Mga Pangkalahatang Probisyon sa Serbisyo sa Radyo para sa Subpart D-Citizens Band (CB)
Sec. 95.401 (CB Rule 1) Ano ang mga Serbisyo sa Radyo ng Citizens Band?
Ang Serbisyo sa Radyo ng Citizens Band (CB) ay isang serbisyo sa komunikasyon ng boses na pribado, dalawahan, at para sa maiikling distansya para sa mga gawaing personal o pang-negosyo ng pangkalahatang publiko. Maaari ring gamitin ang Serbisyo sa Radyo ng CB para sa voice paging.
Sec. 95.401 (CB Rule 2) Paano ko gagamitin ang mga panuntunang ito?
(a) Dapat kang tumalima sa mga panuntunang ito (Tingnan ang CB Rule 21 Sec. 95.421, para sa mga multa sa mga paglabag) kapag nagpapaandar ng isang istasyon ng Serbisyong CB mula sa:
Loob o lampas sa mga limitasyon sa teritoryo ng mga lugar kung saan ang mga serbisyo sa radyo ay pinapangasiwaan ng FCC (tingnan ang CB Rule 5, Sec. 95.405);
Lulan ng anumang sasakyang pandagat o sasakyang panghimpapawid na nakarehistro sa Estados Unidos; o
Lulan ng anumang hindi nakarehistrong sasakyang pandagat o sasakyang panghimpapawid na pinapatakbo ng isang mamamayan o kompanya ng Estados Unidos.
(b) Ang iyong istasyon ng CB ay dapat tumalima sa mga teknikal na panuntunan na matatagpuan sa subpart E ng part 95.
(c) Kung saan ginagamit ng mga panuntunan ang salitang "ikaw", ang "ikaw" ay nangangahulugan ng taong nagpapatakbo ng istasyon ng CB.
(d) Kung saan ang mga panuntunan ay gumagamit ng salitang "tao," ang mga panuntunan ay tungkol sa isang indibidwal, korporasyon, pakikipagsosyo, isang asosasyon, isang joint stock company, trust, isang yunit ng pamahaalang pang-estado, teritoryal o lokal na pamahalaan, o iba pang legal na entidad.
(e) Kung saan ginagamit ng mga panuntunan ang katawagang "FCC", tinutukoy nito ang Federal Communications Commission.
(f) Kung saan ginagamit ng mga panuntunan ang katawagang "CB station o istasyon ng CB", nangangahulugan itong isang istasyon ng radyo na nagta-transmit ng Serbisyo sa Radyo ng CB.
Sec. 95.403 (CB Rule 3) Ako ba ay maaaring magpatakbo ng isang istasyon ng CB?
Ikaw ay awtorisadong magpatakbo ng istasyon ng CB maliban na lamang kung:
(a) Ikaw ay isang banyagang pamahalaan, isang kinatawan ng banyagang pamahalaan, o isang ahensiya ng pederal na pamahalaan; o
(b) Nagpalabas ang FCC ng cease and desist order sa iyo, at ang order ay epektibo pa rin.
Sec. 95.404 (CB Rule 4) Kailangan ko ba ng lisensya?
Hindi mo kailangan ng indibidwal na lisensya para magpatakbo ng istasyon ng CB. Ikaw ay awtorisado ng panuntunang ito na patakbuhin ang iyong istasyon ng CB ayon sa mga panuntunan sa subpart na ito.
Sec. 95.405 (CB Rule 5) Saan ko maaaring patakbuhin ang aking istasyon ng CB?
Ikaw ay awtorisadong patakbuhin ang iyong istasyon ng CB mula sa:
(a) Loob o lampas sa anumang lugar sa mundo kung saan ang mga serbisyo ng radyo ay pinangangasiwaan ng FCC. Ang mga lugar na ito ay napapailalim sa mga limitasyon ng teritoryo ng:
Singkwentang Estados Unidos.
Distrito ng Columbia.
Mga lugar sa Caribbean Insular:
Commonwealth ng Puerto Rico.
Navassa Island.
United States Virgin Islands (50 islet at cay).
Mga lugar sa Pacific Insular:
American Samoa (pitong isla).
Baker Island.
Commonwealth ng Northern Mariana Islands.
Guam Island.
Howland Island
Jarvis Island.
Johnston Island (Islets East, Johnston, North at Sand).
Kingman Reef.
Midway Island (Islets Eastern at Sand).
Palmyra Island (higit sa 50 islet).
