SiriusXM Satellite Radio
Mayroong SiriusXM na radyo ang mga piling sasakyan sa Hilagang Amerika. Tingnan ang Mga Feature at Ispesipikasyon . Kasama sa radyo ang mahigit 200 digital na channel ng musika, balita, usapan, entertainment at sports. Ang pagsasahimpapawid ng radyo ay sa pamamagitan ng satellite (na may mga ground repeater) upang magbigay ng tuluy-tuloy na programa at kalidad ng signal sa buong bansa nang walang patid sa coverage.
Ang mga espesyal na serbisyo ng SiriusXM ay nagbibigay ng pagmamapa ng panahon, datos ng ulat panahon, impormasyon sa presyo ng gasolina at serbisyong data ng trapiko. Ang SiriusXM traffic ay nagbibigay ng impormasyon sa mga kaganapan sa trapiko at mga kondisyon ng kalsada. Ang data na ito ay isinasama sa system ng nabigasyon upang magbigay ng daloy ng bilis sa mga napiling ruta at mga abiso ng mga sitwasyong pantrapiko (tulad ng mga aksidente o pagsasara ng lane).
Opsyonal na Accessory ng SiriusXM
Ang kakayahan ng SiriusXM ay karaniwan sa mga piling sasakyan sa mga sakop na rehiyon. Para sa mga sasakyang walang SiriusXM, ang mga opsyonal na accessory ng SiriusXM ay maaaring mabili sa www.h-d.com/store o sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson. Magpunta sa dealer o website para sa pagsusukat at mga kinakailangan kapag nagdaragdag ng accessory na ito.
Sundin ang mga pamamaraan sa pahina ng tagubilin o ipakabit ang aksesorya sa isang awtorisadong dealer ng Harley-Davidson. Pagkatapos ng pagkakabit, gamitin ang mga tagubilin sa manwal na ito upang mag-set up, mag-subscribe at paganahin ng mga feature ng SiriusXM.
Pagsubok na Suskripsyon
Ang mga bagong sasakyan na nilagyan ng SiriusXM mula sa pabrika ay mayroong kasamang tatlong buwang pagsubok na suskripsyon para sa serbisyong SiriusXM Radio, Trapiko at Travel Link sa mga rehiyon kung saan available ang serbisyo. Ang pagsubok na suskripsyong ito ay available lamang sa orihinal na bumili ng bagong sasakyang nilagyan ng SiriusXM. Hindi ito kasama sa SiriusXM na mga module na maaaring kasunod na binili o ikinabit ng customer o dealer. Ang mga tuntunin at kundisyon ng serbisyo ay maaaring baguhin sa pana-panahon ng SiriusXM. Tingnan ang www.siriusxm.com .
Siyasatin ang Kalagayan ng Suskripsyon
1. Mag-navigate: Home > Setup > System Information > XM subscription.
2. Piliin: Radyo. Tingnan ang Figure 1 . Ang kalagayan ng suskripsyon sa Mga Serbisyo ng Radyo ay ipinapakita nang may kasamang numero ng ESN at numero ng telepono ng SiriusXM para sa tulong o pag-activate.
3. Piliin: Espesyal na mga Serbisyo. Tingnan ang Figure 2 . Ang kalagayan ng suskripsyon ng bawat serbisyo (serbisyong trapiko, gasolina, ulat panahon at pag-forecast) ay ipinapakita nang may kasamang numero ng ESN at numero ng telepono ng SiriusXM para sa tulong o pag-activate.
Figure 1. Screen ng Suskripsyon sa Serbisyo para sa Radyo
Figure 2. Impormasyon sa Suskripsyon sa mga Espesyalidad na Serbisyo
Pag-subscribe sa SiriusXM
1. Tingnan ang Figure 2 . Kunin ang numero ng ESN para sa radyo.
2. Tiyaking natatanggap ang signal ng SiriusXM. Siyasatin ang icon ng Lakas ng Signal ng SiriusXM sa status bar. Ang Channel 1 (preview channel) ay dapat nagpapatugtog ng audio. Nagsisimula ang SiriusXM sa isang preview channel (channel 1) hanggang maging aktibo ang subscription.
