| 1. | Mag-navigate: Home > Setup > System Information. | |
| 2. | Piliin: Software, Hardware, EQ (equalizer), Navigation, Suskripsyon sa XM, Pag-reset o Lisensya ng Software. |
Mga Pagpipilian | Resulta |
|---|---|
Software | Ipinapakita ang kasalukuyang bersyon ng software na naka-install sa radyo.
Ang mga update sa Software para sa Boom! Box ay makikita sa
www.harley-davidson.com
o
Setup → Mga Update sa Software |
Hardware | Ipinapakita ang numero ng piyesa ng Harley-Davidson, numero ng piyesa ng supplier, at isang natatanging serial number para sa radyo.
Gamitin ang numero ng piyesa ng Harley-Davidson kasama ng impormasyon sa
Mga Feature at Ispesipikasyon → Mga Ispesipikasyon
upang matukoy ang mga feature na available sa radyong ito.
|
EQ | Ipinapakita ang equalizer (EQ) file na naka-install sa radyo. Ito ay nakabatay sa sasakyan, uri ng fairing at kumpigurasyon ng speaker. Maaaring i-update ng dealer ang EQ kapag nagdaragdag ng mga bagong speaker na accessory sa motorsiklo. |
Navigation | Piliin:
Software, Map Database (Database ng Mapa), Dealer Database (Database ng Dealer), Export for Update (I-export para Ma-update)
|
Software:
Ipinapakita ang kasalukuyang bersyon ng software para sa navigation software engine.
| |
Database ng Mapa:
Ipinapakita ang kasalukuyang bersyon ng database ng mapa na naka-install sa radyo.
| |
Database ng Dealer:
Ipinapakita ang kasalukuyang bersyon ng database ng dealer na naka-install sa radyo.
| |
I-export para Ma-update:
Ginagamit kapag nag-a-update o bumibili ng mga bagong set ng mapa.
Tingnan ang
Navigation → Database at Software ng Nabigasyon
upang mag-install o mag-update ng mga mapa.
| |
Suskripsyon sa XM | Piliin:
Radio (Radyo), Specialty Services (Mga Espesyalidad na Serbisyo)
|
Radyo:
Ang kalagayan ng suskripsyon sa Mga Serbisyo ng Radyo ay ipinapakita kasama ng isang numero ng ESN at numero ng telepono ng SiriusXM para sa tulong o pag-activate.
| |
Mga Espesyalidad na Serbisyo:
Ang katayuan ng suskripsyon para sa bawat serbisyo (mga serbisyong pantrapiko, gasolina, panahon at forecast) ay ipinapakita kasama ng isang numero ng ESN at numero ng telepono ng SiriusXM para sa tulong at pag-activate.
| |
Muling I-set | Piliin:
Privacy Reset (Muling Pagse-set ng Privacy), Reset to Factory Defaults (Muling Pagse-set sa mga Default ng Pabrika)
|
Muling Pagse-set ng Privacy:
Maaaring magsagawa ang dealer ng muling pagse-set ng privacy upang alisin ang lahat ng personal na impormasyon mula sa memorya ng radyo.
Maaari itong maging kapaki-pakinabang kapag ibebenta na ang motorsiklo o kapag muling iko-configure nang buo ang radyo sa mga bagong personal na setting. | |
Pag-reset tungo sa mga Default ng Pabrika:
Maaaring magsagawa ang dealer ng isang factory restore upang maibalik ang radyo sa mga orihinal na setting ng pabrika.
Tinatanggal nito ang lahat ng setting ng user sa radyo. Magpunta sa awtorisadong dealer ng Harley-Davidson para ipagawa ang serbisyong ito. | |
Lisensya ng Software | Listahan ng lahat ng lisensyang open source |