Wake Island (Islets Peale, Wake at Wilkes).
(b) Alinmang iba pang lugar sa mundo, maliban sa loob ng mga hangganan ng teritoryo ng mga lugar kung saan ang mga serbisyo ng radyo ay pinapangasiwaan ng - Isang ahensya ng Estados Unidos maliban sa FCC. (Ikaw ay nakapailalim sa mga panuntunang ito.) Alinmang banyagang pamahalaan. (Ikaw ay nakapailalim sa mga panuntunang ito.)
(c) Anumang sasakyang-panghimpapawid o barko, na may permiso ng kapitan, sa loob o lampas sa anumang lugar sa mundo kung saan ang mga serbisyo sa radyo ay pinapangasiwaan ng FCC o sa o sa ibabaw ng mga internasyonal na karagatan. Dapat mong patakbuhin ang iyong istasyon ng CB ayon sa anumang mga naaangkop na kasunduan kung saan ang Estados Unidos ay isang partido.
(d) Sinumang naglalayong magpatakbo ng isang istasyon ng CB sa mga isla ng Puerto Rico, Desecheo, Mona, Vieques, at Culebra sa isang paraan na maaaring maging pagbabanta sa interperensya sa Arecibo Observatory ay dapat abisuhan ang Interference Office, Arecibo Observatory, Post Office Box 995, Arecibo, Puerto Rico 00613, nang nakasulat o elektroniko, sa lokasyon ng unit. Ang mga operator ay maaaring nais na sumangguni sa mga gabay sa interperensya, na ibibigay ng Cornell University. Ang mga operator na nais na mag-transmit ng impormasyon nang elektroniko ay dapat mag-email sa: prcz@naic.edu.
Ang pag-aabiso sa Interference Office, Arecibo Observatory ay dapat gawin sa loob ng 45 araw bago ang pagsisimula ng pagpapatakbo ng unit. Dapat isaad sa notipikasyon ang mga heograpikong coordinate ng unit.
Pagkatanggap ng naturang mga notipikasyon, magbibigay ang Commission ng 20 araw sa Arecibo Observatory para sa mga komentaryo o pagtutol. Ang operator ay kakailanganin na gumawa ng makatwirang pagsisikap upang malutas o pagaanin ang anumang potensyal na problema ng interperensya sa Arecibo Observatory. Kung matukoy ng Commission na natugunan ng isang operator ang pananagutan nito na gumawa ng mga makatwirang pagsisikap upang protektahan ang Observatory mula sa panghihimasok, ang unit ay maaaring pahintulutang patakbuhin.
Sec. 95.406 (CB Rule 6) Mayroon bang anumang mga espesyal na paghihigpit sa lokasyon ng aking istasyon ng
CB?
(a) Kung ang iyong istasyon ng CB ay matatagpuan sa mga lugar na kontrolado ng Department of Defense maaaring kailanganin kang tumalima sa mga karagdagang regulasyon na ipinataw ng commanding officer ng pag-install.
(b) Kung ang iyong istasyon ng CB ay itatayo sa isang lugar na sensitibong kapaligiran, o papatakbuhin sa paraan na magpapalaki ng mga problemang pangkapaligiran, sa ilalim ng Sec. 1.1307 ng chapter na ito, ikaw ay dapat magbigay ng pagtatasang pangkapaligiran, gaya ng nakalagay sa Sec. 1.1311 ng chapter na ito, at sasailalim sa pagtatasang pangkapaligiran, Sec. 1.1312 ng chapter na ito, bago simulan ang konstruksyon.
Paano Magpatakbo ng isang Istasyon ng CB
Sec. 95.407 (CB Rule 7) Sa aling mga channel ako maaaring magpatakbo?
(a) Ang iyong istasyon ng CB ay maaaring mag-transmit lamang sa mga sumusunod na channel (mga frequency):
Channel........................................Frequency (megahertz - MHz)
1...............................26.965 2...............................26.975 3...............................26.985 4...............................27.005 5...............................27.015 6...............................27.025 7...............................27.035 8...............................27.055 9.............................*27.065 10.............................27.075 11.............................27.085 12.............................27.105 13.............................27.115 14.............................27.125 15.............................27.135 16.............................27.155 17.............................27.165 18.............................27.175 19.............................27.185 20.............................27.205 21.............................27.215 22.............................27.225 23.............................27.255 24.............................27.235 25.............................27.245 26.............................27.265 27.............................27.275 28.............................27.285 29.............................27.295 30.............................27.305 31.............................27.315 32.............................27.325 33.............................27.335 34.............................27.345 35.............................27.355 36.............................27.365 37.............................27.375 38.............................27.385 39.............................27.395 40.............................27.405 ........................*Tingnan ang talata (b) ng seksyon na ito........................
