Ang manwal na ito inihanda upang ipaalam sa iyo kung paano ang pagpapatakbo, pangangalaga at pagmementina ng iyong motorsiklo. Nagbibigay din ito ng mahalagang impormasyon sa kaligtasan. Sundin ang mga tagubilin na ito nang maingat para sa pinakamagandang pag-andar ng motorsiklo at para sa iyong personal na kaligtasan at kasiyahan sa paggamit.
Ang iyong manwal ng may-ari ay naglalaman ng mga tagubilin para sa pagpapaandar at minor na pagmementina. Ang mga mayor na pag-aayos ay sakop ng manwal ng serbisyo ng Harley-Davidson. Ang mga mayor na pag-aayos ay nangangailangan ng atensyon ng dalubhasang technician at paggamit ng mga espesyal na kasangkapan at kagamitan. Ang iyong dealer ng Harley-Davidson ay may mga pasilidad, karanasan at mga Tunay ng piyesa ng Harley-Davidson na kailangan upang maayos na maibigay ang mahalagang serbisyo na ito. Inirerekumenda namin na isagawa ang anumang pagpapanatili ng sistema ng emisyon ng isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson.
Inilalaan ng Harley-Davidson ang karapatang baguhin ang mga ispesipikasyon, kagamitan o disenyo sa anumang oras, nang walang paunawa at nang hindi nagkakaroon ng obligasyon.
Ang manwal ng may-ari na ito ay dapat ituring na permanenteng bahagi ng motorsiklo at dapat panatilihing kasama ng motorsiklo kapag ibinenta ito.