3. Mag-subscribe:
a. Tingnan ang Figure 2 . Gamit ang Telepono: Ang numero ng telepono ay ipapakita pagkatapos na piliin ang SiriusXM sa screen ng Band o tawagan ang numero ng telepono sa screen ng ESN.
b. Gamit ang Internet: Magpunta sa www.siriusxm.com . I-click ang link ng suskripsyon.
4. Panatilihing naka-on ang radyo hanggang makumpleto ang proseso ng suskripsyon. Maaaring abutin ng hanggang isang oras ang pag-activate. Dahil ang sasakyan ay awtomatikong mamamatay pagkatapos ng 20 minutong nasa accessory mode, maaaring kailanganing i-start at paandarin ang motorsiklo.
Makinig sa SiriusXM na Radyo
Tumatagal ng ilang sandali bago maipakita ang mga feature ng SiriusXM matapos i-start ang motorsiklo.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
Mga Preset ng SiriusXM
Maaaring i-program ang mga preset ng channel upang mabilis na ma-access ang mga paboritong channel. Kaya ng radyo ang hanggang 20 preset ng SiriusXM.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
4. Pumili ng channel.
5. Pindutin nang matagal ang isang preset hanggang sa mag-beep ang system.
Pagpili ng Channel: Mga Kontrol ng Kamay
Pindutin ang switch ng Previous/Next (Nakaraan/Susunod) sa kontrol ng kaliwang kamay upang baguhin ang channel.
Pagpili ng Channel: Listahan ng Channel
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
4. Piliin: Sirius XM Channels. (Mga Channel ng SiriusXM.)
5. Pumili ng gustong kategorya mula sa listahan.
Pagpili ng Channel: Direct Tune
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
4. Piliin: Menu.
5. Piliin: Direct tune.
6. Tingnan ang Figure 3 . Gamitin ang keypad (3) upang magpasok ng numero ng channel (2).
7. Piliin ang Tune (4) upang pumunta sa napiling channel.
1Backspace/delete
2Numero ng Channel
3Keypad
4I-tune
Figure 3. Direktang I-tune
Pagpili ng Channel: Voice Recognition (Pagkilala ng Boses)
Tingnan ang Communications → Voice Recognition (Pagkilala ng Boses) para sa higit pang mga command (utos) at tagubilin.
1. Piliin: Voice recognition switch. (Switch ng pagkilala ng boses.)
2. Sabihin ang isa sa mga sumusunod na command (utos) sa mikropono:
a. Upang makinig sa SiriusXM na radyo : SiriusXM
b. Upang pumili ng channel: Channel (sinusundan ng pangalan o numero ng channel)
c. Upang piliin ang susunod na channel pataas: Channel Up
d. Upang piliin ang susunod na channel pababa: Channel Down
e. Upang mag-scan ng mga channel: Channel Scan
Pag-scan ng mga Channel ng SiriusXM
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
4. Piliin: Menu.
5. Piliin: Scan. Susulong ang radyo papunta sa bawat channel, at hihinto nang limang segundo sa bawat channel.
6. Pindutin ang Cursor/Piliin na switch sa kontrol ng kamay upang pumili ng channel.
Figure 4. Menu Screen ng SiriusXM
Pag-tag ng Artist o Kanta
Ang pag-tag ay magpapahintulot sa iyong maalertuhan kapag pinatutugtog sa SiriusXM ang isang nai-tag na artist o kanta. Maaaring mag-save ng hanggang 20 tag ng kanta o artist.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
4. Piliin: Menu.
5. Piliin: Tag This. (I-tag Ito.)
6.
TALA
Upang i-tag ang parehong kanta at artist, ulitin ang mga hakbang para sa natitirang pagpipilian.
Tingnan ang Figure 5 . Magpa-prompt ang system na i-tag ang kanta o artist. Sa sandaling naka-tag na, kukumpirmahin ng system ang iyong pinili.
Figure 5. Pag-tag ng Screen
Tingnan ang Listahan ng Nai-Tag
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
4. Piliin: Menu.
5. Piliin: Tagged. (Naka-tag.)
6. Tingnan ang Figure 6 . Upang i-off ang mga alerto para sa isang partikular na kanta o artist, alisin ang tsek ng item sa listahan. Upang ipagpatuloy ang mga alerto, muling i-tsek ang item.