(b) Ang Channel 9 ay maaaring gamitin lang para sa mga komunikasyong pang-emerhensya o para sa tulong sa manlalakbay.
(c) Ikaw ay dapat, sa lahat ng oras at sa lahat ng channel, magbigay prayoridad sa mga mensahe ng komunikasyon sa emerhensiya na tungkol sa agarang kaligtasan ng buhay o agarang proteksyon ng ari-arian.
(d) Maaari mong gamitin ang anumang channel para sa mga komunikasyong pang-emerhensya o para sa tulong sa manlalakbay.
(e) Dapat mong pahintulutan ang ibang user na gamitin ang bawat channel.
(f) Ang FCC ay hindi magtatakda ng anumang channel para sa pribado o eksklusibong paggamit ng anumang partikular na istasyon ng CB o grupo ng mga istasyon.
(g) Ang FCC ay hindi magtatakda ng anumang channel para sa pribado o eksklusibong paggamit ng mga istasyon ng CB na nagta-transmit ng single sideband o AM.
Sec. 95.408 (CB Rule 8) Gaano kataas ko maaaring ilagay ang aking antenna?
(a) Nangangahulugan ang antenna ng radiating system (para sa pag-transmit, pagtanggap o pareho) at ang istrukturang nagpapanatili ditong nakatayo (tower, pole o mast). Nangangahulugan din ito na: lahat ng iba pang nakakabit sa radiating system at sa istruktura.
(b) Kung ang iyong antenna ay nakakabit sa isang hand-held portable unit, walang naaangkop sa mga sumusunod na limitasyon.
(c) Kung ang iyong antenna ay nakakabit sa isang nakapirming lokasyon, ito (pagtanggap man, pag-transmit o pareho) ay dapat tumalima sa alinman sa mga sumusunod:
Ang pinakamataas na dulo ay hindi dapat higit sa 6.10 metro (20 talampakan) o mas mataas pa sa pinakamataas na dulo ng gusali o puno kung saan ito nakakabit; o
Ang pinakamataas na dulo ay hindi dapat higit sa 18.3 metro (60 talampakan) sa ibabaw ng lupa.
(d) Kung ang iyong istasyon ng CB ay matatagpuan malapit sa isang paliparan, at kung ang iyong istruktura ng antenna ay higit sa 6.1 metro (20 talampakan) ang taas, maaaring kailanganin mong sundin ang mga karagdagang paghihigpit. Ang pinakamataas na dulo ng iyong antenna ay hindi dapat lumampas sa isang metro sa pagkakataas (elevation) ng paliparan para sa kada isandaang metro ng distansya mula sa pinakamalapit na punto ng pinakamalapit na runway ng paliparan. Ang mga pagkakaiba sa pagkakataas (elevation) ng lupa sa pagitan ng iyong antenna at ng runway ng paliparan ay maaaring magpagulo sa formula na ito. Kung ang iyong istasyon ng CB ay malapit sa isang paliparan, maaari mong kontakin ang pinakamalapit na field office ng FCC para sa isang worksheet upang matulungan kang malaman ang pinakamataas na maaari ng iyong antenna. Sumangguni sa part 17 ng Mga Panuntunan ng FCC para sa higit pang impormasyon. Babala: Mapanganib ang pag-i-install at pagtatanggal ng mga antenna ng istasyon ng CB malapit sa mga powerline. Para sa iyong kaligtasan, sundin ang mga tagubilin sa pag-install kasama ang iyong antenna.
Sec. 95.409 (CB Rule 9) Anong mga kagamitan ang maaari kong gamitin sa aking istasyon ng CB?
(a) Dapat mong gamitin ang isang sertipikadong FCC na CB transmitter sa iyong istasyon ng CB. Maaari mong kilalanin ang isang sertipikadong transmitter ng FCC sa pamamagitan ng label ng sertipikasyon na inilagay dito ng manufacturer. Maaari mong siyasatin ang listahan ng mga sertipikadong kagamitan sa anumang FCC Field Office o sa FCC Headquarters. Ang paggamit ng isang transmitter na hindi sertipikado ng FCC ay magpapawalang-bisa sa iyong awtoridad na patakbuhin ang istasyon.
