Screen ng Media
Tingnan ang Figure 1 . Ipinakikita ng screen ng Media ang katayuan ng kasalukuyang kantang pinatutugtog. Nagpapakita rin ang screen ng media ng cover art para sa kanta, kung mayroon.
1Media filter (Ipinapakita ang USB)
2Media device (Ipinapakita ang USB)
3Mga Setting
4Ulitin
5Natitirang oras
6Pagkakasunud-sunod ng file (device/playlist/album)
7Lumipas na oras
8I-shuffle
Figure 1. Screen ng Media
Mga Device ng Media
TALA
Iwasan ang paggamit ng mga karakter na ito sa pagpapangalan ng mga media file: . : ? “ < > | / *
Sinusuportahan ng radyo ang iba't ibang uri ng device ng media na nakakonekta sa USB at Bluetooth. Bilang pangkalahatang patnubay, nakalista ang suporta para sa mga device sa Talahanayan 1. Maaaring hindi available ang ilang feature o menu, depende sa device, uri ng file o uri ng koneksyon.
Para sa mga device na pang-mass storage (gaya ng mga USB drive), maaaring makaapekto sa bilis o performance ang pagkakaayos ng file sa device. Para sa pinakamahusay na pag-andar at pag-index ng mga file, i-store ang mga media file sa root directory ng USB device, sa halip na sa maraming level ng mga folder.
Talahanayan 1. Suporta para sa Device ng Media
DEVICE
MGA SINUSUPORTAHANG DEVICE
MGA KONEKSYON
MGA SINUSUPORTAHANG FILE
MGA FEATURE O LIMITASYON
iPod
iPod supporting iAP2
Konektor na pagmamay-ari ng Apple.
Lahat ng uri ng mga sinusuportahang file ng iPod
Sinusuportahan ang lahat ng feature ng paghahanap. Hindi maaaring i-download ang mga ring tone file. Ang mga iPod na may hard drive ay maaaring masira at hindi inirerekomenda.
USB mass storage device
USB drive (exFAT, FAT16, FAT32, NTFS, HFS+) o SD card
Direktang koneksyon sa USB port. Kinakailangan ng USB connector at reader para sa SD card.
MP3, MP4, MPEG-4 AAC, M4A, M4B, WAV, WMA
Maaaring sumusuporta sa mga feature ng paghahanap. Ang mga drive na naka-format sa NTFS ay maaari lamang gamitin para sa mga function na read-only (tulad ng pag-play ng media). Ang mga NTFS na drive ay hindi sumusuporta sa mga function tulad ng mga ride/trail export o mga update sa database ng nabigasyon.
Media player
Teleponong nakakonekta sa USB. Device na compatible sa PlaysForSure. Device na compatible sa Media Transfer Protocol (MTP).
USB cable.
MP3, MP4, MPEG-4 AAC, M4A, M4B, WAV, WMA
Maaaring sumusuporta sa mga feature ng paghahanap.
Bluetooth device
Nag-iiba-iba. Kinakailangan ang minimum na interoperability ng Bluetooth profile.
Mga A2DP/AVRCP na profile.
Nakabatay sa Bluetooth device. Inii-stream ng device at hindi dine-decode ng radyo ang Bluetooth audio.
Walang preset na kakayahan. Maaaring hindi ipinapakita ang metadata ng file. Maaaring i-stream ang audio mula sa app o internal player papunta sa radyo.
Pagkonekta ng Device ng Media: USB.
1. Ikonekta ang device ng media sa USB port. Gumamit ng pangkonekta o reader kung kinakailangan.
2. Kung hindi awtomatikong nakikilala ang device ng media, suriin ang mga setting ng device. Ang ilang device ay kailangang i-configure upang kumonekta bilang hard drive o bilang device ng media bago ma-access ang mga media file. Tingnan ang manwal ng device.
