropono: VOX
Dapat i-adjust ang sensitivity ng VOX nang sa gayon ay ma-break o mabasag ng mga mikropono ang VOX sa normal na lakas ng boses. Nalalapat ang level ng sensitivity sa parehong mikropono ng nagmamaneho at pasahero.
I-adjust ang sensitivity kung kinakailangan kapag nag-break o nabasag ng mikropono ang VOX mula sa mga hindi ninanais na tunog, tulad ng ingay sa kalsada o sa background.
| 1. | Mag-navigate: Home > Communications > Intercom. | |
| 2. | Habang nagsasalita sa mikropono, gamitin ang mga kontrol (+ o -) upang i-adjust ang sensitivity hanggang mabasag ng iyong normal na boses ang VOX. Ang icon ng intercom sa status bar ay dapat puti (aktibo) kapag nagsasalita sa normal na tono.a. Itaas ang sensitivity: Igalaw ang level pakanan. Nagiging mas sensitibo ang mikropono. Ang intercom ay maa-activate (break VOX o mababasag ang VOX) sa mas mahihinang mga tunog na pumapasok sa mikropono. b. Pagpapababa ng sensitivity: Igalaw ang level pakaliwa. Ang intercom ay maa-activate lamang (break VOX) ng mas malakas na boses o mga tunog. c. Ganap na bukas na mikropono: Ang pagpapataas ng sensitivity sa maximum na antas ay patuloy na magpapanatili sa mikropono ng intercom na nakabukas. d. PTT lamang: Ang pagbabawas ng sensitivity tungo sa minimum na antas ay pipigil sa anumang VOX na operasyon. Maaari lamang i-activate ang intercom gamit ang PTT switch. | |
Speed Volume
Ang speed volume ay ina-apply sa intercom upang makabawi sa ingay ng makina, hangin at road input. Habang bumibilis ang takbo ng motorsiklo, ang sensitivity ng mga mikropono ay awtomatikong bumababa. Pinipigilan nitong basagin ng ingay ng kalsada ang VOX. Pinipigilan din nito ang mga hindi kinalailangang pag-a-adjust ng sensitivity ng mikropono habang umaandar.
Pag-a-adjust ng Volume ng Intercom Mga Headset ng Nagmamaneheo at Pasahero
| 1. | Tingnan ang Figure 2. I-activate ang intercom (pindutin ang PTT switch o magsalita nang malakas upang mabasag ang VOX). | |
| 2. | I-adjust ang volume habang aktibo ang intercom. Ipapakita ang volume ng intercom sa screen habang ang intercom ay naka-activate. Ang mga volume sa mga headset ng nagmamaneho at pasahero ay magkahiwalay na kinokontrol.a. Nagmamaneho: Pindutin ang mga kontrol ng volume sa kaliwang handlebar. b. Pasahero: Pindutin ang VOL+/VOL- switch sa gilid ng Tour-Pak. | |
Figure 2. Volume ng Intercom
Pagpapagana ng Intercom: Voice Activation, VOX
Magsalita sa mikropono nang may sapat na lakas upang ma-break o mabasag ang VOX. Ang tuner o volume ng media ay hihina at mapupunta sa background para marinig ang intercom. Ang icon ng intercom ay magiging puti (aktibo).
Ang audio ng intercom ay maririnig sa mga headset. Ang VOX activated communication ay hindi naka-broadcast sa CB.
Pagpapagana ng Intercom: PTT Switch
| 1. | Pindutin nang matagal ang PTT switch (nagmamaneho o pasahero) upang i-activate ang intercom. Ang icon ng intercom ay magiging puti (aktibo). Ang tuner o volume ng media ay magmu-mute upang marinig ang intercom. | |
| 2. | Magsalita sa mikropono. Habang ang PTT switch ay nakapindot, ang mga mikropono ay mananatiling aktibo anuman ang setting ng VOX o level ng tunog. | |
TALA