1Naka-tag na artist
2Naka-tag na kanta
Figure 6. Naka-tag na Listahan
Alerto ng Tag
Magpa-pop up ang isang alerto kapag tumutugtog sa alinmang channel ang isang naka-tag na kanta o artist. Piliin ang Listen (Pakinggan) o Ignore (Huwag Pansinin).
Listen (Pakinggan): Lilipat sa channel kung saan pinatutugtog ang naka-tag na kanta o artist.
Ignore (Huwag Pansinin): Mananatili sa kasalukuyang channel.
Mga Kategorya ng SiriusXM
Ang radyo ay maaaring i-configure nang sa gayon ay mag-scan para sa mga partikular na uri ng programming (tulad ng balita, sports o klasikal na musika). Kapag nag-ii-scan, ang radyo ay hihinto lamang sa mga istasyon na kabilang sa mga napiling kategorya. Ang nasa listahan ng channel ay mga istasyon lamang na kabilang sa mga napiling kategorya.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM channels. (Mga channel ng SiriusXM.)
4. Piliin: Station categories. (Mga kategorya ng istasyon.)
5. Tingnan ang Figure 7 . Pumili ng nais na kategorya mula sa listahan.
1I-set ang Lahat o Burahin ang Lahat ng field
2Mga kategorya (tingnan ang listahan ng rehiyon)
Figure 7. Screen ng mga Kategorya
Game Zone
Ang Game Zone ay maaaring i-set up upang ma-trigger ang isang alerto kapag isinasahimpapawid ang mga laro o nagkaroon ng mga pagbabago sa iskor para sa iyong mga paboritong koponan. Ang mga alerto ay nagbibigay ng pagkakataon upang mag-tune in sa channel at makinig sa laro.
Pag-enable ng Mga Alerto sa Sports
Dapat naka-enable ang Mga Alerto sa Sports bago magbigay ng mga notipikasyon ng laro o iskor ang radyo.
Kapag naka-enable ang Mga Alerto sa Sports, lahat ng naka-configure na setting sa laro at iskor para sa iyong mga paboritong koponan ay mapapanatili. Gayunpaman, hindi magbibigay ng mga notipikasyon ang sistema hangga’t hindi muling na-e-enable ang Mga Alerto sa Sports.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
4. Piliin : Menu.
5. Piliin: Game zone.
6. Tingnan ang Figure 8 . I-tsek ang checkbox ng Mga Alerto sa Sports. Ipapakita ang mga alerto ng laro at iskor na nai-set para sa anumang mga paboritong koponan habang nangyayari ang mga ito.
Figure 8. Mga Alerto sa Sports
Pagdaragdag ng Paboritong GameZone
Maaaring magdagdag ng hanggang pitong koponan bilang mga paborito sa Game Zone.
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
4. Piliin: Menu.
5. Select: Game zone.
6. Piliin ang uri ng koponan (MLB, NBA at iba pa). Ipapakita ang isang listahan ng mga koponan sa loob ng napiling liga.
7. Pumili ng koponan mula sa listahan.
8.
TALA
Awtomatikong idaragdag ng pagpili ng checkbox ng Laro o Iskor ang koponan sa mga paborito.
Tingnan ang Figure 9 . Piliin: Add to Favorites (Idagdag sa mga Paborito). Awtomatikong mapipili ang Game at Score.
Figure 9. Mga Paborito sa Game Zone
Pagse-set ng Notipikasyon ng Laro o Iskor
1. Tingnan ang Pagdaragdag ng Paboritong GameZone .
2. Notipikasyon ng laro: Upang ipakita ang isang alerto sa tuwing isinasahimpapawid ang isang laro para sa koponang ito, piliin ang checkbox ng laro.
3. Notipikasyon ng iskor: Upang ipakita ang alerto sa tuwing magbabago ang iskor ng laro para sa koponang ito, piliin ang checkbox ng iskor.
Pagtugon sa Alerto ng Game Zone
Depende sa mga setting, magpa-pop up ang isang alerto ng game zone kapag isinasahimpapawid ang laro o nagkaroon ng pagbabago sa iskor para sa paboritong koponan.