Pagkonekta ng Device ng Media: Bluetooth
1. Ipares ang device. Tingnan ang Audio → Bluetooth.
2. Mag-navigate: Home > Audio.
3. Piliin: Source field.
4. Pumili ng device mula sa listahan.
Mga Device Player at mga Application: Bluetooth
Maaaring patugtugin ang streaming na audio mula sa isang internal na player o application sa isang nakakonektang Bluetooth device. Maaaring makontrol ng radyo ang ilang feature, tulad ng pagpili ng mga nakaraan o susunod na file sa loob ng ilang player o application.
1. Habang nakahinto ang motorsiklo, kumonekta sa Bluetooth device.
2. I-start ang media application o internal na player sa nakakonektang device sa Bluetooth. Magsisimulang tumugtog ang audio sa mga speaker o mga headset ng motorsiklo.
3.
TALA
Ang level ng volume at ang equalization sa loob ng device ay maaaring makaapekto sa volume ng pag-stream sa radyo. Kung walang marinig na tunog o basag ang naririnig na tunog, tingnan ang volume sa loob ng application o device.
Gamitin ang switch ng Home/Volume/Previous/Next at Mute/Power button sa faceplate ng radyo upang paganahin ang application o internal player, kung maaari.
Pagpili ng Device ng Media
1. Tingnan ang Figure 2 . Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Ipapakita ang isang listahan ng mga nakapares o nakakonektang device. Ang mga item ay markado ng simbolo ng USB o Bluetooth.
4.
TALA
Ang ilang bluetooth device ay hindi makokontrol sa pamamagitan ng radyo.
Pumili ng device mula sa listahan. Kung nakakonekta, magsisimulang tumugtog ang unang kanta mula sa device.
Figure 2. Piliin ang Media Device
Patugtugin ang Nakaraan/Susuond na Media File: Previous/Next (Nakaraan/Susunod)
Ang Previous/Next switch sa kontrol ng kaliwang kamay ay magpapapunta sa nakaraan o susunod na kanta sa device.
Patugtugin ang Nakaraan/Susuond na Media File: Preset
Ang Cursor/Select switch sa kontrol ng kanang kamay ay pupunta sa nakaraan o susunod na naka-preset sa radyo.
I-pause, I-rewind o Mag-fast Forward ng Media File
I-pause: Pindutin ang Power/Mute button para i-pause o i-unpause ang media.
I-rewind: Pindutin nang matagal ang switch ng Previous (Nakaraan) pakaliwa. Ang pag-rewind ay lalong bibilis habang patuloy na pinipindot ang switch.
I-fast Forward: Pindutin nang matagal ang switch ng Next (Susunod) pakanan. Ang pag-fast forward ay lalong bibilis habang ang switch ay patuloy na pinipindot.
Pag-scan ng mga Media File
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Icon ng Menu.
3. Tingnan ang Figure 3. Piliin: Scan. Magsisimulang patugtugin ng radyo ang bawat kanta sa device nang sunud-sunod, habang hinahayaang tumugtog ang bawat kanta nang limang segundo. Ang icon ng Scan ay ipapakita sa status bar.
Figure 3. I-scan ang Lokasyon ng Icon (tipikal)
4. Pindutin alinmang switch upang itigil ang pag-scan.
Ulitin ang Kasalukuyang File
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Icon ng Menu.
3. Piliin: Repeat checkbox. (Checkbox ng ulitin.) Ang icon ng Repeat (Ulitin) ay ipapakita at ang kasalukuyang file ay paulit-ulit na patutugtugin hanggang sa maalis sa pagkakapili. Ang pagpindot ng Repeat (Ulitin) nang ikalawang beses ay magpapahintulot sa radyo na patuloy na i-play ang umiiral na listahan ng kanta.
Mag-play ng Random na mga File: I-shuffle
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Icon ng Menu.
3.
TALA
Maaaring ibukod ng isang iPod ang mga audio book at podcast mula sa seleksyon ng shuffle.
Piliin: Shuffle checkbox. (Checkbox ng shuffle.) Ipapakita ang icon ng Shuffle. Random na pipili ang radyo ng mga file mula sa device.