(b) Hindi ka dapat gumawa ng anumang panloob na modipikasyon sa isang sertipikadong CB transmitter. (Tingnan ang CB Rule 25, Sec. 95.425). Kinakansela ng anumang internal na modipikasyon sa isang sertipikadong CB transmitter ang sertipikasyon, at ang paggamit ng naturang transmitter ay nagpapawalang-bisa sa iyong awtoridad na patakbuhin ang istasyon.
Sec. 95.410 (CB Rule 10) Gaano kalakas na power ba ang maaari kong gamitin?
(a) Ang power output ng iyong transmitter ng istasyon ng CB ay hindi dapat lalampas sa mga sumusunod na mga halaga sa anumang mga kondisyon: AM (A3)- 4 watts (carrier power) SSB- 12 watts (peak envelope power)
(b) Kung kailangan mo ng higit pang impormasyon tungkol sa panuntunan sa power, tingnan ang mga panuntunang teknikal sa subpart E ng part 95.
(c) Ang paggamit ng transmitter na may carrier o peak envelope power na lampas sa awtorisadong power ay nagpapawalang bisa sa iyong awtoridad na patakbuhin ang istasyon.
Sec. 95.411 (CB Rule 11) Maaari ba akong gumamit ng mga power amplifier?
(a) Hindi ka maaaring magkabit ng mga sumusunod na item (mga power amplifier) sa iyong sertipikadong CB transmitter sa anumang paraan:
Ang mga panlabas na radio frequency (RF) power amplifier (na paminsan-minsang tinatawag na mga linear o linear amplifier); o
Ang anumang iba pang mga device na, kapag ginamit sa isang transmitter ng radyo bilang pinagmumulan ng signal, ay may kakayahan na i-amplify ang signal.
(b) Walang mga pagtatangi sa panuntunang ito at ang paggamit ng power amplifier ay nagpapawalang bisa sa iyong awtoridad na magpatakbo ng istasyon.
(c) Ipapalagay ng FCC na ginamit mo ang isang linear o iba pang panlabas na RF power amplifier kung:
Taglay mo ito o nasa iyong lugar; at
Mayroong ibang ebidensya na pinatakbo mo ang iyong istasyon ng CB sa higit na power na pinahihintulutan ng CB Rule 10, Sec. 95.410.
(d) Talata (c) ng seksyong ito ay hindi naaangkop kung may hawak kang lisensya sa isa pang serbisyo ng radyo na nagpapahintulot sa iyong magpatakbo ng isang panlabas na RF power amplifier.
Sec. 95.412 (CB Rule 12) Anong mga komunikasyon ang maaaring i-transmit?
(a) Maaari mong gamitin ang iyong istasyon ng CB na mag-transmit ng mga two-way na payak na komunikasyon ng wika. Ang mga two-way na payak na komunikasyon ng wika ay mga komunikasyon na walang mga code o naka-code na mensahe. Ang mga operating signal tulad ng ‘ten codes’ ay hindi itinuturing na mga code o naka-code na mensahe. Maaari ka lang mag-transmit ng mga two-way na payak na komunikasyon ng wika sa ibang mga istasyon ng CB, sa mga unit ng iyong sariling istasyon ng CB o sa awtorisadong mga istasyon ng pamahalaan sa mga CB frequency na humigit-kumulang -
Ang iyong personal o pang-negosyo na mga aktibidad o mga aktibidad ng mga miyembro ng iyong immediate na pamilya na nakatira sa iyong household;
Mga Emerhensiya (see CB Rule 18, Sec. 95.418);
Tulong sa manlalakbay (tingnan ang CB Rule 18, Sec. 95.418); or
Mga aktibidad sa civil defense na may kaugnayan sa mga opisyal na pagsubok o pagsasanay na isinasagawa ng, o mga aktwal na mga emerhensiya na inanunsyo ng ahensiya ng civil defense na may awtoridad sa lugar kung saan matatagpuan ang iyong istasyon.
(b) Maaari mong gamitin ang iyong istasyon ng CB upang mag-transmit ng tone signal lang kapag ang signal ay ginagamit upang makipag-ugnayan o magpatuloy ng mga komunikasyon. (Mga halimbawa ng mga circuit na gumagamit ng mga signal na ito ay tone operated squelch at mga selective calling circuit.) Kung ang signal ay isang naririnig na tono, hindi dapat ito tumagal nang higit sa 15 segundo sa isang beses. Kung ang signal ay isang subaudible na tono, maaari lamang itong ma-transmit nang walang patid hangga’t ikaw ay nagsasalita.
