Ang isang biyahe, daan o naka-save na destinasyon ay maaaring i-export sa isang USB storage device. Ine-export ng system ang set ng mga ruta bilang GPX na file na pinangalanang "H-D_NavData.gpx". Kung kinakailangan, nagdaragdag ang system ng magkakasunod na numero upang maiwasan ang pag-overwrite ng iba pang dati nang naka-save na file (tulad ng "H-D_NavData(1).gpx"). Maaaring maglaman ng maraming biyahe o destinasyon ang isang GPX na file.
Ang export feature ay dinisenyo upang i-back-up ang mga ruta o ibahagi ang mga ruta sa ibang nagmamaneho na mayroong system ng Boom! Box. Bagaman maaaring i-import sa ibang GPS na device ang GPX file, maaaring magkaroon ng mga limitasyon sa compatibility.
TALA
Dapat i-format ang USB device sa exFAT o FAT23 (tipikal na format na ginagamit ng mga PC) upang suportahan ang pag-export ng datos. Ang mga device na naka-format sa NTFS ay read-only at hindi sumusuporta sa pag-export ng GPX.
| 1. | Habang nakahinto, ikonekta ang USB device upang i-store ang mga file. | |
| 2. | I-navigate: Home > Navigation. | |
| 3. | Piliin: Search. (Maghanap.) | |
| 4. | Piliin: Export. | |
| 5. | Piliin: USB device. | |
| 6. | Ipapakita ang listahan ng mga biyahe, daan at naka-save na destinasyon. | |
| 7. | Piliin: Mga checkbox para sa mga item na i-e-export o piliin ang select all (piliin lahat). | |
| 8. | Piliin: Export. | |
| 9. | Piliin: OK kapag nakumpleto na ang export. Maaari nang tanggalin ang USB device. | |