BABALA
Isagawa ang mga operasyon ng serbisyo at pagpapanatili tulad ng ipinahiwatig sa talahanayan ng regular na agwat na pagpapaserbisyo. Ang kakulangan sa regular na pagpapanatili sa mga inirekomendang agwat ay maaaring makaapekto sa ligtas na pag-andar ng iyong motorsiklo, na maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00010a)
BABALA
Kapag pinatatakbo mo ang iyong motorsiklo sa ilalim ng masasamang kondisyon (sobrang lamig, matinding init, lubhang maalikabok na kapaligiran, masamang daanan, sa baha, atbp.), dapat mong gawin ang regular na mga agwat ng pagpapanatili nang mas madalas upang matiyak ang ligtas na pagtakbo ng iyong motorsiklo. Ang hindi pagpapanatili ng iyong motorsiklo ay maaaring magresulta sa kamatayan o malubhang pinsala. (00094a)
Paserbisyuhan ang iyong motorsiklo sa mga regular na agwat ng pagpapaserbisyo. Ang mga kondisyon ng kalsada tulad ng alikabok, ulan, o mga istilo ng pagmamaneho ay maaaring mangailangan ng mas madalas na pagpapaserbisyo. Tingnan ang Mga Pagitan ng Serbisyo at Rekord.
Bagaman ang ilan sa mga pamamaraang ito ay maaaring isagawa gamit ang kakaunting kagamitan, palaging kumonsulta sa iyong dealer ng Harley-Davidson para sa mga update. Tandaan, laging sineserbisyuhan ng iyong awtorisadong dealer ng Harley-Davidson ang iyong motorsiklo gamit ang mga pinakabagong pamamaraan at kagamitang aprubado ng pabrika.
Itala ang bawat pagpapaserbsiyo para mapanatili ang garantiya ng iyong bagong motorsiklo. Tingnan ang Mga Pagitan ng Serbisyo at Rekord → Mga Tala ng Serbisyo.