(c) Maaari mong gamitin ang iyong istasyon ng CB upang mag-transmit ng one-way na mga komunikasyon (mga mensaheng hindi naglalayong magtatag ng mga komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partikular na istasyon ng CB) lang para sa mga pang-emerhensiyang komunikasyon, tulong sa manlalakbay, mga sandaling pagsubok (mga pagsusuri ng radyo) o voice paging.
Sec. 95.413 (CB Rule 13) Anong mga komunikasyon ang ipinagbabawal?
(a) Hindi ka maaaring gumamit ng istasyon ng CB:
Na may kaugnayan sa anumang aktibidad na labag sa batas pederal, pang-estado, o lokal;
Upang mag-transmit ng mga malaswa, bastos o walang-galang na mga salita, wika o kahulugan;
Upang intensyonal na manghimasok sa mga komunikasyon ng isa pang istasyon ng CB;
Upang mag-transmit ng one-way na mga komunikasyon, maliban sa mga pang-emerhensyang komunikasyon, tulong sa manlalakbay, saglit na mga pagsubok (mga pagsusuri sa radyo), o voice paging;
Upang mag-advertise o mangalap ng benta ng anumang mga produkto o serbisyo;
Upang mag-transmit ng musika, pagpito, mga sound effect o anumang materyal na pang-aliw;
Upang mag-transmit ng anumang sound effect para lamang makakuha ng atensyon;
Upang mag-transmit ng salitang “MAYDAY” o anumang iba pang mga internasyonal na signal para sa mapanganib na kalagayan, maliban kung ang iyong istasyon ay nasa barko, sasakyang-panghimpapawid, o iba pang sasakyan na pinagbabantaan ng malubha o nalalapit na panganib at ikaw ay humihiling ng agarang tulong;
Upang makipag-ugnayan sa, o subukang makipag-ugnayan sa, anumang istasyon ng CB na higit sa 250 kilometro (115.3 milya) ang layo;
Upang i-advertise ang isang politikal na kandidato; (maaari mong gamitin ang iyong radyo ng CB para sa mga aktibidad o pagsasaayos na aspeto ng kampanya, kung susundin ang lahat ng iba pang naaangkop na mga panuntunan);
Upang makipag-ugnayan sa mga istasyon sa ibang mga bansa, maliban sa mga istasyon ng Pangkalahatang Serbisyo ng Radyo sa Canada; o
Upang mag-transmit ng hindi totoo o mapanlinlang na komunikasyon.
(b) Hindi ka dapat gumamit ng istasyon ng CB upang mag-transmit ng mga komunikasyon para sa live o naantalang pagsasahimpapawid muli sa istasyon ng radyo o telebisyon. Maaari mong gamitin ang iyong istasyon ng CB upang mangalap ng mga item ng balita o maghanda ng mga programa.
Sec. 95.414 (CB Rule 14) Maaari ba akong bayaran para gamitin ang aking istasyon ng CB?
(a) Hindi ka maaaring tumanggap ng direkta o hindi direktang pagbayad para sa pag-transmit sa istasyon ng CB.
(b) Maaari kang gumamit ng istasyon ng CB upang matulungan kang magbigay ng serbisyo, at mabayaran para sa serbisyong iyon, hangga’t binabayaran ka lamang para sa serbisyo at hindi para sa aktwal na paggamit ng istasyon ng CB.
Sec. 95.415 (CB Rule 15) Sino ang may pananagutan para sa mga komunikasyong gagawin ko?
Ikaw ang mananagot para sa lahat ng komunikasyon na ginawa mo mula sa isang istasyon ng CB.
Sec 95.416 (CB Rule 16) Dapat ko bang limitahan ang haba ng aking mga komunikasyon?
(a) Dapat mong limitahan ang iyong mga komunikasyon sa CB sa pinakamababang praktikal na oras.
(b) Kung ikaw ay nakikipag-ugnayan sa isa pang istasyon o mga istasyon ng CB, ikaw, at ang mga istasyon na nakikipag-ugnayan sa iyo, ay dapat limitahan ang bawat isa sa inyong mga pag-uusap sa hindi lalampas sa limang tuluy-tuloy na minuto.
(c) Sa pagtatapos ng inyong pag-uusap, ikaw, at ang mga istasyong nakikipag-ugnayan sa iyo, ay hindi dapat mag-transmit muli nang kahit na isang minuto.