1. Listen (Pakinggan): Magtu-tune in ang radyo sa channel na nagsasahimpapawid ng laro.
2. Ignore (Huwag Pansinin): Magpapatuloy ang radyo sa kasalukuyang pinagmumulang audio.
Pagtatanggal ng Paborito sa Game Zone
1. Mag-navigate: Home > Audio.
2. Piliin: Source field.
3. Piliin: SiriusXM.
4. Piliin: Menu.
5. Piliin: Game zone.
6. Piliin: Sports alert. (Alerto ng sports.)
7. Piliin: Favorite teams. (Mga paboritong koponan.)
8. Pumili ng koponan na aalisin sa listahan.
9. Piliin: Clear from Favorites. (Alisin sa mga Paborito.) Inalis na ang koponan sa listahan ng mga paborito ng game zone.
Pagpapakita ng Panahon
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Piliin: Weather. (Panahon.)
4. Piliin: Forecast. Tingnan ang Figure 10 .
5. Piliin: Current location (Kasalukuyang lokasyon) o Other location (Ibang lokasyon).
a. Kasalukuyang lokasyon: Ipinapakita ang mga kondisyon ng panahon sa kasalukuyang lokasyon.
b. Ibang lokasyon: Piliin ang estado at lokasyon na gustong makita.
6. Piliin: Kasalukuyan, Araw-araw o 5 Araw.
a. Kasalukuyan: Ipapakita sa screen ang mga kasalukuyang kondisyon ng panahon. Ang Pagpili ng Mga Detalye sa screen ay magbibigay ng detalyadong pananaw ng mga kondisyon ng panahon. Tingnan ang Figure 11 .
b. Araw-araw: Ipinapakita ng screen ang ulat ng mga kondisyon ng panahon sa loob ng 3 at 6 na oras. Tingnan ang Figure 12 .
c. 5 araw: Ipinapakita ng screen ang mga ulat ng mga kondisyon ng panahon para sa kasalukuyang araw at kinabukasan. Gamitin ang scroll o mag-swipe para sa susunod na limang araw ng data ng panahon. Tingnan ang Figure 13 .
Figure 10. Icon ng Ulat ng Panahon
Figure 11. Kasalukuyang Panahon
Figure 12. Pang-araw-araw na Ulat ng Panahon
Figure 13. 5 Araw na Ulat ng Panahon
Mapa ng SiriusXM Weather
Tingnan ang Figure 14 . Ipinapakita ng SiriusXM weather ang mapa na may radar at impormasyon tungkol sa weather front. Ang mapa ay ipinapakita habang nasa itaas ang hilaga at karaniwang ina-update kada 12 minuto. Ipinapakita ng mapa ng panahon ang mga pangunahing daanan, ngunit hindi ito idinisenyo bilang isang tool para sa nabigasyon.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Piliin: Weather. (Panahon.) Nagpapakita ang radyo ng malakihang mapa kasama ang kasalukuyang lokasyon ng sasakyan.
4. Piliin ang mga setting sa screen ng Nav Menu upang i-configure ang display ng mapa.
Pag-scroll sa Mapa ng Panahon
Tingnan ang Navigation → Mapa .
1. Habang naka-display ang mapa ng panahon, pindutin ang isang lokasyon sa touchscreen o pindutin nang matagal ang Cursor/Select sa switch ng kontrol ng kamay.
2. Mag-scroll o mag-swipe upang palitan ang ipinapakitang lokasyon ng mapa. Gamitin ang mga kontrol ng pag-zoom upang mag-zoom in o out.
Radar ng Mapa ng Panahon at Mga Weather Front
Tingnan ang Figure 14 . Ipinapakita ng radar ang mga pattern ng pag-ulan sa mapa. Ang lakas ng ulan, niyebe o pinaghalong presipitasyon ay ipinapahiwatig ng alamat sa ibaba ng mapa. Maaari ring magpakita ang mapa ng mga weather front, atmospheric pressure at mga isobar.