Magpatugtog ng mga Kanta Mula sa Track List
Magpapakita ang track list ng isang buong listahan ng lahat ng kanta sa nakakonektang device. Kapag pumipili ng isang kanta mula sa listahan, mananatili sa track list ang radyo at hindi babalik sa screen ng media. Ang mga track list ay hindi available sa mga Bluetooth streaming media device.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Icon ng Menu.
3. Tingnan ang Figure 4 . Piliin: Track List. Ipapakita ang kumpletong listahan ng lahat ng kanta mula sa kasalukuyang piniling device, playlist, artist o album.
4. Pumili ng kanta na patutugtugin mula sa listahan.
Figure 4. Icon ng Listahan ng Track
Mga Preset ng Media
Ang radyo ay kayang mag-store ng hanggang 20 preset para sa bawat nakakonektang device. Ipinapakita lamang ng screen ang mga preset ng media para sa kasalukuyang nakakonektang device. Ang mga preset ng media ay pananatilihin sa memorya at magagamit sa susunod na pagkakataong ikonekta ang media device. Available lang ang mga preset para sa mga device na nakakonekta sa USB.
I-set ang preset ng media: Habang pinatutugtog ang kanta, pindutin nang matagal ang isa sa mga preset. Kapag ang radyo ay nag-beep at ang preset ay naka-store na, bitawan ang preset.
Pumili ng preset ng media: Pumili ng gustong preset. Ang kanta ay mag-uumpisang tumugtog.
Paghahanap ng Media File
Tingnan ang Figure 5 . Ang feature na Find (Hanapin) ay maaaring gamitin upang mag-browse sa iba't ibang uri ng media file sa mga media device na nakakonekta sa USB gaya ng ipinapakita sa Talahanayan 2. Ang mga feature na pag-browse ng file ay hindi available sa mga Bluetooth streaming media device.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Media filters. (Mga filter ng media.)
Figure 5. Hanapin ang Mga Pagpipiliang Media
Talahanayan 2. Paghahanap ng Media File
KATEGORYA
PAGLALARAWAN
Artist
Inililista ang lahat ng kanta ayon sa napiling artist. Patutugtugin ng radyo ang napiling kanta, pagkatapos ay patutugtugin ang mga natitirang kanta ng artist.
Album
Inililista ang lahat ng kanta sa napiling album. Patutugtugin ng radyo ang napiling kanta, pagkatapos ay patutugtugin ang natitirang mga kanta sa album.
Genre
Inililista ang mga kanta ayon sa napiling genre.
Pamagat ng Kanta
Hinahanap ang kanta ayon sa mga pamagat.
Mga Kompositor
Inililista ang lahat ng kanta ayon sa napiling kompositor. Patutugtugin ng radyo ang napiling kanta, pagkatapos ay patutugtugin ang natitirang mga kanta ng kompositor.
Playlist
Listahan ng lahat ng playlist sa device.
Podcast
Listahan ng lahat ng podcast sa device (Mga Apple na device lamang).
Audio Book
Listahan ng lahat ng audio book sa device (Mga Apple na device lamang).
Video, Palabas sa TV, Pelikula o Music Video
Listahan ng mga video file sa device (bahagi ng audio lamang ang pinatutugtog).
Paghahanap ng Media File: Playlist
Ang playlist ay isang file na naka-store sa device na kinabibilangan ng listahan ng magkakasunod na kanta. Ang lahat ng playlist na kasama sa iPod ay suportado. Sinusuportahan din ng radyo ang mga sumusunod na uri ng playlist para sa iba pang mga device na nakakonekta sa USB.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Media filters. (Mga filter ng media.)
3. Piliin: Playlist.
4. Pumili ng item mula sa listahan.
5. Pumili ng kanta mula sa playlist. Upang patugtugin ang buong playlist, piliin ang unang kanta.
Paghahanap ng Media File: Artist, Album, Genre o Kompositor
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Media filters. (Mga filter ng media.)
3. Piliin: Artist, Album, Genre o Composer (Kompositor) na iba-browse.
4. Pumili ng item mula sa listahan.
5. Pumili ng kanta mula sa listahan. Magsisimulang patugtugin ng radyo ang mga file para sa artist, album, genre o kompositor na mag-uumpisa sa napiling file. Upang i-play ang lahat ng kanta ng artist, album o genre, piliin ang unang kanta mula sa listahan.