Sec. 95.417 (CB Rule 17) Dapat ko bang tukuyin ang aking mga komunikasyon sa CB?
(a) Hindi mo dapat tukuyin ang iyong mga komunikasyon sa CB.
(b) [Ikaw ay hinihikayat na tukuyin ang iyong mga komunikasyon sa CB sa pamamagitan ng anuman sa mga sumusunod na pamamaraan:
Naunang itinalaga na CB call sign;
K prefix (unlapi) na sinundan ng mga initial ng operator at zip code ng tirahan;
Pangalan; o
Paglalarawan ng organisasyon kabilang ang pangalan at anumang naaangkop na numero ng unit ng operator.]
(c) [Hinihikayat kang gamitin lamang ang iyong "handle" kasabay ng mga pamamaraan ng pagtukoy na inilista sa talata (b) sa seksyon na ito.]
Sec. 95.418 (CB Rule 18) Paano ko gagamitin ang aking istasyon ng CB sa isang emerhensya upang tulungan ang isang manlalakbay? >
(a) Dapat mong bigyang prayoridad, sa lahat ng oras at sa lahat ng channel, ang mga komunikasyong pang-emerhensya.
(b) Kapag ikaw ay direktang nakikilahok sa mga pang-emerhensyang komunikasyon, hindi mo kailangang tumalima sa mga panuntunan tungkol sa haba ng mga transmisyon (CB Rule 16, Sec. 95.416). Dapat mong sundin ang lahat ng iba pang panuntunan.
(c) Maaari mong gamitin ang iyong istasyon ng CB para sa mga komunikasyong kinakailangan upang tulungan ang isang manlalakbay na makarating sa destinasyon o makatanggap ng mga kinakailangang serbisyo. Kapag ginagamit mo ang iyong istasyon ng CB upang tulungan ang isang manlalakbay, hindi mo kailangang sundin ang panuntunan tungkol sa haba ng mga transmisyon (CB Rule 16, Sec. 95.416). Dapat mong sundin ang lahat ng iba pang panuntunan.
(d) Maaari mong gamitin ang iyong istasyon ng CB upang mag-transmit ng one-way na mga komunikasyon tungkol sa mga kondisyon ng highway upang tumulong sa mga manlalakbay.
Sec. 95.419 (CB Rule 19) Maaari ba akong magpatakbo ng transmitter ng istasyon ng CB gamit ang remote control?
(a) Hindi ka maaaring magpatakbo ng transmitter ng istasyon ng CB gamit ang remote control ng radyo.
(b) Maaari kang magpatakbo ng transmitter ng CB gamit ang wireline remote control kung nakakuha ka ng partikular na pag-apruba na nakasulat mula sa FCC. Upang makakuha ng pag-apruba ng FCC, dapat mong ipakita bakit mo kailangan na patakbuhin ang iyong istasyon ng wireline remote control. Kung nakatanggap ng pag-apruba ng FCC, dapat mong itago ang pag-apruba bilang bahagi ng iyong mga rekord ng istasyon. Tingnan ang CB Rule 27, Sec. 95.427.
(c) Nangangahulugan ang remote control ng pagpapatakbo ng isang CB transmitter mula sa anumang lugar na iba pa sa lokasyon ng CB transmitter. Ang direktang mekanikal na kontrol o direktang elektrikal na kontrol sa pamamagitan ng wire mula sa isang point sa parehong lugar, bapor o sasakyan ng CB transmitter ay hindi itinuturing na remote control.
Sec. 95.420 (CB Rule 20) Maaari ko bang ikonekta ang aking transmitter ng istasyon ng CB sa isang telepono?
(a) Maaari mong ikonekta ang iyong transmitter ng istasyon ng CB sa isang telepono kung ikaw ay tumalima sa lahat ng sumusunod:
Ikaw o ibang tao ay dapat nandoon sa iyong istasyon ng CB at dapat-
(i) Manu-manong gawin ang koneksyon (ang koneksyon ay hindi dapat gawin gamit ang remote control);
(ii) Pangasiwaan ang operasyon ng transmitter sa panahon ng koneksyon;
(iii) Pakinggan ang bawat komunikasyon sa panahon ng koneksyon; at
(iv) Ihinto ang lahat ng komunikasyon kung mayroong mga operasyon na lumalabag sa mga panuntunang ito.
Ang bawat komunikasyon sa panahon ng koneksyon sa telepono ay dapat tumalima sa lahat ng panuntunang ito.
