Mangyaring basahin ang Gabay ng User ng Sena para sa karagdagang impormasyon tungkol sa wireless na headset. Magpunta rin sa Harley-Davidson.com > Owners > Infotainment para sa pinakabagong bersyon ng Gabay ng User at kaugnay na impormasyon sa mga produktong Bluetooth ng Boom! Audio.
Setup ng Wireless na Headset
Bago gamitin ang wireless na headset sa anumang mga Bluetooth device sa unang pagkakataon, kakailanganin mong i-pair ang mga ito. Halimbawa, maaari itong i-pair sa mga Bluetooth mobile phone, mga Bluetooth stereo na mga device tulad ng mga MP3 player, o Bluetooth GPS navigation na pang-motorsiklo, at sa iba pang Boom! Audio Bluetooth headset. Ang pagpe-pair na ito ay kinakailangan lamang gawin nang isang beses para sa anumang Bluetooth device. Ang headset ay nananatiling naka-pair sa mga device at awtomatikong kumokonektang muli sa kanila kapag sila ay nasa abot ng saklaw. Maririnig mo ang isang mataas na tonong beep at voice prompt kapag awtomatikong nakakonekta ang headset sa naka-pair na device.
Kapag ang headset ay naka-pair sa motorsiklo, sasabihin nitong Your Headset is Paired, Boom Audio Connected (Naka-Pair na ang Iyong Headset, Nakakonekta ang Boom Audio). Pagkatapos ng unang pag-pair na ito, maririnig mo ang Boom Audio Connected (Nakakonekta ang Boom Audio) sa tuwing kokonekta ang headset sa motorsiklo, .
Kapag ipinares ang headset sa isang phone, kukumpirmahin nito ang pagpe-pair sa pamamagitan ng pagsasabi ng Your Headset is Paired. (Naka-pair na ang Iyong Headset).. Pagkatapos ng unang pagpe-pair na ito, sa tuwing kokonektang muli ang headset sa phone, sasabihin nitong Phone Connected (Nakakonekta ang Phone).
| 1. | I-on ang wireless na headset. | |
| 2. | Mag-navigate: Home > Setup > Wireless Headset. | |
| 3. | TALA Ilagay ang headset sa pairing mode bago pilin ang Pair Rider Headset (I-pair ang Headset ng Nagmamaneho). Pindutin ang button ng phone nang 5 segundo hanggang halinhinang kumislap ang pula at asul na LED. Ilagay angHeadset sa pairing mode.a. Ipapakita ng touchscreen ang Pairing in Process with Headset (Nasa Proseso ng Pag-Pair). | |
| 4. | TALA Dapat unang i-pair ang headset ng nagmamaneho bago ang sa pasahero. Tingnan ang Figure 3 . Piliin: Pair Rider Headset. (I-pair ang Headset ng Nagmamaneho.)Figure 3. I-pair ang Headset ng Nagmamaneho | |
| 5. | TALA Ang mga headset ng Harley Davidson ay ipapakita bilang Boom Audio at ang bersyon ng software nito. Tingnan ang manwal ng may-ari ng mga produktong headset na hindi Harley Davidson para sa mga opsyon ng display. Tingnan ang Figure 4 . Kumpirmahin ang impormasyon ng wireless na headset display sa touchscreen. Piliin ang modelo ng wireless na headset na ipe-pair.Figure 4. Ilagay ang Headset sa Pairing Mode | |
| 6. | Tingnan ang Figure 5 . Ipapakita ng touchscreen ang display confirmation status na naikonekta na ang wireless na headset. Figure 5. Naka-pair na Headset | |
| 7. | Isagawa ang parehong proseso para sa pagpe-pair ng wireless na headset para sa pasahero. | |
Mga Kumpigurasyon ng Headset
TALA
Ang wireless na headset ay dapat i-on at i-pair sa system para lumitaw ang mga sumusunod na kumpigurasyon sa touchscreen.
Ang mga kumpigurasyon ng headset ay nakakaapekto lamang sa performance ng headset kapag ito ay ipinares sa isang phone o iba pang headset. Hindi sila direktang nakakaapekto sa performance ng headset kapag ito ay ipinares sa sasakyan. Ang Sidetone setting ay ang tanging opsyon ng kumpigurasyon na direktang makakaapekto sa headset kapat ito ay ipinares sa sasakyan.
Ang 12 configuration mode ay maaaring i-access sa pamamagitan ng Boom! Box Infotainment system.
Piliin ang Home > Setup > Wireless Headset > Manage Rider or Passenger Headset (Pangasiwaan ang Headset ng Nagmamaneho o Pasahero) > I-Config upang pamahalaan ang mga kumpigurasyon ng headset.
Smart Vol. Kontrol: Awtomatikong binabago ng Smart Volume Control ang level ng volume ng speaker batay sa level ng ingay ng kapaligiran. Kapag naka-disable ito, manwal na kinokontrol ang volume. Maaari mong i-enable ito sa pamamagitan ng pag-set ng sensitivity sa mababa, katamtaman, mataas. Ang Smart Volume Control ay tumutugon sa mas maliliit na ingay ng kapaligiran habang mas tumataas ang level ng sensitivity. Naka-disable ang default setting.