1. Habang nasa mapa ng panahon, piliin ang icon ng impormasyon sa kanang bahagi ng screen.
2. Buksan ang radar: Lagyan ng tsek ang checkbox ng Radar .
3. Buksan ang mga weather front: Lagyan ng tsek ang checkbox ng Fronts .
4. Piliin: Back. (Bumalik.) Ang mga radar formation at mga weather front ay ipinapakita sa mapa.
Figure 14. Impormasyon sa Panahon
Talahanayan 1. Impormasyon sa Radar
URI NG ULAN
INTENSITY
Ulan
Pitong level ng kulay mula sa ambon (maputlang berde) hanggang sa matinding pag-ulan (pula)
Niyebe
Magaang na ulan ng niyebe (maputlang asul), matinding pagbuhos ng niyebe (madilim na asul)
Halo
Magaan na pinaghalong ulan (maputlang pink), matinding pinaghalong ulan (madilim na pink)
Talahanayan 2. Impormasyon sa Front ng Panahon
INDICATOR
PAGLALARAWAN
Cold front
Ipinapakita bilang asul na linya na may mga tatsulok. Ipinapakita ang nangungunang gilid ng isang tumpok ng malamig na hangin. Ipinapakita ng mga tatsulok ang pasulong na direksyon ng front.
High pressure (H)
Ipinapakita ang sentro ng mataas na presyon ng atmospera.
Isobar
Manipis na linya na nagpapahiwatig ng katumbas o hindi nagbabagong presyon ng atmospera.
Low pressure (L)
Ipinapakita ang sentro ng mababang presyon ng atmospera.
Stationary front
Ipinapakita bilang halinhinang pula-asul na linya na may mga tatsulok at kalahating bilog. Ipinapakita ang hangganan sa pagitan ng mga tumpok ng mainit at malamig na hangin.
Warm front
Ipinapakita bilang pulang linya na may mga pulang kalahating bilog. Ipinapakita ang nangungunang gilid ng isang tumpok ng mainit na hangin. Ipinapakita ng mga kalahating bilog ang pasulong na direksyon ng front.
Ipakita ang Huling Update ng Panahon
1. Habang ipinapakita ang mapa ng panahon, piliin ang icon ng opsyon sa kanang bahagi ng screen.
2. Piliin: Update information. (I-update ang Impormasyon.) Ipinapakita ng radyo ang petsa at oras ng huling update sa impormasyon ng radar at weather front.
Mga Presyo ng Gasolina sa SiriusXM
Ang feature na gasolina ay nagbibigay ng mga presyo ng gasolina sa mga gasolinahan sa loob ng tinukoy na distansya ng motorsiklo. Ang feature na ito ay maaaring gamitin upang pumunta sa isang napiling istasyon, o magdagdag ng mga istasyon sa isang umiiral na ruta.
Pagpili ng Uri ng Gasolina
Ipinapakita ng screen ang mga lokasyon at presyo ayon sa uri ng gasolinang napili (regular, medium, premium o diesel).
TALA
Gumamit lamang ng unleaded na gasolina para sa uri ng gasolina at octane na tinukoy para sa iyong motorsiklo. Huwag gumamit ng diesel o iba pang gasolinang hindi nararapat para sa motorsiklo. Tingnan ang manwal ng may-ari ng sasakyan. Ang paggamit ng maling uri ng gasolina ay maaaring makapinsala sa makina, system ng gasolina at iba pang mga component.
1. Mag-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Piliin: Fuel prices. (Mga Presyo ng Gasolina.)
4. Piliin: Fuel type. (Uri ng Gasolina.)
5. Pagkatapos piliin ang uri ng gasolina, piliin ang Bumalik sa kontrol ng kanang kamay upang bumalik sa mga presyo ng gasolina.
Tingnan ang Mga Presyo ng Gasolina
Ang mga presyo ng gasolina ay ipinapakita batay sa galon o litro, depende sa English/Metric/Metric na setting.
1. I-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Piliin: Fuel prices. (Mga presyo ng gasolina.)
4. Piliin: View prices. (Tingnan ang mga presyo.) Ipapakita ang isang listahan ng hanggang 30 pinakamalapit na istasyon sa loob ng 100 milya. Ang mga istasyon ay nakalista batay sa distansya mula sa kasalukuyang lokasyon.
5. Tingnan ang Figure 15 . Piliin: Isaayos ayon sa icon ng distansya/tatak/presyo (2). Isasaayos nito ang listahan nang ayon sa tatak (pangalan ng gasolinahan), presyo ng gasolina o distansya sa istasyon.