Paghahanap ng Media File: Pamagat ng Kanta
1. Piliin Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Media filters. (Mga filter ng media.)
3. Piliin: Songs. (Mga Kanta.) Ipapakita ang isang buong listahan ng lahat ng kanta sa device.
4. Pumili ng kanta mula sa listahan. Kung kinakailangan, piliin ang icon ng pagtalon ng titik sa pagitan ng mga kontrol ng pag-scroll at i-type ang unang titik ng pamagat ng kanta.
Paghahanap ng Media File: Podcast
Ang kategoryang Podcast ay ipinapakita sa menu ng Find (Maghanap) kapag nakatukoy ang device ng maayos na na-configure na podcast. Ang isang audio file (ID3 tag) ay dapat maayos na naka-code para maipakita sa radyo bilang isang podcast. Kung kinakailangan, mag-right-click sa file sa iTunes at piliin ang tamang opsyon para sa pag-characterize ng file (pelikula, musika, video, podcast, at iba pa).
Ang ilang file na kinikilala bilang mga podcast ay hindi aktwal na mga podcast file, kundi mga media file lamang. Ang mga file na ito ay maaaring nakalista kasama ng iba pang mga file ng kanta.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Media filters. (Mga filter ng media.)
3. Piliin: Podcast.
4. Pumili ng podcast mula sa listahan.
5. Pumili ng episode mula sa listahan.
Paghahanap ng Media File: Audio Book
Ang opsyon ng audio book ay ipinapakita kapag may natuklasang mga audio book file sa device. Ang ilang audio book ay mga MP3 file na maaaring nakalista kasama ng iba pang mga file ng kanta.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Media filters. (Mga filter ng media.)
3. Piliin: Audio book. Ipapakita ang listahan ng mga audio book.
4. Pumili ng audio book mula sa listahan.
5. Pumili ng chapter/kabanata mula sa audio book, kung naaangkop.
Paghahanap ng Media File: Video, Palabas sa TV, Pelikula, Music Video
Ang radyo ay nakakapag-play ng ilang uri ng mga video file. Upang maiwasan ang abala, pinatutugtog lamang ng radyo ang mga audio na bahagi ng mga file.
Ang mga file mula sa mga Apple device ay maaaring ikategorya bilang Palabas sa TV, Pelikula o Music Video. Ang mga suportadong video file mula sa isang USB device ay ikinakategorya bilang Video.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Media filters. (Mga filter ng media.)
3. Piliin: Video, TV Show, Movie or Music Video. (Video, Palabas sa TV, Pelikula o Music Video.)
4. Pumili ng file mula sa listahan. Magsisimulang mag-play ang audio mula sa video file.
Pagpili ng Media File: Paggamit ng Voice Recognition o Pagkilala ng Boses
Tingnan ang Communications → Voice Recognition (Pagkilala ng Boses) para sa mga detalyadong tagubilin sa lahat ng mga command sa voice recognition o pagkilala ng boses.
1. Piliin: Voice recognition switch. (Switch ng pagkilala ng boses.)
2. Magsalita: Artist, Album, Genre, Playlist o Kanta na sinusundan ng pangalan o pamagat na patutugtugin.
3. Maaaring humingi ang radyo ng karagdagang impormasyon. Tumugon sa anumang mga natitirang prompt upang piliin at i-play ang media.
Pagse-save ng Media File bilang Paborito
Tingnan ang Favorites.
Pagse-save ng Media File bilang Ring Tone
TALA
Ang media file ay dapat naka-play.
1. Piliin: Menu. Kung ang kasalukuyang uri ng file ay tugmang gamitin bilang isang ring tone, ipapakita ang icon ng Ring Tone.
2. Piliin: Ring Tone. Susubukan ng radyo na i-download ang media file para magamit ito bilang ring tone. Isang ring tone lamang ang pinahihintulutan ng radyo na i-download sa radyo. Palitan ang kasalukuyang file kung kinakailangan.
3. Piliin: OK.