Dapat mong sundin ang anumang paghihigpit na inilalapat ng kumpanya ng telepono sa koneksyon ng isang CB transmitter sa telepono.
(b) Ang CB transmitter na ikinokonekta mo sa isang telepono ay dapat hindi ibahagi sa anumang iba pang istasyon ng CB.
(c) Kung ikinonekta mo ang iyong CB transmitter sa isang telepono, dapat kang gumamit ng isang phone patch device na inirehistro sa FCC.
Iba Pang Bagay na Dapat Mong Malaman
Sec. 95.421 (CB Rule 21) Ano ang mga multa sa paglalabag sa mga panuntunang ito?
(a) Kapag nalaman ng FCC na ikaw ay kusa at paulit-ulit na lumabag sa Communications Act o sa Mga Panuntunan ng FCC, maaaring kailangan kang magbayad ng kasing laki ng $10,000 para sa bawat paglabag, hanggang sa kabuuan na $75,000. (Tingnan ang seksyon na 503(b) ng Communications Act.)
(b) Kapag nalaman ng FCC na nilabag mo ang anumang seksyon ng Communications Act o ang Mga Panuntunan ng FCC, ikaw ay maaaring atasang ihinto ang anumang aksyon na nagdulot ng paglabag. (Tingnan ang seksyon 312(b) ng Communications Act.)
(c) Kapag nalaman ng Pederal na hukuman na ikaw ay kusa at sadyang lumabag sa anumang Panuntunan ng FCC, maaari kang multahan ng hanggang $500 para sa bawat araw na ginawa mo ang paglabag. (Tingnan ang seksyon 502 ng Communications Act.)
(d) Kapag nalaman ng Pederal na hukuman na ikaw ay kusa at sadyang lumabag sa anumang probisyon ng Communications Act, maaari kang multahan ng hanggang $10,000 o maaari kang ikulong ng isang taon, o pareho. (Tingnan ang seksyon 501 ng Communications Act.)
Sec. 95.422 (CB Rule 22) Paano ko sasagutin ang mga liham mula sa FCC?
(a) Kapag lumalabas sa FCC na ikaw ay lumabag sa Communications Act o sa mga panuntunang ito, maaari kang padalhan ng FCC ng abiso ng pagkakaiba.
(b) Sa loob ng panahon na isinaad sa abiso, dapat kang tumugon sa pamamagitan ng:
Isang kumpletong nakasulat na pahayag tungkol sa malinaw na pagkakaiba;
Isang kumpletong nakasulat na pahayag tungkol sa anumang aksyon na ginawa mo upang itama ang malinaw na paglabag at maiwasan ito na mangyaring muli; at
Ang pangalan ng tao na nagpapatakbo sa oras ng malinaw na paglabag.
(c) Kapag pinadalhan ka ng FCC ng sulat na nagtatanong sa iyo tungkol sa iyong istasyon ng radyo ng CB o operasyon nito, dapat mong sagutin ang bawat isa sa mga tanong sa pamamagitan ng isang kumpletong nakasulat na pahayag sa loob ng panahon na nakasaad sa sulat na ito.
(d) Dapat hindi mo iklian ang iyong sagot na sumasangguni sa ibang mga komunikasyon o abiso.
(e) Dapat mong ipadala ang iyong sagot sa opisina ng FCC na nagpadala sa iyo ng abiso.
(f) Dapat kang magtago ng isang kopya ng iyong sagot sa iyong mga rekord ng istasyon. (Tingnan ang CB Rule 27, Sec. 95.427.)
Sec. 95.423 (CB Rule 23) Ano ang dapat kong gawin kung sasabihin sa akin ng FCC na ang aking istasyon ng CB ay nagdudulot ng interperensya?
(a) Kapag sinabi sa iyo ng FCC na ang iyong istasyon ng CB ay nagdudulot ng interperensya bunga ng mga teknikal na dahilan, dapat mong sundin ang lahat ng mga tagubilin sa opisyal na abiso ng FCC. (Ang abisong ito ay maaaring kailanganin mula sa iyo na magkaroon ng mga teknikal na mga pag-adjust sa iyong equipment.)
(b) Dapat kang tumalima sa anumang mga ipinagbabawal na oras ng pagpapatakbo ng istasyon ng CB na maaaring kabilang sa opisyal na abiso.
Sec. 95.424 (CB Rule 24) Paano ko papaserbisyuhan ang aking transmitter ng istasyon ng CB?