6. Pumili ng istasyon mula sa listahan.
1Grado ng gasolina
2Isaayos ayon sa distansya/tatak/presyo
3Presyo at pangalan ng gasolinahan kasama ang address
4Direksyon papunta at distansya sa gasolinahan
Figure 15. Mga Presyo ng Gasolina
7. Tingnan ang Figure 16 . Ipinapakita ang mga pagpipilian para sa istasyon.
a. Fuel Station (Gasolinahan): Ipinapakita ang tatak ng kumpanya o tatak ng gasolina .
b. Route/View (Ruta/Tingnan): Ang pagpili ng Options (Mga Pagpipilian) ay magpapahintulot sa iyong pumili ng ninanais na ruta. Ang pagpili ng Save (I-save) ay magpapahintulot sa iyong i-save ito sa isang listahan o i-save ito bilang home. Ang pagpili ng Go (Magpunta) ay nagkakalkula at dadalhin ka sa napiling gasolinahan.
c. Tawag: Habang nakakonekta ang telepono, dina-dial ng telepono ang gasolinahan (upang kumpirmahin ang mga presyo, tanungin ang mga oras ng negosyo at iba pa).
d. Fuel Prices (Mga Presyo ng Gasolina): Nagpapakita ng presyo para sa lahat ng uri ng gasolina at stamp ng petsa.
1Gasolinahan/tatak
2Iruta o tingnan ang gasolinahan sa mapa
3Tawagan ang gasolinahan
4Tingnan ang lahat ng presyo ng gasolina sa gasolinahan
Figure 16. Napiling Gasolinahan
SiriusXM Traffic
Nagpapakita ng listahan ng mga mensahe tungkol sa trapiko, konstruksyon, aksidente o iba pang mga kalapit na kaganapan na maaaring makaapekto sa iyong piniling ruta. Maaaring i-configure ang system upang magbigay ng mga popup ng mga kaganapan sa trapiko, at magbigay ng mga bagong ruta upang maiwasan ang mga abala sa trapiko.
Pag-on ng Traffic (Trapiko)
Kapag ginagamit ang feature na trapiko, awtomatikong sasabihin ng system na i-on ang traffic (trapiko) kung kinakailangan. Maaari ring paganahin ang traffic (trapiko) sa mga setting ng system. Tingnan ang Navigation → Trapiko .
Mga Popup ng Notipikasyon ng Trapiko
Maaaring i-configure ang system upang awtomatikong ipakita ang mga alerto sa trapiko na nakakaapekto sa kasalukuyang ruta ng nabigasyon. Magpapakita lamang ang system ng notipikasyon kapag aktibo ang isang ruta at babawasan ng alternatibong ruta ang kasalukuyang oras ng biyahe nang limang minuto o higit pa.
Tingnan ang Navigation → Trapiko .
Mga Icon ng Traffic (Trapiko)
I-navigate: Home > Setup > Traffic > Legend. Ipinapakita sa menu ng Setup ang paglalarawan ng lahat ng icon ng trapiko.
Tingnan din ang Navigation → Trapiko .
Pag-reroute ng Trapiko
Tingnan ang Navigation → Trapiko .
Listahan ng Mensahe sa Trapiko
1. I-navigate: Home > Navigation.
2. Piliin: Menu.
3. Select: (SiriusXM) Traffic.
4. Kapag sinabihang i-on ang traffic, piliin ang Oo .
5. Tingnan ang Figure 17 . Ipapakita ang listahan ng mga kalapit na kaganapang pantrapiko (1). Ipinapakita ng bawat item ang direksyon at distansya sa kaganapang pantrapiko. Ipinapakita rin ang mga palatandaan ng kalsada at mga icon ng trapiko.
a. Upang magpalipat-lipat sa pagitan ng lahat ng kalapit na kaganapan o mga kaganapan lamang sa ruta, piliin ang icon ng switch-view (2).
6. Pumili ng kaganapang pantrapiko (1) mula sa listahan. Nagpapakita ito ng detalyadong mensahe ng trapiko.
1Kaganapan ng trapiko
2Icon ng i-switch-tingnan
Figure 17. Listahan ng Mensahe sa Trapiko
7. Tingnan ang Figure 18 . Pilii: Kaganapang pantrapiko. Binabasa ng radyo ang text message sa mga speaker o headset gamit ang feature na text-to-speech. Habang tumatakbo, naka-lock ang feature na scroll para sa mensahe.
8. Piliin ang icon ng mapa (4) upang ipakita ang lokasyon ng insidente sa mapa.
3Text-to-speech feature
4Icon ng mapa
Figure 18. Mensahe sa Trapiko