Ang feature ng nabigasyon, gabay sa lane, at trapiko ay nakalaan upang tulungan ka kapag ika’y bumibiyahe. Palaging gamitin ang iyong personal na paghuhusga at obserbasyon ng mga aktwal na kondisyon ng kalsada habang nagmamaneho. Sa ilang kalagayan, maaaring hindi kumpleto, hindi tama o wala na sa panahon ang impormasyong nakalagay sa database ng nabigasyon. Ang mga kondisyon ng kalsada, mga batas trapiko at mga paghihigpit (tulad ng bawal lumiko sa kaliwa, mga saradong kalye, mga one way na kalye, mga detour dahil sa ginagawang kalsada, at marami pang iba) ay maaaring madalas magbago. Bago sundin ang anumang tagubilin mula sa system, suriin kung ligtas at legal na maisasagawa ang tagubilin.
Kung kinakailangan, ligtas na iparada ang sasakyan kung nahihirapan sundin ang gabay sa ruta o kung may pangangailangang mag-programa ng bagong ruta. Sa ilang kalagayan, maaaring pansamantalang magbigay ang system ng hindi tumpak na posisyon ng sasakyan o magpakita ng pagkakamali sa distansya sa pagitan ng mga bagay.
Kapag nag-iimport ng ruta mula sa ibang device o website, unawain na maaaring magkaroon ng mga limitasyon sa katumpakan o pagkamaaasahan ng inimport na data. Maaari ring magkaroon ng mga limistasyon sa pagkakatugma kapag nag-iimport ng mga file ng data mula sa ibang device o website.
Iprograma at suriing muli ang mga ruta ng nabigasyon habang nakahinto ang sasakyan. Kapag bibiyahe nang malayo, planuhin at aralin ang ruta bago paandarin ang motorsiklo. I-install ang mga update sa database ng nabigasyon upang tiyaking mayroon kang pinakabagong impormasyon.