(a) Maaari mong i-adjust ang isang antenna sa iyong CB transmitter at maaari kang magsagawa ng mga pagsusuri ng radyo. (Ang isang pagsusuri ng radyo ay nangangahulugan ng one way na transmisyon sa maikling oras upang masubok ang transmitter.)
(b) Ikaw ay may pananagutan para sa tamang operasyon ng istasyon sa lahat ng oras at inaasahan magbigay ng mga obserbasyon, pagpapaserbisyo at pagmementina nang madalas hangga’t maaari upang siguraduhin ang tamang pagpapatakbo. Dapat naipagawa mo ang lahat ng mga panloob na pagpapaayos o panloob na pag-a-adjust sa iyong CB transmitter ayon sa mga Teknikal na Regulasyon (tingnan ang subpart E). Ang mga panloob na repair o panloob na mga pag-a-adjust ay dapat isagawa ng o sa ilalim ng direktang pamamahala at pananagutan ng isang taong sertipikado bilang kwalipikado sa teknikal na aspeto upang magsagawa ng pagmementina ng transmitter at mga katungkulan ng pag-aayos sa mga pribadong serbisyo para sa land mobile at fixed na mga serbisyo ng isang organisasyon o kinatawan ng committee ng mga user sa mga serbisyong iyon.
(c) Maliban kung isinaad sa talata (d) sa seksyon na ito, ang bawat panloob na pag-aayos at bawat panloob na pag-adjust ng CB transmitter kung saan ang mga signal ay na-transmit ay dapat gawin gamit ang isang nonradiating (“dummy”) antenna.
(d) Ang mga saglit na test signal (mga signal na hindi hihigit sa isang minuto sa loob ng anumang limang minuto) gamit ang radiating antenna ay maaaring ma-transmit upang:
I-adjust ang isang antenna sa transmitter;
Tuklasin o sukatin ang radiation ng enerhiya maliban sa nilalayong signal; o
I-tune ang receiver sa iyong CB transmitter.
Sec. 95.425 (CB Rule 25) Maaari ba akong gumawa ng anumang mga pagbabago sa aking transmitter ng istasyon ng CB?
(a) Hindi ka dapat gumawa o ipagawa sa sinuman ang panloob na modipikasyon sa iyong CB transmitter.
(b) Hindi kabilang sa panloob na modipikasyon ang:
Pag-aayos o pagpapaserbisyo ng isang transmitter ng istasyon ng CB (tingnan ang CB Rule 24, Sec. 95.424); o
Ang pagbabago ng mga plug-in module na sertipikado bilang bahagi ng iyong CB transmitter.
Hindi ka dapat magpatakbo ng CB transmitter na binago ng sinuman sa anumang paraan, kabilang ang modipikasyon sa pagpapatakbo sa hindi awtorisadong mga frequency o gamit ang ilegal na power. (Tingnan ang CB Rules 9 at 11, Secs. 95.409 at 95.411.)
Sec. 95.426 (CB Rule 26) Dapat ko bang gawing available ang aking istasyon ng CB para sa pagsisiyasat?
(a) Kung ang isang awtorisadong kinatawan ng FCC ay hihiling na siyasatin ang iyong istasyon ng CB, dapat mong gawing available ang iyong istasyon ng CB at mga rekord para sa pagsisiyasat.
(b) Kabilang sa istasyon ng CB ang lahat ng mga equipment ng radyo na ginagamit mo.
Sec. 95.427 (CB Rule 27) Ano ang aking mga rekord ng istasyon?
Kabilang sa iyong mga rekord ng istasyon ang sumusunod na mga dokumento, kung naaangkop.
(a) Isang kopya ng bawat tugon sa abiso ng paglabag o sulat ng FCC. (Tingnan ang CB Rule 22, Sec. 95.422.)
(b) Ang bawat nakasulat na pahintulot na natanggap mula sa FCC. (Tingnan ang CB Rule 19, Sec. 95.419.)
Sec. 95.428 (CB Rule 28) Paano ako makikipag-ugnayan sa FCC?
(a) FCC National Call Center sa 1-888-225-5322.
(b) FCC World Wide Web homepage: http://www.fcc.gov.
(c) Nang nakasulat, sa FCC, Attention: CB, 1270 Fairfield Road, Gettysburg, PA 17325-7245.
Pinagmulan: 48 FR 24894, Hunyo 3, 1983, maliban kung hindi man nabanggit.