TALA
ANG RIDE PLANNER AT ANG H-D APP AY FOR PARA SA PAGGAMIT NG LOKAL NA SASAKYAN LANG.
Kapag gumagamit ng mga GPX file, pagkatapos ma-import sa unit ng radyo ng GTS sa pamamagitan ng USB o Mobile App, kailangang i-OFF ang mga Alternatibong Ruta. Gagawin nitong mas tumpak ang GPX Route upang idisenyo sa website ng Ride Planner o H-D App.
Maaaring mag-import ang system ng mga file ng biyahe, landas at destinasyon na naka-save sa GPS Exchange Format (GPX). Ang mga file ay maaaring na-export ng isa pang motorsiklo na mayroong Boom! Box, na nilikha gamit ang Ride Planner (https://maps.harley-davidson.com/) o gamit ang H-D App. Ang isang GPX file ay maaaring maglaman ng maramihang biyahe at destinasyon.
Maaaring gamitin ng system ang mga GPX file na in-export ng ibang mga GPS device o mga website sa pagmamapa. Habang ang GPX ay isang pamantayang format para sa mga file ng nabigasyon, dahil sa mga pagkakaiba sa kung paano nililikha ang file at ang mga datos sa file na iyon mula sa magkakaibang programa, maaaring magkaroon ng ilang pagkakaiba sa ruta kapag na-import na ito. Ang mga pagkakaiba ay maaaring nasa mga destinasyon o mga titigilan sa ruta o dadaanan ng ruta sa pagitan ng mga titigilan. Aralin ang ruta bago magmaneho.
Ang mga na-import na ruta ay inii-store sa mga kinauukulang lokasyon sa loob ng radyo. Ang mga destinasyon ay naka-store sa Naka-save na listahan. Ang mga na-import na biyahe ay naka-store sa listahan ng Rides o Mga Biyahe. Ang mga na-import na file ng mga contact sa phone book (V-card na mga file, VCF) ay idinaragdag sa listahang Book sa menu ng nabigasyon. Sa ilang pagkakataon, ang na-import na GPX file ay maaaring mag-load bilang isang landas imbis na isang biyahe dahil sa datos mula sa iba pang mga mapping site.
Inirerekomenda ng Harley-Davidson ang paggamit ng Ride Planner
(https://maps.harley-davidson.com) para sa paggawa, pagse-save at pag-e-export ng mga ruta upang matiyak ang compatibility ng sistema.
Mayroong dalawang pamamaraan para mailagay ang Rides (Mga Biyahe) sa GTS na radyo: USB Drive at H-D App.
USB Drive
| 1. | Iposisyon ang sasakyan sa isang nakatigil na posisyon at i-set ang ignisyon sa posisyong ON o ACCY. | |
| 2. | Ikonekta ang USB device na naglalaman ng mga GPX o VCF file sa sasakyan. | |
| 3. | Mag-navigate: Home > Navigation. | |
| 4. | Piliin: Search. (Maghanap.) | |
| 5. | Piliin: Import. Ipapakita ang isang listahan ng mga GPX at VCF na file. | |
| 6. | Piliin: GPX o VCF file. Ipapakita ang isang listahan ng mga Naka-save na Biyahe, Landas at Destinasyon sa loob ng GPX file. | |
| 7. | Piliin: Mga Naka-save na Biyahe, Destinasyon at Mga Contact na ii-import. | |
| 8. | Piliin: Import. | |
| 9. | Piliin: OK. | |
| 10. | Nakumpleto na ang proseso at maaari nang tanggalin ang USB drive. | |
Mobile App
| 1. | I-download ang Harley-Davidson App sa iyong phone.a. Para sa mga Apple iPhone, tumungo sa App Store. b. Para sa mga Android phone, tingnan ang Play Store. | |
| 2. | Iposisyon ang sasakyan sa isang nakatigil na posisyon at i-set ang ignisyon sa posisyong ON o ACCY. | |
| 3. | Mag-log in sa H-D App. | |
| 4. | Ikonekta ang telepono gamit ang USB cable (iOS lang) o koneksyon sa Bluetooth (gumagana sa iOS at Android).a. Kapag ang phone ay nakakonekta nang maaayos at nakalog-in ang isang balidong user, dapat umilaw ang H-D App. | |
| 5. | Mag-navigate: Home > Navigation. | |
| 6. | Piliin: Search. (Maghanap.) | |
| 7. | Piliin: H-D App. Ipapakita ang listahan ng My Rides (Mga Biyahe Ko.) | |
| 8. | Piliin: Biyahe mula sa listahan. Agad na ise-save sa radyo ang mga nilalaman. | |
| 9. | 6. Awtomatikong ipapakita ng radyo ang unang segment ng na-import na Biyahe, na magpo-prompt sa nagmamaneho na Mag-start. | |