SideTone:
Ang Sidetone ay ang tunog ng sarili mong boses na napi-pick up ng iyong mikropono sa headset at inuulit sa sarili mong tainga, ng sarili mong speaker. Tinutulungan ka nitong magsalita nang natural sa tamang level ayon sa nag-iiba-ibang kondisyon ng ingay ng helmet. Kapag naka-enable ang feature na ito, maaari mong marinig kung ano ang sinasabi mo sa panahon ng pakikipag-usap sa intercom o tawag sa telepono. Naka-disable ang default setting.
Voice Prompt:
Maaari mong i-disable ang mga voice prompt, ngunit ang mga sumusunod na voice prompt ay parating naka-on:
Mga voice prompt para sa menu ng setting ng kumpigurasyon
Mga voice prompt para sa Indicator ng level ng baterya
Mga voice prompt para sa muling pag-set tungo sa setting ng pabrika
Mga voice prompt para sa speed dial
Mga voice prompt para sa mga function ng FM radio
Adv. Noise Control (Advanced na Pag-kontrol ng Ingay): Kapag naka-enable ang Advanced Noise Control, ang ingay sa background ay mababawasan sa panahon ng pakikipag-usap sa intercom. Kapag ito ay naka-disable, ang ingay sa background ay hahalo sa iyong boses sa panahon ng pag-intercom. Naka-enable ang default na setting.
Pagkasensitibo sa Paggalaw:
Tinutukoy ng Pagkasensitibo ng Sensor sa Paggalaw ang pagkasensitibo kapag nag-tap ka nang dalawang beses sa ibabaw ng Boom! Audio wireless headset para makapasok sa command voice ng boses.
Mababa ang default na setting, ngunit maaari mong palitan ito ng mataas, o i-disable ang feature.
VOX Phone:
Kung naka-enable ang feature na ito, maaari mong sagutin ang mga papasok na tawag sa pamamagitan ng lang malakas na pagsasabi ng isang salita, maliban kung ikaw ay nakakonekta sa intercom. Halimbawa, kapag narinig mo ang isang serye ng mga beep para sa isang papasok na tawag, maaari mong sagutin ang phone sa pamamagitan ng pagsasabi ng Hello o iba pang salita nang malakas. Gayunpaman, ang feature na VOX Phone ay hindi gumagana kung nakakonekta ka sa intercom. Ang feature na ito ay in-enable sa pabrika ngunit maaaring i-disable sa pamamagitan ng menu ng kumpigurasyon, Device Manager, o Sena Smartphone App. Kapag naka-disable ang mode na ito, kailangan mong i-tap ang Jog Dial o Phone Button upang sagutin ang isang papasok na tawag.
HD Intercom:
Pinahuhusay ng HD Intercom ang two-way intercom audio mula sa normal na kalidad tungo sa pagiging HD na kalidad. Ang HD Intercom ay pansamantalang madi-disable kapag pumasok ka sa isang multi-way intercom. Kapag naka-disable ang feature, magiging normal na kalidad ang two-way intercom audio. Naka-enable ang default na setting.
Audio Multitasking:
Pinahihintulutan ka ng Audio Multitasking na makipag-usap sa intercom habang nakikinig sa musika, FB radio, o mga tagubilin sa GPS. Ang overlaid audio ay pine-play sa background nang may mahinang volume kapag mayroong pag-uusap sa intercom at babalik sa normal na volume kapag tapos na ang pag-uusap. Kapag naka-disable ang feature na ito, anumang papasok o papalabas na intercom ay sasabad sa iyong audio channel. Naka-enable ang default na setting.
INT-Audio Sensitivity:
Kapag naka-enable ang setting ng Audio Multitasking, kapag nakipag-usap ka sa intercom habang tumutugtog ang musika, ang volume ng musika ay papahinain sa background. Maaari mong i-adjust ang intercom sensitivity upang ma-activate ang background music mode na ito. Ang Level 1 ang may pinakamababang sensitivity at ang level 10 ang pinakamataas. Ang default na setting ay 6.
Nav. App Support: Kapag naka-enable ang Audio Multitasking, hinihinaan ng GPS application ng iyong smartphone ang volume sa tuwing mayroong patuloy na pag-uusap sa intercom. Upang malinaw na makinig sa GPS navigation ng iyong smartphone nang hindi nababawasan ang volume, i-enable ang Navigation App Support. Naka-disable ang default setting.
Eight-way Intercom:
Ang pag-disable ng Eight-way Intercom ay nag-o-optimize ng performance ng intercom para sa isang maliit na grupong may hanggang apat na kalahok. Ang pag-enable sa Eight-way Intercom ay nag-o-optimize sa performance ng intercom para sa mas malaking grupong may hanggang walong kalahok. Naka-disable ang default setting.
FM Station Guide:
Kapag naka-enable ang FM Station Guide, ibinibigay ang mga frequency ng mga istasyon ng FB sa pamamagitan ng mga voice prompt habang pinipili mo ang mga preset na istasyon. Kapag naka-disable ang FM Station Guide, ang mga voice prompt sa mga frequency ng istasyon ng FM ay hindi ibibigay habang pinipili mo ang mga preset na istasyon. Naka-enable ang default na setting.